Twenty Four

102 3 0
                                    

Dark Secrets (SPG)

Nagtitigan kami ni Ethan pagkatapos niyang sinabi iyon. Nakaramdam ako ng kilig at ang hirap pigilan ng nararamdaman ko. Umiwas na ako sa mga titig niya at tinikman ang baked macaroni na inorder nila.

"Let's dance. Nabobored na ako." Sabi ni Suzy. Tumayo siya para sumayaw. Tumayo rin si Thea dahil gusto rin

nitong sumayaw.

"Ayaw nyo?" Tanong ni Suzy sa amin. Naka focus lang yung mga mata niya sa dancefloor at sobrang naaaliw siya doon kaya nasasabik siyang sumayaw.

"Dito na lang ako." Nakayuko lang si Arianna sa pagsasalita. Napapansin kong kanina niya pa iniiwasan na magtama ang mga mata naming dalawa.

Napansin iyon ni Suzy na nag-iilangan kami sa isa't isa. Kinalabit niya si Ethan at niyayang sumama sa kanila. Nung una tinaggihan siya ni Ethan pero kalaunan sumama na rin ito sakanila.

Kami na lang ni Arianna ang naiwan dito sa VIP room. Hindi pa kasi bumabalik sina Michael at Josh mula kanina.

"Besh. Is there something wrong?" Lumapit ako ng kaunti kay Arianna. Nakaharap ako sakanya at dahan dahan niyang inangat yung ulo niya.

"I'm so sorry besh. Hindi ko nasabi sayo kasi natatakot ako... Baka kasi ayaw mo na akong maging kaibigan." Kumunot ang noo ko at nagtataka sa sinabi ni Arianna.

"Bakit naman? Bestfriend kaya kita." Ngumiti siya sa sinabi ko at niyakap ako. "Thanks besh. Akala ko kasi talaga..."

Niyakap ko din siya at hinagod ang likod niya. "Shhhh. Its okay besh. C'mon. Magkwento ka. Makikinig ako."

Kinuwento ni Arianna sa akin ang tungkol sakanila ni Dale. Pinakiusapan siya ni Dale na magpanggap kay Lorraine na mag syota sila.

Sobrang obsessed raw nito kay Dale kaya siya iniwan kasi nasasakal yung tao sakanya. Sa bestfriend ko rin nalaman na si Lorraine ay barkada ni Angel nung highschool.

Matagal tagal na rin si Lorraine at Dale at may nangyari na sakanila at ito lang raw ang habol ni Dale. OMG!

"Stop seeing him besh. He's a hunter! Baka mamaya niyan ikaw pa ang susunod na i-hunt!" Nagulat si Arianna sa sinabi ko at muntik niya pang mailuwa ang baked macaroni na kinakain niya.

"He hates virgin besh. Low performance raw." Ako na naman ang nagulat sa sinabi ni Arianna sa akin. OMG! Tama nga talaga ang sinabi ni Ethan na napaka bad boy niya. Akala ko kasi siya yung tipo na basagulero lang pero higit pa pala doon ang ugali niya.

"So what happened after their break up?" Nag change topic na ako. Ayoko na kasing makelam sa buhay ni Dale. Alam kong masama ang mag judge ng tao kaya itinigil ko na.

"Lorraine became vulnerable. Palagi siyang nagkukulong sa kwarto at di kumakain." Napalingon ako sa nagsalita sa likod. Si suzy. Kailan pa siya naandito? Nakikinig ba siya sa usapan namin?

Umupo si Suzy sa tabi ko at nakipag usap sa amin ni Arianna. Nagsimulang manginig ang mga kamay ng bff ko kasi syempre alam niyang kaibigan ni Suzy si Lorraine kaya nakokonsensya siya lalo na ngayong nalaman niya ang kalagayan ni Lorraine.

"She's upset lately. Actually, she wants to see you Arianna pero don't worry I'll keep my mouth shut." Ngumiti sa amin si Suzy at napabuntong hininga ng malalim ang bff ko.

"Buti nga at nag break sila eh. Balita ko, she always cut classes because of Dale. Napaka bad influence." Kitang kita sa pamumukha ni Suzy na nadisappoint siya sa ginagawa ng kaibigan niya.

Pagkatapos naming mag usap tungkol sa ugnayan ni Arianna kay Dale nag order si Suzy ng ladies drinks wala kasi akong alam dito eh at ang mamahal pa nila. May isang waiter ang lumapit sa amin nakatayo siya at hinihintay ang order naming mga girls. Lumingon muna ako kina Thea na hanggang ngayon ay sumasayaw parin sila sa dance floor. Mukhang nag eenjoy sila nina Ethan, Michael at James.

Man Of My Dreams- Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon