Chapter 29✓

302 7 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

 
Gusto kung bilisan ang paglalakad dahil narin sa mga masasamang tingin ng mga estudyante sa akin.

 
Gusto ko na tuloy pagsisihan kung bakit ako na late ng dating ngayon. Hindi na ako nakakain kagabi dahil narin ayaw kung bumaba. Nakatulog ako dahil narin siguro sa lungkot at pagkadismaya sa nangyare.

 
Nakaganti nga ba talaga ako? Kami?..., eh kung may plano naman pala silang lumipat kami ng Maynila bakit hindi nila agad sinabi sa akin.

 
Kaylangan ko pa bang mahalikan ni Rafael bago kami lilipat. At nagsayang lang ako ng lakas at oras sa pagsama sama kay Rafael. Pero naisip ko ako din naman ang may maraming nakuha 'nun. Nakalibre ako ng kain, pasahe at may damit pa tukoy ko sa prom dress na binili niya para makapunta lang ako.

 
Pero walang wala ang lahat ng iyon kumpara sa ginawa ng kanyang pamilya sa pamilya ko. Gusto ko sanang maawa sa kanya pero pinipigilan ako ng galit ko sa pamilya niya.

Gusto ko sanang pumunta muna sa loob ng aming classroom para makapagpaalam. Pero naisip ko rin na wala naman akong kaibigan doon.

Sa office ang tungo ko para malaman kung pwedi ko nabang makuha ang mga papeles. Nakarating na ako sa office at papasok na sana. Ngunit natigil ako ng makita si Rafael doon.


 
Nakita ko siyang nakatingin sa akin pagkapasok ko. Naroon  yung guro namin na para bang may inaasikaso.

 
Nakaupo doon si Rafael, iwan nyo muna kami sabi niya sa mga gurong nadoon kasama ng aming principal.

 
Nagsi-alisan ang mga ito dahil sa sinabi niya. Oo nga pala sila nga pala ang may ari nitong paaralan kaya't pwedi niyang gawin iyon ng walang aangal.

 
Nakatayo lamang ako doon na parang tuod. Nadito ako para sa..., natigil ako ng marinig ko ang malakas niyang pagtawa.

 
Naguguluhan man ay bubuksan ko na sana ang pinto para makalabas ngunit natigil rin dahil sa narinig.

 
Lilipat ka ng school? Kaylangan mong kunin ang mga papeles mo para makalipat diba? May pagiinsulto sa kanyang boses.

 
Saan ka pupunta? Sa labas? Pag-aari parin namin yan. Ang lahat ng ito, naramdaman ko ang pagtayo niya at ang paglapit niya sa akin.

 
Pati ang lupa na gusto mong makuha. Lalandiin mo ako para lang doon. Anong klaseng babae ka? Mariin niyang sabi.

 

 
Bubuksan ko na sana ang pinto ng malaman na naka lock iyon. May kaunting awa akong nararamdaman sa kanya noon pero ngayon naglaho iyon na parang bula.

 
Natawa ako sa huli niyang sinabi.
Ang babae lang namang ito ang ginamit ka. Nakangiti ko na ngayong sabi sa kanya dahil narin siguro sa galit na aking nararamdaman.

 
Napanis ang kanyang ngiti dahil sa aking sinabi. Ngunit mabilis niya iyong nabawi dahil sa kanyang susunod na sasabihin.


 
Nagamit? Oo siguro tama ka, pero ako naman ang nasarapan sa mga halik mo. May multo ng ngiti ang naglalaro ngayon sa kanyang mukha.

 
Nahawakan ko ang mga ito. Nagulat ako ng makita ang mabilisan niyang paglapit sa akin. Dumapo ang kanyang mga kamay sa aking dibdib. Sasampalin ko na sana siya ng mahawakan niya ang aking kamay at idiniin ako sa pintuan.

 
Napaatras ako dahil doon. Ano ba! Bitawan mo ako! Natigil ako sa nais kung pagsigaw ng mariin niya akong hinalikan sa labi. Kinagat niya ang aking pang-ibabang labi dahilan ng sakit na aking nararamdaman.

 
Binitawan niya ako at umatras siya pagkatapos akong halikan.

I will make you pay. Mahina niyang sabi sa akin.

 

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon