Chapter 15✓

443 9 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

 
Papasok na ngayon ang kanyang sasakyan sa loob ng school. Panay parin ang kanyang paalala sa akin sa mga gusto niyang gawin ko.

 
Wag na wag kang lalapit sa mga kaklase nating lalake dahil magseselos ako pag ganun. Baka hindi ako makapagpigil ay may masuntok ako doon nakanguso niyang sabi na para bang nagpapaawa sa akin na sundin ko siya.

 
Ano kaba Rafael eh, paano naman kung may gusto akong isayaw? At bakit ka naman manununtok kung hindi ka naman inaano ng tao.

  
Ah..., basta hindi pwedi sa akin 'yun. Sundin mo nalang ako, mariin niyang sabi.

Tinignan niya ako pagkatapos niyang ihinto ang sasakyan kung saan dapat nakaparada ito.

  
Sa sobrang ganda mo ngayon, gusto kung ipagdamot ka sa lahat ng tao na pweding makakita sayo. Kaya wag na wag mo akong..., nahinto ang kanyang sinasabi at umiiling na lang.

  
Hindi pa naman kita boyfriend ah, ba't ang higpit mo? Tanong ko sa kanya.

Unti unti na atang lumalabas ang tunay na ugali ng lalaking to.

  
Kaya nga diba nanligaw ako sayo kanina pero hindi mo paman ako sinasagot, nagtatampo niyang sabi.

  
Sinapak ko siya, ehhh..., ano ba gusto mo? Sagutin agad kita? Pwedi rin naman pero pag-iisipan ko pa siguro ng mabuti, nakangisi kung sabi sa kanya.

I need to remind myself, mas madali ko siyang saktan pag masama siya sa akin. Kaya't mas magugustuhan ko pag ginagalit ako ng mokong na ito.
  

Habang tinatanggal ko ang seatbelt, ay napatingin ako sa kanya, na ngayon ay sersoyong nakatingin sa akin.

  
Na concious naman ako ng saglit dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Pinagbuksan niya ako ng pinto at dahan dahan na inalalayan ako pababa dahil narin sa suot kung gown.

  
Medyo mataas rin ang suot kung heels kaya't pwedi akong matapilok pag hindi naalalayan.

Salamat sabi ko sa kanya.

   
Gen, mag-aantay ako kahit ilang years payan at ngumiti siya sa akin.

  
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking baywang habang tinatahak namin ang daan kung nasaan ang event gaganapin.

  
May ilan ilan narin kaming nakasasalubong na yumuyuko pa. Pag kasama mo nga naman ang Rafael nato kung saan sila ang may ari ng paaralan at marami pang business. And he's also hands on with their business, iyon ang palagi kung naririnig sa mga kaklase ko.

Maybe because her mom is in abroad? Or mahilig lang talaga siya.

  
May nasasalubong narin kaming lalaki kaya't ramdam ko ang paghigpit ng kanyang pagkakahawak sa aking baywang.

Lalo't na naririnig ko ang bulong bulongan ng ibang lalaki tungol sa aming dalawa.

  
Ang ganda talaga ni Gen, jowa naba 'yan ni Rafael? naunahan ata tayo bro sabi nito sa isang lalaki na katabi niya sa gilid.

Oo nga sobrang ganda niya talaga, wala na ata tayong pag-asa may Rafael na oh..., kita mo naman umiiling nitong sabi.

 
 Mariin ang titig ni Rafael sa dalawang lalaki, dahilan ng pag-alis nito malapit sa amin.

Dogs, he said rudely.

Hinawakan ko siya sa kamay para matigil siya.

Tinignan niya ako at ngumiti. I'm sorry, bulong niya sa akin. At pagkatapos ay hinalikan ako sa pisnge.

Nadito na kami ngayon sa hanay kung saan maglalakad ako kasama ang partner papunta sa lamesa kung nasaan dapat kami uupo.

 
Lahat ng babae kung kaklase ay mariin ang titig sa akin, bakas dito ang galit. Iniwas ko na lamang ang aking paningin sa kanila.

  
  
Kausap ni Rafael ngayon ang kanyang mga lalaking barkada kung nasaan may mga babae rin itong kasama.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay.

  
Kanina ay pinakilala niya ako sa kanyang mga barkada. Nginitian ko ito at nakipagkamay narin sa kanila.

  
Girlfriend muna? Tanong nito kay Rafael na dinig na dinig ko.

Hindi pa pero malapit na, nakangiting sagot ni Rafael.

  

Nakaupo ako ngayon sa kanyang tabi, kung saan mas idinikit pa niya ang kanyang upuan sa akin. Ang kanyang kamay ngayon ay nakahawak sa aking hita na para bang ayaw akong pakawalan.

  
Wala naman akong masyadong kaibigan kaya naupo nalang ako dito sa kanyang tabi.

"Are you okay?" tanong niya sa akin.

  

Nginitian ko nalamang siya ng matamis at tumango sa kanya.
  

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon