Chapter 9✓

512 8 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

    
Nasa sala ngayon si Rafael dahil sa pag imbeta ni nanay sa kanya na pumunta muna dito sa bahay.

  
 
Gen, bakit hindi mo sinabi na may taga hatid kana pala at si Rafael pa! Masigla na sabi ni tita.

  
Nasa sala ngayon si nanay kinakausap si Rafael. Inutusan niya akong ipaghanda si Rafael ng makakain. Kaya nasa kusina ako ngayon.

Tita ngayon lang po 'yun at naawa lang ata dahil nakita niya ako sa daan na naglalakad mag-isa, palusot ko.

  
Haha, kinurot niya ako, ikaw talaga palusot pa alam naman namin na may gusto yung Rafael na 'yun sayo. Natawa si tita ng makita ang naging expresyon ko.

   
Pwedi na nating gawin ang mga plano natin nakangisi niyang sabi. Sige ha, bilisan mo dyan ihahatid ko muna tong juice sa kanya. Alam mo na makiki-usisa na muna ako 'don.

  
Maigaganti ko narin si Nestor, Gen kaya wag na wag kang maaawa 'don masama silang lahat. Dahil sa kanila namatay ang tatay mo at si Nestor, mariin niyang sabi.

   
Nanigas nalang ako doon, dahil sa narinig ko kay tita. Dahan dahan akong naglakad patungo sa sala para madala ang pagkain.

  
Kita ko si Rafael na nakangisi habang nakikipag-usap sa kay nanay at tita. Uy, nadito na si Gen, masiglang sabi ni nanay.

Gen, di mo pa sinabi sa amin ng nanay mo na niyaya ka pala nito sa prom ni Rafael at binilhan kana pala ng damit napakabait namang bata nito, sabat naman ni tita.

  
Napabuntong hininga na lamang ako, ah hindi ko pa kasi alam kung gusto ko pong  sumali dagdag gastos lang po kasi 'yun palusot ko.

  
Ah..., hindi muna kaylangan mamoblema nadito si Rafael eh at kinurot pa ni tita si Rafael sa tagiliran na siya namang mas ikinangisi ni Rafael.

  
Hindi ko nga din po alam kung bakit ayaw akong ipakilala nitong si Gen sa inyo po tuwang tuwa niyang sabi.

Gen, tapos na akong magpaalam sa kanila para sa nararating nating prom at pinayagan na din nila akong manligaw sayo! Tuwang tuwa niyang sabi na siya namang kinatakot ko, dahil alam kung gagamitin nina nanay si Rafael para makaganti.

   
Matagal tagal ring nag-uusap si nanay at Rafael pati narin si tita.
Nakaupo ako ngayon sa tabi ni Rafael dahil 'yun ang gusto nina tita dahil bisita at manliligaw ko raw si Rafael.

   
Ah..., Rafael kaylangan mo ng umuwi mahirap na baka gabihin kapa sa daan sabat ko sa kanilang usapan.

Ah mamaya na, napakamot siya sa kanyang batok ng patago ko siyang kinurot sa tagiliran.

   
Nay, kaylangan nanpo niyang umuwi.

O sige Gen ihatid mo sa labas, mabait na sabi ni nanay. Mag ingat ka Rafael sa pagmamaneho mo sa daan. Sabi ni nanay at tita sa kanya, habang sinasamahan ko siyang maglakad papunta sa kanyang sasakyan.

  
Maraming salamat po sa inyo! Tuwang tuwa niyang sabi habang kinakawayan sina nanay.

   
Hinarap niya ako at may ibinulong sa aking taenga. Pa kiss naman oh good bye kiss, kahit sa cheecks lang.

   
Gusto mo bang mapatay kita, mariin kung sabi sa kanya. At hindi kana babalik dito sabi ko sa kanya.

    
Huh? Bakit naman okay naman ang nanay at tita mo sa akin ah. Ang bait nga nila at butong buto pa sila sa akin kaya imposible yang sinasabi mo.

    
Basta't ayaw ko, sige umuwi kana baka gabihin ka pa diyan sa daan multohin kapa.

     
Ako takot sa multo? NO WAY! He chuckled after saying that.

Sige alis na taboy ko sa kanya at tumalikod na para pumunta sa bahay pabalik. Dinig na dinig ko pa ang sabi niya, GOOD BYE! payag na sila ikaw nalang inaantay ko!

   

      

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon