Chapter 24✓

327 4 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

 
Okay class..., itago na ninyo yang mga notebook ninyo, magsisimula na tayo.

Lumingon ako sa likuran ko ng makita ko si Rafael na parang wala lang.

 
Nag-aral kaba? Tanong ko sa kanya. Ngumiti lamang siya sa akin.

Nagbasa ako, iyon ang sabi niya sa akin. Hindi naman ako ibabagsak niyan tukoy niya sa aming guro.

 
Kahit na, napabuntong hininga kung sabi.

Oo..., wag kanang mag-alala sa akin nagbasa naman ako kagabi mabilis niyang sabi ng makita ang naging expresyon ko.

  
Nagsimula na ang nangyaring pagsusulit. Tahimik kung sinasagot ang mga tanong sa exam. Mabuti nalang tagala nag-aral ako ng mabuti. Nasagot ko ang lahat ng tanong. May mga tanong na mahirap sagutan, pero kinaya ko naman. I answered all the questions.

 
  
Nagulat ako ng tumayo si Rafael. Siya ang pina ka unang nag pasa ng testpaper. Bumalik siya sa kanyang upuan, may ibinulong siya sa akin.

  

Hindi ka pa tapos?
Aantayin kita sa labas, mahina niyang sabi sa akin at pagkatapos ay lumabas na siya.

I didn't answer him, totoo bang tapos na siya? Nasagutan kaya niya? At paki alam ko ba kung bumagsak siya? Mabuti nga sa kanya.

  
Tumayo narin ako at inayos ang nagusot na skirt. Sinuot ko ang aking bag para diretso na sa paglabas. Ipinasa ko ang test papers ko. Salamat po ma'am sabi ko sa kanya at lumabas na.

 
Nakita ko si Rafael na nag-aantay sa labas. Nakaupo siya doon sa upuan habang nagbabasa ng libro. Hindi ko maiwasang mapangiti sa aking nakita. Kahit naman papaano ay nag-aral naman pala siya. Matalino siya kahit hindi naman niya siniseryoso ang pag-aaral. Papaano nalang kaya kung magsipag siya ng maigi eh baka mapalitan pa niya ako.

 
Nang makita niya ako ay mabilis siyang tumayo at ipinasok ang librong binabasa sa loob ng kanyang bag.

 
Tapos kana? Tanong niya sa akin ng nakalapit.

Obvious ba? Nadito nanga diba sagot ko sa kanya.

  
Natawa naman siya sa aking sinabi.

Ako na, tukoy niya sa bag kung dala.

Sige, at ibinigay ko ito sa kanya dahil nabibigatan din naman ako dito.

  
Lahat ng sinasabi ko at ipinagagawa ko sa kanya ay lahat ng iyon ay kanyang sinusunod. Siguro naman pag hiningi ko na yung lupain sa kanya ay ibibigay niya iyon sa akin ng walang problema.

  
 
Natapos narin kami sa unang araw namin na pagsusulit. Bukas ang huling araw namin sa pagsusulit. Pagkatapos non' ay wala na kaming proproblemahin siguro ay aalamin nalang namin kung wala ba kaming bagsak para masigurado.

 
Bukas muna ako ipakikilala sa lahat? Nakangiti niyang sabi sa akin.

Kanina pa niya ako kinukulit para doon.

 
Oo na, pagkatapos ng exam sabi ko sa kanya para tigilan na niya ako sa katatanong niya sa akin.

 
Eh..., sa nanay at tita mo? Sa pagkahatid ko siguro sayo don' muna ako ipakikilala sa kanila. Nakangiti niyang sabi.

  

Bakit ba gustong gusto mong ipaalam sa lahat ang relasyon natin? Tanong ko sa kanya.

  
Simple lang para mabakuran na kita. Naiinis ako pag pinag-uusapan ka ng mga tao lalo't lalo na ng mga lalaki.

 
Ayaw nilang maniwala na tayo na. Dahil wala ka raw'ng sinasabi tungkol doon. I want everyone to know that we're in a relationship. That we're both in love with each other.

  

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon