Chapter 25✓

350 4 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

 
Kinabukasan ay maaga akong nagising upang mag review ng pinag-aralan ko kagabi.

 
Pagkatapos kung i review ang mga iyon ay nagluto na ako ng agahan .

 
Nang nakita ako ni nanay sa kusina ay.

  
Gen, ako na diyan sabi niya ng makita akong naghihiwa ng talong para mailuto.

 
 
Dapat nag-aral ka nalang sa kwarto mo. Huling araw naba ngayon ng exam ninyo?

 
Ah...,opo nay, pagkatapos siguro nito ay wala na kaming masyadong gagawin sa paaralan.

  
Eh, iyong plano mo sa batang El Grego na 'yun tuloy parin? Mabuti sana kung hindi ka mapahamak diyan sa ginagawa mo. Kilala ko ang mga El Grego anak masasama silang tao. Kaya pag nararamdaman mo na nagalit nayang batang iyon lumayo kana kaagad. Wag mo ng ituloy 'yung plano baka mapahamak kapa, nag-aalalang sabi ni nanay.

 
Nadala lang ako sa galit ng mga oras na 'yun kaya nasabi ko ang mga iyon.
Yung lupa...,napahinto si nanay sa kanyang sasabihin ng pumasok si tita sa kusina.

 
Ah..., sige po nay, mag-aaral nalang po ulit ako sa itaas. Malapit narin namang maluto ang nga ito.

 
At pagkatapos kung maluto ang lahat ng iyon, ay mabilis akong unakyat sa itaas para makapag-aral ulit.

 
  

Binasa ko ulit ang mga napag-aralan ko na. Pagkatapos 'nun ay bumaba na ako  para maligo. Pagkatapos kung maligo ay umakyat na ulit ako sa itaas para makapagbihis na. At narinig ko ang sigaw ni tita.

Gen, nadito na si Teddy bumaba kana dito pagkatapos mo diyan para makakain kana.

  
  
Nang nakababa na ay nakita ko si Teddy na kausap na naman si tita.

Umupo kana dito Gen, sabay lahad ni nanay sa upuan.

Ah, si Teddy po tapos napo ba kumain?

  
Kape nalang daw eh..., tapos na daw kumain sa kanila. Binilisan ko ang pagkain dahil ayaw kung mag-antay si Teddy. Pagkatapos kung magsipilyo ay tinignan ko ang aking mukha sa salamin para masigurong wala akong dumi sa mukha.

 
Tumayo si Teddy ng makita akong papalapit. Sige po mauna na kami tita sabi ni Teddy at kinawayan si nanay para makapagpaalam.

Mauna napo ako sabi ko kay nanay at tita para makaalis na.

 
 
Tahimik kami ni Teddy sa loob ng sasakyan.

Huling exam nyo naba ngayon? Tanong niya.

Ah...Oo pagkatapos nito follow up nalang ata kung may bagsak ba o wala.

  
  
Mag co-college kana, may kurso kana bang gusto?

 
Wala pa nga eh, pero gusto kung magturo, kaya teacher siguro kukunin ko. Pagkatapos no'n ay hindi na siya muli pang nagtanong.

 
Pagkadating ko sa loob ng aming silid ay tamihik ang lahat habang nagbabasa. Ngayon ang mga major subjects namin kaya mas mahirap to kumpara kahapon.

 
Naupo na ako sa upuan at binuksan ulit ang mga dalang libro para makapag-aral ulit. Sisiguraduhin kung masasagot ko ang lahat ng tanong ngayon.

 
Pumasok si Rafael sa loob na bakas sa mukha ang tuwa. Nakangisi ito habang palapit sa akin. May bitbit itong libro na sa tingin ko ay pinag-aralan niya.

  
Binasa ko na to ng maigi kagabi para mabperfect ko ang exam. Sabi mo may kiss ah...kaya humanda ka sa akin talaga maluko niyang sabi sa akin.

 
Naalala ko tuloy ang mga sinabi ko sa kanya kahapon ng ihatid niya ako pauwi.

 
Mamayang hapon na nila malalaman bulong niya sa aking taenga, at pagkatapos ay mabilis akong hinalikan sa pisnge.

 
Nahampas ko tuloy siya ng libro na siya namang kinatawa niya. Natatawang umupo siya sa kanyang upuan.

 
Ito naman nanghahampas agad, rinig kung bulong niya sa aking likuran. Pero ayos lang ganyan kalang talaga siguro kung kinikilig. Pagpaparinig niya.

 
Naiiling nalang ako habang sinusubukang ibalik ang atensyon sa binabasa.
  
 
  

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon