Chapter 53✓

337 5 1
                                    

                     •DELIGENCIA•

  
  
Mabilis na nagdaan ang dalawang araw, ganun nga siguro talaga pag masaya ka mas mabilis ang oras. Nag-iimpake na ako ng gamit dahil bukas ako susunduin ni Rafael.

   
Akala ko ay hindi ko sya maiisip habang nandito ako kasama sina nanay. Pero mali ako dahil sa gabi ay siya ang bukod tangi na iniisip ko.

  
Kung ano kaya ang ginagawa niya sa mga araw na wala ako at hindi ko siya nakikita. Hindi niya rin ako tinatawagan kaya mas lalo lang akong nag-isip ng kahit ano.

  
May dala naman akong cellphone na binili niya para sa akin. Pero hindi man lang niya naisip na tawagan ako o kamustahin man lang.

  
Dahil mas palala ng palala ang mga iniisip ay mas mabilis kung naayos ang dalang mga damit. Pagkatapos kung magsipilyo at maligo ay nagsuot ako ng mas kumportable na damit.


  
Mas inisip kung matulog na dahil sa mga kakaibang iniisip lalong lalo na dahil tungkol ito kay Rafael. Naisip ko tuloy na kung wala lang sanang away at sama ng loob sa pagitan nina nanay at sa pamilya niya, mas maayos kaya ang lagay namin ngayon?

  
Maiisip kaya nina nanay na gamitin ko si Rafael dahil lamang sa kasalanan ng pamilya nito samin? Alam kung gusto ako ni Rafael noon paman, kung ang lahat ng iyon ay totoo.

   
Pero nawala ang lahat ng iyon dahil sa ginawa niya sa akin. Siguro kung walang problema lang sana pwedi ko pa sana siyang magustuhan at piliin na mahalin siya ng lubusan.

  
  
Nagising ako ng maaga dahil naisipan ko rin na magluto ng ulam na alam kung paborito nina nanay at tita. Pagkalabas ko sa kwarto ay nakita kung nasa sala sina nanay at tita nagkakape.

  
Nagtempla na ako ng kape sabi ni nanay sa magaan na boses. Si tita naman mismo ang nag-abot nito sa akin ng maayos.

   
Nagpaalam na ako na ako ang magluluto ng ulam para sa agahan at tinungo na ang kusina para makapag-luto na. Kahapon namin binili ang mga kakaylanganin kagaya ng karneng manok at sa gulayan na tanim naman nina nanay kami nagkuha ng iba pang sangkap na gagamitin.

  
Pagkatapos kung maluto ang ulam at inilagay ito sa mesa kasama ang kanin na sinain ni nanay kanina, ay tinungo ko na silang dalawa at aayain na sanang kumain nang sa paglabas ko papuntang sala ay nakita ko si Rafael na nakaupo sa upuan habang kausap si nanay.

   
Nang makita ako ay nahinto siya sa pakikipag-usap kay nanay at napatitig sa akin. Nakasuot siya ng simpleng damit at pantalon suot ang itim niyang sapatos.

   
Oh....tapos na pala si Gen magluto, hali kana at ng makakain na tayong lahat ng agahan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako ng makita na maganda naman kahit papaano ang tungo nina nanay sa kay Rafael.

  
   
Nakita ko rin ang baso ng kape na sa tingin ko ay tinimpla nila para kay Rafael. Tumayo si Rafael habang palapit akong humakbang patungo sa kanya. Ng nasa kusina na sina nanay at tita ay ginawaran niya ako ng halik na kay tamis. Iba sa mga halik niya noon na palaging agresibo at uhaw na uhaw.

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon