Chapter 1✓

3.9K 31 1
                                    

                   •DELIGENCIA•

  
Ano ba! Ano na naman ang sasabihin mo sakin? Mangungulit ka na naman?

 
Ah, ano kasi iyong sinabi ko sayo noong isang araw, ikaw nalang ang partner ko sa prom pwedi?

 
Rafael, hindi nga ako sigurado kung makakasali ako sa prom. Hindi ko pa na tanong si nanay about doon. Alam mo naman diba na mahirap kami kaya wala akong pang gastos diyan. Pagkatapos kung sabihin iyon ay napa buntong hininga nalang ako.

 
Puwes, kung ganon ako nalang ang bahala sayo, ako na ang bibili ng damit mo at ako narin ang bahala sa pwedi pa nating gastusin. Pwedi ka rin namang hindi na mag lagay ng make up, mas maganda ka nga kung wala iyon. Nakangiti niyang sabi sa akin.

  
At bakit mo naman gagawin yun? Eh, magkaedad lang tayo at magkaklase pa! Alam kung mayaman kayo pero hindi mo na dapat pang ipamukha sa akin na mahirap ako!

 
Gen, No...mali ka hindi naman sa ganun yun. Kung pwedi lang naman, at para narin makasali ka para partner kita. Ayaw ko sa ibang babae ikaw lang ang gusto ko! Alam mo naman iyon siguro diba? Gen....diba?

 
Iwan ko sayo! Kung ayaw kung sumali nasa sakin na 'yun no! Wala kana 'don! At hindi naman pwedi na magka partner tayo dahil kaklase kita at higit sa lahat ka batchmate kita kaya bawal 'yun.

 
"Pwedi ko naman gawan ng paraan yon." Sa amin tong school kaya pweding pwedi ko gawin yon.

Mariin ko siyang tinititigan. 'Yun na nga diba ayaw ko sayo dahil mayaman ka ay hindi pala sobrang yaman mo! Mahirap lang ako okay? Nadito ako sa school nato dahil scholar ako! At pwedi ba! Lumayo ka sa akin palagi nalang akong napapalapit sa gulo dahil sayo!

 
Tinulak ko siya para makadaan ako.

"Sorry na" sabi niya sa nakakaawang boses. Hinabol niya ako dahilan upang mas binilisan ko pa ang aking paglalakad. Talak siya ng talak sa likod ko pero hindi ko na siya napansin dahil nakatoon ang aking atensyon sa mga istudyante na nagbubulongan dahil nasa sa likod ko naman ang pinakamamahal nilang tao dito sa paaralan. Buntot ng buntot akala mo naman aso kung makasunod.

 
Mas lalo lamang akong naiinis sa kanya dahil mas rumarami ang nagagalit sa akin dahil sa kanya.

 

Nang malapit na sa gate ng school ay napahinto ako ng hawakan niya ang aking braso.

Ano na naman ba? Uuwi na ako okay? May marami pa akong gagawin kaya pwedi ba tantanan mo na ako! Kainis ka naman eh! Mariin ngunit pasigaw kung sabi sa kanya.

 
"Sabay na tayo nadito na ang sundo ko," sabi niya sa akin ng nakangiti.

Nakita ko naman ang kanyang tinutukoy. Sila lamang ang may sasakyan na ganito sa aming lugar. Kaya madali mo lamang malaman kung sa kanila ba ito. Hatid sundo siya ng driver nila at may guard pa! Mayaman nga naman.

 

Hali kana, sabay hila niya sa akin.

Ano ba bitawan mo ako nakakahiya! Pasigaw kung sabi sa kanya.

Ouch! Masakit 'yun ha nakangisi niyang sabi. Ikinakahiya mo ako? Sa gwapo kung ito? Sige na last nato hindi na kita kukulitin bukas, kung sasakay ka sa sasakyan ko ihahatid lang naman, sabi niya ng nakangisi. Please..., sabi niya sa akin.

  
Sayang din naman yung pamasahe na ibabayad ko kung sasakay pa ako ng jeep at trisicle. Medyo malayo kasi yung amin dito sa lungsod medyo sa magubat iyon na parte ng probinsya.

At pwedi ko pa iyong ipunin para sa bibilhin kung regalo sa papalapit na kaarawan ni nanay. Napangiti ako sa aking isipan at nagpahila na lamang sa kanya. Ngayon lang naman siguro ko to gagawin dahil nag-iipon ako sabi ko sa aking sarili.
 

🌌🏞️🏜️

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon