Twenty Six

171 6 0
                                        

A/N: Sorry talaga sa super late update guys, and sorry sa mga nagdaang chapters na may SPG kailangan lang talaga isingit kasi may upcoming story sina Arianna Lopez and Dale Saavedra. Sorry to spoil you pero kasalukuyan kong sinusulat iyon and ipupublish ko siya soon. Enjoy reading guys! Vote for my story and you'll have the dedication.

I WON'T GIVE UP

"Mr. De Leon I'll remind you that this is the second seizure of your Mom. We already finished having CT scans and MRI and the results are not normal." Halos nawawalan na ako ng pag-asa para sa pag galing ni Mommy. Ilang linggo na rin matapos kaming nag usap ng doktor at hanggang ngayon hindi parin ako nakakapagdesisyon.

 "What will happened Doc if my Mom will have a seizure again?" Tanong ko sa doktor noon dahil hindi ko na alam ang gagawin ko pag inatake ulit ang Mommy ko. Siya na lang ang mayroon ako pagkatapos kaming iniwan ng Daddy ko at pinagpalit sa ibang pamilya.

"She may lost her mental abilities which means it can cause her brain damage at maaari niya itong ikamatay." No! Hindi pwede yun ang tanging bumubulong sa isipan ko ng pagkakataong iyon. Kung ano man ang ibang paraan gagawin ko para lang mabuhay ang ina ko.

"What are the other options doc? I'll do everything for my Mom. Just tell me and I'll take all the risks." Kahit kailangan magbuhos ng malaking halaga I'll do everything to save my Mom. I can sell our car, the house and I can use my money in the bank para lang sa Mommy ko. Pero iba pala ang naging solusyon.

"There are best of specialists abroad you can have the treatment of your mom there. It will take three months to five ang recovery ng Mommy mo." May iilang relatives naman ako sa abroad pero mas makakasiguro ako kung sasama ako sa pagpagamot kay Mommy. Sa sitwasyon niya ngayon hindi ko siya maaaring iwan pero paano na ang pag aaral ko? Paano ang mga iiwan kong responsibilidad? Paano si Samantha? Paano ko ito ipapaliwanag sakanya?

Nasa loob ako ng ICU at nag iisip. Naguguluhan ako kung kailan ko sasabihin kay Samantha ang lahat ng ito? Palagi kaming nagkikita dahil minsan dumadalaw siya sa ospital pero hindi ko binabanggit sakanya ang naging resulta sa Mommy ko.

Nanghihinayang ako kasi I'm aiming too much para sa academics ko at kung sakali man na ma delay ako siguradong matatanggal ako sa pagiging dean's list. Inabot ni Suzy sa akin ang iphone niya kaya napatitig ako sakanya. "Kanina pa nagtetext si Samantha kung kamusta na si Tita. Tawagan mo siya, she deserves to know."

Naguguluhan ako kung paano ko sasabihin kay Samantha na aalis ako. Ayoko siyang iwan dahil hindi ko kaya. Mayroon naman kaming tiwala sa isa't isa pero knowing her she always understand me. She always came here for three weeks, she always brought me handouts for me to catch up in my lessons. She doesn't know anything cause I know that this matter had been troubling her for some time but she chose to be strong.

Pumasok si Suzy sa loob at ibinilin sa mga katulong ang pag-aayos ng mga gamit ni Mommy. Pumasok rin ang private nurse at inalalayan si Mommy ngayon na siya ilalabas sa ospital dahil sa mga susunod na araw pupunta na kaming amerika.

Pagkarating namin sa bahay inutusan ko ang mga katulong na maaari na silang umuwi sakanilang probinsya habang magpapagamot si Mommy. Naghanap na rin ako ng bibili sa mga sasakyan para makaipon na rin.

Nasa kwarto ako at nagliligpit ng biglaang pumasok si Manang Tess. "Sir Ethan, kararating lang po ni Maam Samantha nandoon po siya sa kusina." Tumigil ako sa pagliligpit at agad na pumunta sa kusina. Naabutan ko siya doon na kinakausap ang Mommy ko.

"Tita, mabuti po at nakauwi na kayo." Lumuhod siya sa harapan ni Mommy agad naman inilayo ng nurse si Mommy sakanya. Nakasuot siya ng sheer polo at floral pants. Kahit napaka simple niyang tingnan maganda parin siya. Hindi na niya kailangang gumamit ng makakapal na make up, magpakita ng cleavage para makapang akit ng lalake. Kahit sino nabibighani sa natural niyang ganda.

Man Of My Dreams- Book OneMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon