Hello everyone! Sorry for the late update I'm so busy right now.
Yeah. Busy sa work. But I will continue writing this story, since malapit na itong matapos right? Enjoy this long chapter. :)
-
Tinitingnan ko ang sumsidlak na diamante na nasa aking kamay. Ang ganda pala talaga nitong singsing. Siguro mahal ito. Hmm? Dati, nangarap ako na mangyayari saakin yung mga kwento ni Tatay. Tungkol sa mga fairytale na binabasa niya sa akin. Naniwala ako dahil yun ang nakikita ko sa pamilya ko. Ang pagmamahal at pag aaruga sa isa't isa.
Hindi ko inaasahan na darating si Ethan sa buhay ko. Yung mamahalin ako, tatanggapin ako kung sino ako at ngayon na pumayag akong maging kabiyak ng puso niya, ng mundo niya. Napakasaya ko, Sobrang saya ko.
"Ready ka na?" Nakita ako ni Ethan na pinagmamasdan ang suot kong singsing. Ngumiti ako at nilapitan siya.
"Alam ko talagang bagay sayo yan. Kaya binili ko agad." Hinalikan niya ang aking kamay at agad niya itong pinalupot sa kanyang beywang.
"Mahal ba 'to Ethan? Kasi kung mahal, sana bumili ka na lang nang mura. Ayos lang naman saakin kahit mura kasi." Hindi pa ako tapos sa pagsasalita ng bigla niya akong hinalikan sa labi.
"You are worth all of it Samantha dahil mahal kita and you weren't just a star to me, you were my whole damn sky."
Napangiti ako sa sinabi niya at nagyakapan kami. My love for Ethan is unexplainable, dati crush ko lang siya, yung nagpapasaya sa akin. At nung naging kami na, hindi ko aakalain na darating kami sa puntong ako yung babaeng pakakasalan niya. Yung taong gusto niya makasama habang buhay. Everything is so surreal. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.
Pinasyal namin lahat ng magagandang tanawin sa Davao, bumili kami ng pasalubong para sa pamilya ko at sa mga kaibigan namin. Pagkauwi namin sa bahay, ibinalita na namin kina Nanay at Tatay na engaged na kami ni Ethan. Natuwa naman sila at nagplano tungkol sa kasal.
Balak namin na after ng graduation namin ni Ethan ikakasal. Syempre babalik na siya dito sa pag aaral kasi okay na yung kalagayan ni Tita. Nakakapaglakad na siya at bumabalik na sigla ang katawan niya.
Kinabukasan, may pasok ako kaya sabay na kaming pumasok ni Ethan sa school. Pumunta lang siya saglit sa dean's office para isettle ang mga subjects niya habang ako dumiretso na sa classroom ko. Pagkarating ko doon wala pa ang teachers namin. Nadatnan ko si Michael at Arianna na masayang nag uusap. Ewan ko kung anong meron sa dalawang 'to pero ang alam ko, nanliligaw si Michael sa kaibigan ko. Mabuti naman kung ganoon, lahat ng mga mahal ko sa buhay masaya rin. Nakita ako ni Michael na paparating, kaya lumipat siya ng upuan.
Lumapit ako sakanila at nakipagkwentuhan. Ikinuwento ko ang tungkol sa masayang bakasyon namin ni Ethan. Pero syempre hindi ko pa sinasabi ang tungkol sa kasal. Napag usapan kasi namin na kaming dalawa yung magsasabi sa mga kaibigan namin.
Noong umalis na si Michael itinanong ko sa bestfriend ko kung anong status nila dalawa. Mukha kasing may something sakanila eh.
"I like him besh, masyadong mabait si Michael. His the type of guy that girls fall inlove with and He makes me happy." Masaya ako para kay Arianna kasi kung ano yung napagdaanan ko kay Ethan, ganoon din siya.
"But what about Dale?" Nagulat siya sa sinabi ko.
"Dale? Uhm his just like a brother to me. I like him as my friend and isa pa besh imposible naman talaga na magkakagusto ako sakanya. He's a playboy pero alam mo? Kahit ganon yun nirerespeto niya ako. Nagtataka nga yung mga kaibigan niya kung ano talaga kami kasi alam mo yun hindi niya ako ginalaw, I mean he doesn't asked for sex. Nagagalit pa nga yun eh pag may nakikipag usap sa akin na kaibigan niya. Sabi nya, galawin na raw nila lahat ng babae, huwag lang ako. Nakakatuwang isipin na mabuting tao rin pala siya kaya I like him as my friend. Kahit wala si kuya ko dito, I feel his presence through Dale Saavedra."
BINABASA MO ANG
Man Of My Dreams- Book One
RomanceSamantha is a hopeless romantic person. She believes that everything is destined for you in the right place and in the right time. Although she came from unwealthy family its not a burden to her to achieve her dreams. She study hard and became the t...
