Chapter 19✓

363 6 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

Nakatuon ang aking pansin ngayon sa aking kinakain. Oo, walang halong biro masarap siyang mag-luto. Masarap at masyadong malambot ang pagkakaluto niya sa manok.

 
 
May ibang putahe pa siyang niluto na di ko alam kung ano. Naisip ko lang kung sinagot ko na siya kung araw araw ba niya akong pakakainin ng ganito ka sarap na mga pagkain.

  
Naubo ako sa aking iniisip, mabilis niya akong binigyan ng tubig.

Ayos..., ka lang? tanong niya sa akin, bakas ang pag-aalala sa kanyang boses.

 
   
Ahh..., Oo ayos lang ako sabi ko sa kanya. Masarap kasi masyado ang pagkain na niluto mo kaya ayan tuloy, pabiro kung sabi sa kanya.

   
Natawa naman siya ng malakas dahil sa sinabi ko.

Hahahaha..., talaga masarap? Masyado? Salamat pero mas masarap ata ang nag-luto tumatawa niyang sabi habang pilit na nag seseryoso.

  

Hinampas ko naman siya sa braso. Ikaw loko ka talaga paano kita sasagutin niyan.

  
Napahinto siya sa kanyang pag tawa dahil sa aking sinabi.

A-ano? Sasagutin mo na ako? Bakas ang tuwa at pagkagulat sa kanyang boses.

  
Oo, b-bakit ayaw mo ba? Nakangiti kung sabi sa kanya.

Nakita ko ang pag lunok niya dahilan ng pagtaas-baba ng kanyang adams apple.

  
Mabilis ko namang naibaling ang aking atensyon sa kanyang mukha. Na ngayon ay bakas ang pagkagulat.

  
Ta-talaga nauutal niyang sabi, seryoso na ngayon ang mukha. Sinasagot mo na ako?

  
Oo, diretsyahan kung sabi sa kanya na puno ng kompyansa. Mahal na ata kita eh, at dahan dahan akong tumayo at lumapit sa kanyang upuan.

  
Nang nakalapit na ay hinalikan ko siya sa pisnge. Boyfriend na kita, ayaw mo ba 'nun? Malambing kung sabi sa kanya.

   
Nakita ko na naman ang pamumula ng kanyang taenga.

Gusto! Gustong gusto, sabi niya sa akin at mabilis na tumayo sa kanyang pagkakaupo.

    

Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng maramdaman ko ang mariin na paghalik niya sa aking labi. Mahigpit na nakapulopot ang kanyang braso sa aking baywang dahilan ng paninigas ko.

   
Nang maramdaman ko na pilit niyang ipinapasok ang kanyang dila sa loob ng aking labi ay mabilis ko siyang naitulak. Nabalik ako sa aking sarili dahil doon.

  
Ahh..., sorry hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Parang natauhan 'din siya dahil sa aking ginawa.

   
  
A-ayos lang basta't wag mo ng uulitin 'yun, nakangiti ko ng sabi sa kanya. Naisip ko na magagawa ko ang plano ko dahil mukhang ang dali dali lang nitong paikutin.

   
Ha? Naguguluahan niyang tanong. Diba boyfriend mo na ako kaya pwedi na kitang halikan kaylan ko man gusto, sabi niya sa akin na para bang sobra siyang segurado na tama siya.

   
   
Hindi ganun 'yun, mabilis kung sabi sa kanya. Hindi porke't boyfriend na kita pwedi mo ng gawin 'yun.

   
Sa pisnge pwedi pero sa lips hindi pa sabi ko sa kanya.

    
Sure ka? Napapakamot sa ulo niyang sabi.

Natawa naman ako sa naging reaksyon niya. Para siyang bata na pinagbawalan na kumain ng candy.

 
   

Tapos na akong kumain, doon ko ba to ilalagay tukoy ko sa kusina niya. Ako na ang maghuhugas nito maupo ka nalang sabi niya.

   
Galit nga dapat ako paalala ko sa aking sarili. Sige ikaw nalang ang mag hugas niyan maupo na ako doon turo ko sa sofa.

  
Kapal na kung kapal pero may parte sa aking sarili na gusto ko siyang magdusa. Pag nakuha ko na ang lupain hihiwalayan na agad kita sabi ko sa aking isipan.

  

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon