"Busy on your wedding ha?" Napatingin ako sa nagsalita. Its Dale Saavedra. Matagal na akong walang balita sakanya since nung naging official sina Arianna at Michael. Nag nod ako bilang sagot sakanya.
"Have a seat." Agad niya rin naman akong sinunod. Tahimik lang siyang nakaupo at pinagmasdan ang mga nakakalat na papel sa mesa. Tiningnan ko siya at napansin na pumayat ata siya, hindi naman siya ganito nung huli naming pagkikita. At namumungay ang mga mata niya parang palaging pagod.
"Are you okay, Dale?" Inangat niya ang kanyang ulo at tiningnan ako.
"Why? Do I look tired?" Nakasimangot siyang sabihin yun. Nagkibit balikat ako bilang sagot.
"Mukha kang nangangayayat, may sakit ka ba?" Tumawa siya ng mahina. "Oo sa puso."
Ha? Since when pa siya may sakit sa puso? And alam ba to ni Arianna. Nagulat ako nung biglaan siyang tumayo. "Aalis na ako, may lakad pa pala ako. Ikamusta mo na lang ako kay Arianna." Nagmamadali siyang umalis na ikinagulat ko and nalaman ko ang rason nung nagkasalubong sila nung best friend ko. Hindi siya pinansin ni Dale at dinaanan na parang hangin.
"What's wrong with him?" Arianna looked pissed kaya natawa ako. Mukhang affected si Dale sa pagiging in a relationship ni Arianna. Baka may gusto siya sa best friend ko. Oh baka ayaw niya lang talaga ng gulo dahil alam niyang pinagseselosan siya ni Michael.
Hindi ko na lang pinansin yung nangyari kanina tutal lilipas lang naman ang mga araw. Magiging okay din sila ni Arianna. Tinulungan na lang niya ako mag layout sa mga invitations namin dahil mamayang alas tres susunduin na namin si Tita Rachel. Sa wakas okay na yung kalagayan niya at fully recover na siya.
"Tita, mabuti po at nakauwi kayo ng maayos" sinalubong ko ang nanay ni Ethan at niyakap siya. Its been a long time simula nung nakita ko siya. She looked sickly and weak before pero ngayon she is lovely and beautiful parang hindi halata na nagkasakit siya. Buti naman at bumalik na sa dati si Tita Rachel.
"Call me Mom, Samantha. Tutal ikakasal na kayo ng anak ko, and sooner or later you will be my daughter." Napangiti ako sa sinabi ni Tita. Ganun din si Ethan na nasa likod niya. Tinulungan sila ng mga katulong na buhatin ang mga gamit ni Tita kaya inanyayahan ko na sila na mag breakfast.
Maaga akong nagising para pumunta sa bridal shop. Napagkasunduan kasi namin ni Tita Agnes na ipakilala sa may ari. Isa itong sikat na international fashion designer at marami na rin siyang shops sa buong mundo.
"Hi kaye!" Nag beso si tita agnes sa kanyang kaibigan. They used to be college friends. Si miss kaye yung nag design ng gown ni Tita nung sumali siya sa Mutya ng kanilang school. Naglibot libot ako sa buong shop niya. I was amazed. Nakakabighani yung mga gawa niya. Halatang mamahalin yung mga tela, yung mga disenyo halatang mahal. May nakita akong shiny shimmering na long gown na sinuot ng mannequin. Isa itong spandex na gown. Nakikita yung kurba ng katawan pag sinusuot ito. Punong puno ito ng mga kumikinang na diamante. Tiningnan ko ang price tag at nakitang 250,000 ang presyo niya. Ang mahal naman. Ma aafford ko ba dito? Mukhang hindi naman bagay sa akin 'to.
Narinig ko na papalapit na sila sa akin kaya inayos ko ang sarili at humarap sa kanila. "Kaye, I mentioned earlier na ikakasal na si Ethan, and this lovely girl infront of me is her soon to be wife."
Ngumiti si miss kaye at nakipag beso sa akin. "Ang bilis nga naman ng mga panahon. So miss Samantha right? May napili ka na bang gown? Or I guess you like that gown beside you?"
Napalingon kami ni tita agnes sa tinitingnan kong gown kanina. It was a beautiful gown. Yung tipong pang palasyo. Pero I think its not worth it kung ako yung magsusuot. I'm just too simple. Gusto ko yung tipong plain lang. Hindi naman masyadong bongga ang gusto kong kasal.
"Kaye, its on me. Ako na ang magbabayad ng gown ni Samantha." Nagulat ako sa sinabi ni Tita Agnes. Gusto ko man siyang pigilan pero wala na akong magagawa dahil sinukatan na nila ako.
"Tita, why did you bought that gown for me? Okay lang naman po sa akin kung yung mura lang po." She lean on me and hugged me tightly.
"Sam. Gustong gusto ko makabawi kay ethan. I know ilang years naging magulo ang buhay niya because of me. Pero thanks to you kasi you make a way para maging maayos lahat ng ito. Please let me to have this gift for you." Napangiti ako sa sinabi ni Tita Agnes. She is a wonderful woman. Kahit separated si Ethan sakanyang Mom and Dad I know he was still lucky because of Tita Agnes pure love.
BINABASA MO ANG
Man Of My Dreams- Book One
RomanceSamantha is a hopeless romantic person. She believes that everything is destined for you in the right place and in the right time. Although she came from unwealthy family its not a burden to her to achieve her dreams. She study hard and became the t...
