Chapter 22✓

354 5 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

  
Inalis ko ang pagkakatakip ng aking kamay sa kanyang bibig ng nawala na sa aking paningin si Teddy.

 
  
Pagbibigyan kita ngayon, pero pagkatapos ng exam ipakikilala kita sa lahat ng ating kaklase bilang girlfriend ko. Ipakikilala kita sa pamilya ko Gen, mariin niyang sabi.

 

At gusto ko 'yun din ang gawin mo.

Nakaramdam ako ng takot sa kanya dahil sa paraan ng kanyang pagkakasabi. Mariin ito at final na para bang wala ng makakasira doon sa kayang mga sinabi.

   
Ahh..., sige sabi ko sa kanya ng para bang kuting na takot sa kanya.

  
Hinalikan niya ako sa aking labi. Ako ang tumapos ng aming halikan dahil sa takot na makita kami nina nanay.

  
  
 
Baka may makakita sa atin. Sige na baka gabihin kapa. Umikot na ako para makapunta na sa bahay. Lumingon ako at nakita ko ang pag-andar ng kanyang sasakyan.

  
Napabuntong hininga na lamang ako habang naiisip ang mukha niya kanina. Alam kung lumaki siya na lahat ng gusto niya ay nasusunod.

  
At sa nakita ko kanina sa kanya ay ang nagpakaba sa akin.

  
Gen, salamat naman at hindi mo na pinapasok ang batang El Grego nayon dito.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Teddy dahil sa sinabi ni tita.

  
Ah..., baka po kasi gabihin siya.

Lumabas si nanay dala ang tasa ng kape.

Magbihis kana doon sa itaas Gen. Nang makausap mo na itong si Teddy kanina pato nag-aantay sayo.

  
Nakangiti si nanay habang inaabot kay Teddy ang kape.

O magkape ka muna magbibihis lang saglit si Gen.

  

Napailing na lamang ako dahil sa kay nanay. Gustong gusto niya talaga si Teddy pati si tita kaya kahit wala namang gusto si teddy sa akin ay binibigyan nila iyon ng kahulugan.

 
Pumasok ako sa aking kwarto para magbihis. At ng matapos ay bumababa na ako. Nagtataka ako kung bakit nandito si Teddy ngayon.

  
 
 
Kadalasan kasi sa sabado siya bumibisita dito sa amin. At pwedi rin naman kasi na hindi na niya iyon gawin dahil sa umaga siya naman ang naghahatid sa akin.

  
Nadatnan ko si nanay na kinakausap ngayon si Teddy habang nagkakape. Pupuntahan ko na sana sila ng humarang si tita sa akin.

  
Hindi alam ni Teddy ang totoo at wag mong sasabihin sa kanya ang tungkol doon sa batang El Grego nayon.

 
Baka magtampo 'yun pag nalaman niya.

At pag natapos na naman yung plano iiwan mo rin naman kaagad yung batang iyon kaya maigi na hindi na malaman ni Teddy.

 
Alam ko po 'yun tita sabi ko sa kanya.

Tumungo na ako sa upuan kung nasaan nakaupo si nanay. Itong si Teddy, Gen ayaw maniwala na kaklase mo lang daw yung batang iyon.

  

Ah..., kaklase ko lang iyon inihatid lang ako. Wala kasing masyadong jeep kanina at nakita niya ako.

  
Ngumiti ako kay teddy, tumawa lamang siya.

Ano ba okay lang naman na magka boyfriend ka pero wag muna ngayon ang bata bata pa ninyo sabi niya. At diba nangako ka noon sa akin na walang secreto.

  
Oo naman, naiilang kung sabi.

Nay mag sasaing na muna ako maiwan ko muna kayo ni teddy. Tumango lamang si nanay at hindi ko na nilingon si Teddy.

Ayaw ko siyang kausapin, dahil alam kung magi-guilty lang ako.
  

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon