Chapter 2✓

1.6K 17 1
                                    

                   •DELIGENCIA•

Nakangiti parin siya hangang ngayon dahil sa pagpayag kung magpahatid sa kanya o sa driver niya, hindi naman siya yung nagdadrive, therefore hindi siya ang naghatid sa akin.

  
Nakatingin ako ngayon sa labas habang dahan dahan naman ang takbo ng sasakyan. Iwan ko ba bakit mabagal ang usad nito mukhang mabilis naman tumakbo ang ganitong sasakyan sa pagkakaalam ko.

  
Napatingin ako sa aking kamay ng ipatong niya doon ang kanyang palad. Mariin ko siyang binalingan ng aking tingin.

 
Sorry..., nakangiti niyang sabi, promise behave na ako basta ganito tayo ulit bukas.

 
Baka gusto mo ng sapak galing sa akin, pabulong kung sabi sa kanya.

Diba hindi mo na ako bwebwesitin bukas sabi mo diba? Mariin kung sabi.

  
"Ay oo nga pala," napapakamot sa ulo niyang sabi.

Ibinaling ko na ang aking paningin sa labas upang mapagmasdan ang magandang tanawin patungo sa amin.

Pero hindi ako nag promise kaya hindi pa ako sigurado doon...hehe...nakangiti niyang sabi.

  

Mabilis kung naibaling ang paningin ko sa kanya. Anong sabi mo?

Wala...sabi niya at iniwas ang tingin sa akin.

 
"I didn't promise." Bulong bulong niya.

  
Tahimik kami patungo sa amin. At ng malapit na sa bahay namin ay ipinahinto ko na ang sasakyan. Dito nalang ako okay na ako dito, dito na ako bababa natataranta kung sabi sa kanya.

  

Huh?..Naguguluhan niyang sabi.

 
 
Dito na ako bababa baka kasi makita tayo ni nanay at tita baka mapagalitan ako 'non. Mabilis kung sabi sa kanya.

  
Huh?..., wala pa namang bahay dito ah? Tanong niya, at ano naman ngayon kung makita tayo? Ayaw mo ba noon?

  

Rafael okay na ako dito...sige na...baka gabihin pa kayo, medyo malayo pa naman siguro ang sa inyo.

 
Sige basta bukas ulit ha, nakangiti niyang sabi.

Parati naman tong nakangiti eh...nakakabanas na'nga dahil para bang ipinagmamalaki niya ang magaganda at mapuputi niyang ngipin.

  
Rafael sige na ha? bababa na ako sige bye! Sabi ko sa kanya ng nakalabas na sa sasakyan.

Bye...salamat manong sabi ko sa driver. Hindi ko na tinignan si Rafael na ibinaba pa talaga ang salamin ng sasakyan para makita ako.

Bye, bukas ulit ah.....bakas ang tuwa sa kanyang boses. Narinig ko pa ang pag sigaw niya ng yes. Iwan ko ba sa kanya.

 
Nang nasa bakuran na ako ng bahay ay natanaw ko si nanay na nagluluto sa labas. Nasa labas kasi ang lutuan namin. Nay, mano po sabi ko sa kanya sabay mano sa kanya.

At ng makita si tita sa loob  ng sala na may mga damit na tinutupi ay ng mano narin ako.

Maagang namatay si tatay, tatlong taon pa lamang ako ng pumanaw siya. Kasali siya sa mga trabahante ng menahan na namatay dahil sa gumuho ang lupa kung saan sila lahat natabunan.

 
Wala namang asawa si tita dahil hindi daw ito interesado sa lalaki. Dahil narin siguro sa pumanaw niyang nobyo na lubusan niyang minahal na kasama ni tatay sa gumohong menahan.

Simula no'n ay hindi na ulit nag mahal ulit si tita ng ibang lalaki. Malaki ang galit niya sa may ari ng menahan dahil daw sa kapabayaan nila ay marami ang namatay. Kahit matagal na itong nairesulba dahil aksidente nga lang daw ang lahat.

🌌🏞️🏜️

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon