Chapter 33✓

439 7 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

 
Bitawan mo ako! Nasasaktan na ako Rafael ano ba! Parang hindi niya ako naririnig sa paraan ng pagkaladkad niya sa akin papunta sa kama.

 
 
Mabilis niya akong itinulak pahiga sa kama. Mabilis kung inalis ang mga luha sa aking mata.

 
Nahihirapan narin ako sa paghinga dahil sa pinagsamang takot at galit sa kanya. Nakita ko siyang may kinuha sa isang aparador na malapit sa kama.

 
Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay sumilay ang ngiti sa kanyang labi na para bang sinaniban ng isang demonyo.

 
Ngayon ko lang naisip ang lahat ng sinabi nina nanay at tita tungkol sa kanilang pamilya. Lahat sila ay masasama at mapilit. Lahat ng gusto nila ay kanilang nakukuha ng hindi man lang napaparusahan.

 
Hawak nila sa leeg ang batas. Kaya't kung may ginawa man silang ilegal ay nagagawa nila ito ng walang takot.

Their influence is enough to get them away with their wrongdoings without facing any consequences.

 
Nabalik ako sa katutuhanan ng maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking mga binti. Mabilis ko itong sinipa at nagpupumilit na sumiksik sa headboard ng kama.

 
"Walang masasaktan kung hahayaan mo akong gawin ang gusto ko sayo!" Pasinghal niyang sabi, ramdam ko kung anong klase ng galit ang mayroon siya.

 
Lumaki siyang nakukuha ang lahat ng gusto. Bagay man ito o isang tao. Ngunit hindi ko lubos maisip kung sa dinami dami pa ng tao sa mundo ay ako pa kanyang napili.

I know it's my fault. But there's no need for him to go this far. It's his nature, ruthless and evil. His just trying to hide it from me back then. But now it's already out.

 
Maraming magaganda at mayayaman sa aming paaralan na kulang nalang ay lumuhod sa kanyang harapan. Mga babaeng handang gawin ang lahat ng kanyang nanaisin.

 
Alam kung hindi lang ako ang babae na kanyang nagustuhan simula paman noon. May mga babae narin siyang nakasama kahit hindi paman niya ito nobya. Naghahalikan kahit saan at kahit saan niya nanaisin.

 
 
Rafael....sabi ko sa nakakaawang boses. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang makuha sa akin. Pero isa ang sigurado ako, at iyong ay ang pagbigyan siya. Hinding hindi ko ibibigay ang isang bagay na mahalaga sa akin bilang babae.

 
Maawa ka sa akin, gagawin ko ang lahat basta't palayain mo lang ako dito. Gusto ko ng umuwi, nag-aantay na sina nanay sa akin sa bahay.
Paniguradong nag-aalala na sila sa akin.

 

Aalis na naman kami kaya't hindi mo na ako makikita kaya hayaan mo na akong umuwi. Bakas sa aking boses ang pagmamakawa at ang pagiging desperada.

 
Walang hanggan ang pagbuhos ng aking mga luha.

 
Malakas siyang tumawa na siyang, dahilan ng pag angat ko ng tingin.

 
"You're leaving?" Kasama ang pamilya mo? Iiwan mo ako pagkatapos ng mga ginawa mo sa akin. Sa lahat ng panloloko mong ginawa tatakbo ka?! Galit na galit niyang sabi sa akin.

 
Wag kang mag-aalala nakaalis na ang pamilya mo kasama ang Teddy na iyon. Ang mga tauhan ko na ang bahala sa kanila. At ikaw ay maiiwan dito sa akin. Marami tayong gagawin na tiyak akong ikakatuwa mo. Nakita ko ang naglalarong ngiti sa kanyang labi.

 
Aalis ako dito sa ayaw at gusto mo tatakas ako dito! Baliw kaba? Hindi kita magugustohan at lalong lalo na hindi kita mahal. Hinding hindi ako magmamahal ng demonyo na kagaya mo!

 
Natigil ako sa aking mga sasabihin ng mabilis niyang hinila ang aking mga binti. Nagpupumiglas ako upang hindi niya matuloy ang pagbabalak na hawakan ako sa aking mga kamay.

 
Mabilis siyang pumaibabaw sa akin dahilan ng hindi ko pagkakagalaw. Hinawakan niya ako sa braso at itinaas ito. May naramdaman akong malamig sa aking kamay.

 
Nagulat na lamang ako ng makita na nakaposas na pala ang dalawa kung kamay.

 

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon