Chapter 52✓

340 4 1
                                    

                     •DELIGENCIA•

  
Nakatingin ako sa tanawin at ang dating lugar kung saan ako lumaki. Matagal-tagal rin akong nawala dito.

  
Si Rafael ang nagmamaneho sa sasakyan. May dalawang sasakyan rin ang nasa likuran at isa sa harap kung saan kami ang nakasunod.

  
Hindi ko alam kung para saan at kung bakit may kasama kami. E hindi naman gaanong marami ang gamit na dala ko. Si Rafael mismo ang ayaw na magdala ako ng maraming damit dahil tatlong araw lang ako aalis at babalik rin kaagad.

  
Ayaw ko rin magdala ng maraming damit dahil ayaw kung suotin ang mga bagong damit na bili niya. Ayaw kung isuot kasi ng makita ko ang mga presyo nito ay nakakainsulto. Ang isang damit ay mas malaki pa ang halaga sa isang buwan na sahod ng isang tao.

  
Nang narating namin ang bahay na kung saan ay marami ang nagbago. Dahil narin sa kagustuhan ni Rafael na mas palakihin at pagandahin ito. Dahil gusto niyang komportable ang tinitirhan ng mga mahal ko sa buhay.

  
Eh....maayos pa naman ang bahay, yung nga lang ay gawa ito sa kahoy kaya siguro ayaw niya. Sa paraan iyon pa lamang ay pinamumukha na niya na kaya niyang bayaran at bilhin ang kahit ano kahit hindi naman namin hinihingi.

   
Nang nakita ko sa labas sina nanay at tita ay natuwa ako. Nanglaki rin ang aking mata ng makita ang matalik kung kaibigan na matagal ko ng hindi na nakikita.
  

  
Si Rafael mismo ang nagbukas ng pintuan. At ng nakalabas ay hinawakan niya ang aking kamay. Habang papunta kung saan sina nanay naghihintay. Kitang kita ang tuwa sa mga mata nina nanay.

  
Napanis ang ngiti sa labi ng aking
kaibigan ng makita si Rafael sa aking tabi kung saan hawak hawak ang aking kamay.

  
Mabilis kung tinanggal ang pagkakahawak niya sa aking kamay at mabilis na lumapit kina nanay at niyakap sila.

  
Narinig ko ang pagbati ni Rafael kina nanay kung saan pag-tango lamang ang isinukli nina nanay. Naramdaman ko rin ang pagsunod ng tauhan ni Rafael dala dala ang isang maliit na maleta kung saan naroon ang dala kung damit.

  
Isang oras na ang nakakalipas simula ng umalis sina Rafael kasama ang mga tauhan niya. Masaya akong nakikipag-kwentuhan kina nanay at tita habang nakikinig sa kanila. Masaya sa pakiramdam dahil kahit papaano ay naging maayos naman ang kanilang pamumuhay. At masaya rin na nagkwe-kwento si Teddy.

  
Alam ko na galit sina nanay sa mga El Greco. Dahil sa mga kasalan nito sa pamilya ko. At alam ng kaibigan ko iyon lahat kaya ramdam ko na ayaw niya sa kay Rafael noon paman.

  
Sa amin na kumain ang kaibigan ko masayang nakikipag-kwentuhan sa amin nina nanay hanggang sa natapos. Naisip ko si Rafael habang naghuhugas ng pinggan.

  
Alam kung galit ako sa kanya at lalo na sina nanay. Pero naisip ko rin na kasal na kami at sa pakikitungo nina nanay kay Rafael ay may naramdaman akong kakaibang kirot sa aking puso.

   
Alam kung hindi kagusto-gusto si Rafael dahil sa mga idinulot niyang sakit sa amin. Lalong lalo na sa akin. Pero naisip ko rin na ako at kami nina nanay ang nauna dahil ginamit ko rin naman siya kaya siya nagalit sa akin.

  
At wala siyang kinalaman sa kung anong kasalanan man ang nagawa at naidulot nila sa pamilya namin.

 

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon