Chapter 28✓

319 4 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

 
Kayo na? Bakas ang di pagsang-ayon sa boses ni Teddy.

Oo kami na, may problema ba doon? Baritono na may bahid ng galit ang boses ni Rafael.

 
Napahawak ako sa kanyang kamay pilit siyang pinapakalma.

Wala namang problema doon kung gusto rin naman ni Gen? Naging tanong yun sa huli sa paraan ng pagkakasabi ni teddy.

  Ahm..., boses ni nanay paraan para matigil sila.

Gen, anak naisip lang namin na baka masyado kapang bata para diyan sabi ni nanay na siyang nagpagulat sa akin.

 
Mas lalo akong naguluhan dahil sa sinabi ni nanay.

Eh..., pumayag naman siya sa plano diba? Alam naman siguro niya na plano lang ang lahat. Na ang lahat ng ito ay para sa lupa.

 

 
Nang ibaling ko ang aking paningin sa kay tita ay nakita ko ang pagyuko niya.

Rafael, may sasabihin ako sayo sabi ni nanay.

 
Kita ko ang sersoyong mukha ni Rafael habang inaantay ang sasabihin ni nanay.

 
Pasensya kana kay Gen, aamin ako na pumayag din ako at ang tita niya sa plano...,pl-anong makuha sa inyo ang lupain na aming sinasakahan.

Nanglaki ang aking mata dahil sa sinabi ni nanay.

 
Naging desperada lang naman kami saba't naman ni tita. Hindi ka talaga gusto ni Gen, ang lahat ng ipinapakita niya sa iyo, lahat 'yun ay hindi totoo.

 
Naramdaman ko ang pag bitiw ni Rafael sa aking kamay. Bakas sa kanyang mukha ang galit.

 
 
Itong si Teddy talaga ang gusto niya. Nabaling ngayon ang aking paningin sa kamay ni Rafael. Kita ko ang pinipigilang galit niya.

  

 
Itong si Teddy ang gusto namin para kay Gen. Mabait, masipag at higit sa lahat galing sa pamilyang.

Napahinto si tita sa kanyang sasabihin dahil sa agarang pagtayo ni Rafael.

 
Nakayuko lamang ako takot na tignan ang naging reaction ni Rafael sa mga narinig. At hindi ko napigilan ang pagtulo sa aking luha. Mabilis kung pinunasan kaagad iyon.

 
Mauuna napo ako, sabi ni Rafael at lumabas na. Tumulo ang aking luha dahil sa narinig.

Na roon parin sa kanyang boses ang paggalang sa kay nanay at tita. Kahit na nasaktan siya sa mga sinabi nito.

 
Umakyat kana doon Gen sabi ni tita ng makita ang pag-alis ng sasakyan ni Rafael.

 
Wag mong sasabihin na nasaktan ka sa mga sinabi namin sa batang iyon. Hindi na natin kaylangan ang lupain nila. Lilipat na tayo inaantay ka lang namin ng nanay mo.

 
Sa Maynila Gen, marahan ang boses ni nanay ng sabihin niya iyon. Doon tayo magsisimula muli. Iiwan natin ang lugar na ito para tuluyang makalimutan ang mga pasakit na ating dinanas dito.

 
Alam kung gaganti ang batang iyon. El Grego pa? Sabi ni tita. Alam ko ang ugali ng pamilyang iyan. Bait baitan pa.

  
 
Sa Maynila muna tatapusin ang pag-aaral. Itong si Teddy na ang bahala sa mga papel mo.

Ako na ang kukuha sa paaralan mo Gen, sabi ni Teddy tinutukoy ang mga papeles.

Ngunit papaano po ang graduation? Malungkot kung tanong.

 
Ayaw mo nun? Sa maynila kana mag-kokolehiyo. Bibigyan ni papa ng trabaho ang nanay at tita mo 'dun. Pati narin sa pag-aaral mo si papa na ang bahala.

 
Wag na siguro nating antayin ang graduation mo. Baka mapaano kapa sa paaralan na iyon. Alam mo namang pag-aari iyon ng mga El Grego.

 
Nay, aakyat na po ako at wag po kayong mag-aalala. Ako napo ang bahala sa papeles total tapos na naman ang exam namin.

 
Ako na ang pupunta bukas sabi ko sa kanila at umakyat na. Ramdam ko ngayon ang awa kay Rafael. Pero kaylangan kung gawin iyon. At makakalimutan 'din naman niya ako siguro dahil aalis rin naman kami.

  

  

  

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon