Chapter 10✓

534 10 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

  
Pagkapasok ko sa bahay ay rinig na rinig ko ang mga sinasabi nila nanay.

   
Gen, hali ka dito kakausapin ka namin ng nanay mo sabi ni tita.

Ah...ano po 'yun, at para saan?

   
Wala kabang balak na ipakilala sa amin si Rafael anak? Kung hindi ko pa kayo nakita kanina habang pauwi galing sa pamimitas ng gulay hinding hindi ko pa malalaman.

   
  
Magagawa na natin ang plano natin, nakangising sabi ni tita.

Maigaganti narin natin ang tatay mo Gen sabat naman ni nanay.

  

Nay, tita wala naman pong kasalanan si Rafael doon at hindi niya 'yun alam dahil bata pa siya ng nangyare 'yun, dahan dahan kung sabi pilit na pinaiintindi sa kanilang dalawa.

  
Gen! Wag na wag kang magkakamali na maawa diyan sa kanila! Lalong lalo na sa Rafael nayan! Apo siya sa pumatay sa tatay mo! Kaya dawit siya kaylangan nilang pagbayaran 'yun.

  
Nay, matagal na 'yun nasa payapa na si tatay ngayon malungkot kung sabi. Kahit si tatay hindi gugustohin na maghiganti tayo, lalo na sa taong wala namang kinalaman.

 
Oo, gusto kung managot ang may gawa 'non sa kanila lalong lalo na sa kay tatay! Dahil sa kanila wala na siya ngayon pero sa malinis na paraan nay. At hindi ko pweding gawin kay Rafael 'yun dahil lang galit ako sa lolo niya.

  
Gen! Sigaw ni nanay, kahit sa anong paraan basta't makaganti tayo! Gagawin mo yun, masama ang pamilya nila Gen kaya wag na wag kang maaawa sa Rafael na 'yan dahil kapareho lang sila lahat.

   
Binayaran nila Gen! Ginamit nila ang pera nila para matakasan ang nangyare sa minahan. Marami ang namatay at kasama ang tatay mo doon kaya wag kang maaawa!

   

Binayaran nila ang korte, pati ang ibang tao na pweding magsampa laban sa kanila. Dalawa lang kami ng tita mo ang hindi tinanggap ang pera. Dahil gusto namin ng hustisya! Gusto namin silang managot! Pero ano? talo kami nag mukha kaming tanga!

  

Hindi man lang namin naibigay ang hustisya sa tatay mo Gen umiiyak na sabi ni nanay.

Mabilis ko naman siyang nilapitan upang mayakap.

 
Nay, sorry na naiiyak ko naring sabi.

Masama ang pamilya nila Gen, kaya sino sila para bayaran natin ng kabaitan. Pati kasintahan ng tita mo dinamay nila para lang makuha nila ang gusto nila. Ang kapatid ng lolo ng Rafael nayan ay ginahasa ang tita mo Gen. Mga hayop hindi na naawa sa amin, umiiyak at pasigaw na sabi ni nanay.

  
Nanglaki naman ang aking mata dahil sa nalaman. Mabilis kung ibinaling ang aking paningin kay tita na ngayon ay umiiyak habang nakatingin sa amin.

  
Gen, sana man lang makaganti tayo kahit sa apo man lang nila. Mga ganid ang mag pamilyang iyan, sabi ni tita. Hindi kaba naaawa sa akin, sa mga kahayopan na ginawa nila sa amin ng nanay mo Gen?

  
Nakaupo ako ngayon sa upuan habang paulit ulit na iniisip ang mga gagawin ko para maiganti si nanay at tita. Mali man pero gagawin ko to para sa dalawang tao na mahalaga at mahal na mahal ko.

 
Kahit man pweding pwedi kung masaktan si Rafael. Si Rafael na mabait noon paman sa akin. Sa maraming kadahilanan ay natuwa naman ako kahit papaano sa kanya.

 
At nagiging panatag ako, kahit anong pagtataray kung gawin sa kanya simula paman noon ay pagmamahal at kabaitan lamang ang kanyang isinusukli.

Pero igaganti ko si nanay at tita.

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon