Chapter 51✓

357 6 1
                                    

                   •DELIGENCIA•

  
Isang buwan na ang dumaan pagkatapos ng kasal. May mga inaayos si Rafael para sa nalalapit naming pagpasok sa isang universidad.

  

Kampante naman ako dahil nasa maayos at normal na ang pamumuhay nina nanay at tita. Pagkatapos ng mismong kasal ay nai-palipat na ni Rafael ang titulo ng mga lupain kung saan mas malaki at sobra pa sa lupaing gugustuhin ni nanay.

  
Sa una ay ayaw ni nanay na tanggapin ang ibang lupain dahil may galit parin at poot siyang nararamdaman kay Rafael. Pero ng kina-usap ko na siya tungkol doon ay tulayan nangang napapayag.

  
Umayos ng kaunti ang ugali ni Rafael. Pagkatapos ng ilang araw ay naging mabait at mas kalmado na ang tungo niya sa akin. Mukhang seryoso siya sa kanyang sinabi na hindi na niya ako pipilitin pa na gawin ang mga nais niya.

 
 
   
Nakasuot ako ngayon ng pantulog habang nanonood ng pelikula. Bumukas ang pintuan dahilan ng pag tingin ko doon. Pumasok si Rafael na may dalang tray na saan may laman na gatas.

  
Nang nakitang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya sa akin. Ibinaba niya sa isang round table ang dalang tray at lumapit sa akin pagkatapos.


   
"I'm processing some of the papers love," sabi niya at hinalikan ako sa labi. I miss you, mahigpit niya akong niyakap gamit ang kanyang mga bisig.

  
Maaga kasi siyang umalis kaninang umaga kasi may pinuntahan at iyon nga ang mismong school. Matalik na kaibigan ng kanyang pamilya ang naturang may-ari ng paaralan.

  
  
Ahh.....may gusto sana akong sabihin sayo. Kinakabahan kung sabi. Kung pwedi uuwi ako bukas kina nanay at tita gusto ko lang silang makita. Nakatingin ako ngayon sa kanyang mukha habang nakahawak sa kanyang kamay nagbabasakali na payagan niya ako.

  
Kasi pag mag-uumpisa na ang pasukan. Baka sobrang busy na natin sa school kaya baka hindi ko na madalaw sila ng madalas. Mga limang araw lang tapos uuwi agad ako rito. Sunod kung sabi sa kanya.

  
Busangot ang kanyang mukha at tanaw ko ang pag lunok niya na mas kina depina pa ng kanyang panga.

  
How about three days? Really five days? I will miss you so much. Papayagan kita basta't kasama ako. Seryoso niyang sabi.

  
Hindi niya ba alam? Na aalis nga muna ako dahil ayaw kung kasama siya at mamatay sa boredom dito sa malaki niyang bahay kasama ang maraming kasambahay. Tapos sasama pa siya sa akin ngayon? Galit kung sabi sa aking isipan.

 
Baka pakainin pa siya nina nanay ng pagkain na may lason. Lalong lalo na si tita na galit na galit sa kanya.

  
Ha? Hindi pwedi gusto ko ako lang. Nagdadalawang isip na sabi ko sa kanya. Sige na pumayag kana Rafael limang araw lang naman e. Mas hininaan ko ang aking boses upang magtunog na malungkot.

  
Three days, mariin niyang sabi. And it's final. Baritono ang boses niya ngayon dahil siguro sa dahilang ayaw ko siyang isama.

  
"You're my wife," dapat nasa tabi kita palagi lalo't bagong kasal pa tayo. E hindi nga tayo nakapag-honeymoon dahil ayaw mo. I'm being patient for you from the last couple of days, love.

  
Papayag ako, ako ang maghahatid sayo at ako rin ang susundo sayo doon maliwanag? Mariin niyang sabi.

  
 

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon