Chapter 48✓

364 8 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

 
Tapos na akong magbihis ng damit ng bumukas ang pintuan. Pumasok si Rafael na mainit ang tingin sa akin. Hinarap ko ulit ang salamin upang mas makita ng maigi ang sarili.

 
Nakita ko ang paunti-unti niyang paglakad papunta sa aking kinatatayuan. Mariin ang titig na aking ipinukol sa kanya upang malaman niya na hindi ako nasasayahan sa kanyang pressenya.

 
Mukha na namang galit, eh....parang palagi naman siyang galit. Lumapit siya sa akin at niyakap ako sa aking likuran. Ramdam ko ang kanyang hininga sa aking batok.


  
We'll talk to your mother, about us getting married. Bulong niya sa akin. Parang nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa kanyang sinabi.


 
Yun' lang ang tanging paraan para payagan kitang makita sila muli. Ipagpapatuloy natin ang pag-aaral sa iisang paaralan. Sa akin kana uuwi pagkatapos at pagsilbihan ako bilang asawa mo.


 
Ako na ang bahala sayo, at pag sinunod mo ako. Pati ang nanay at tiyahin mo bibigyan ko ng magandang buhay. Kasi ayaw ko namang makita ang nanay ng magiging asawa ko na napapagod.

"You don't have a choice but to agree." Are you done? Tanong niya sa akin.

 
Dahil sa hindi mapigil na emosyon hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Mabilis ko itong pinunasan takot na makita niya ang aking pag-iyak. Ngunit nakita na niya ang aking mukha sa salamin na nasa harap.


  
Dahan dahan akong tumango, hindi pa naproproseso ang kanyang mga sinabi. Handa akong gawin ang lahat para makabalik lang sa dating buhay. Mag-aaral ulit ako at makakasama ko ulit sina nanay at makikita sa araw araw.



 
Pero ayaw kung makasal sa taong katulad ni Rafael. Oo, gwapo at mayaman at nasa kanya na ang lahat ngunit sa ugali ata kinulang. Kung gaano man ka perpekto ang pisikal na anyo ng lalaking iyon, ganun naman ka pangit ang ugali.


  
  
Nakaupo na ako sa upuan kung saan katabi ko si Rafael. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Ng subukan kung bawiin ito, ay hinayaan naman niya. Pero inilipat niya ito sa aking hita, paunti unti ang kanyang paghimas na nagbibigay sa akin ng kaunting kiliti.



  
Mabilis akong napatayo ng bumukas ang pintuan at pumasok si nanay. Bakas ang luha sa kanyang mga mata dahil sa pag-iyak. Kita roon ang lungkot at galit dahil sa mga pangyayari.



  
Mabilis kung nilapitan si nanay at mahigpit na niyakap. Ng narinig ko ang kanyang hikbi ay hindi ko narin napigilang ang sariling umiyak. Labis na lungkot ang aking nararamdaman sa nagdaang araw. Akala ko tuluyan na silang pinalayas ni Rafael at sinaktan.


  
Mahigpit ang pagkakayakap ni nanay sa akin. Napigil ang pagpahid ko sa aking mga luha ng marinig ang boses ni Rafael na siyang dahilan ng lahat ng ito. Oo at may kasalanan ako sa mga pangyayari ngunit mas masama parin at higit pa ang kanyang mga ginawa sa akin.



 
"Sit down."  At nakita ko ang mga guards ni Rafael na may mga dalang baril. Hinawakan ko ang kamay ni nanay dahil naramdaman ko ang takot niya. Magiging maayos rin ang lahat nanay, bulong ko sa kanya. At hinalikan siya sa kanyang noo at mahigpit na niyakap muli.





Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon