Chapter 50✓

372 6 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

  
Nakatingin ako ngayon sa salamin kung saan tanaw ko ang aking sarili na inaayusan.

  
Kahit papaano ay bumuti ng kaunti ang sakit ng katawan na nararamdaman dahil sa nangyare kagabi.

  
Alam ko kahit papaano na kung ikakasal ang dalawang tao. Dapat hindi ito magkatabi o magkita sa isang gabi bago iganap ang kasal. Ngunit iba ang nangyare sa amin ni Rafael.

  
Nakangiti ang babae habang nilalagyan ng make-up ang aking mukha. Pati rin ang isang lalake na sa tingin ko ay bading.

  
Ang swerte nyo naman po ma'am, hindi napigil na sabihin nung babae habang nakangiti. Ang gwapo gwapo ng mapapangasawa nyo at ang yaman pa. Habang nakatingin ito sa aking reflection sa salamin.

  
Dahil ayaw ko namang mag mukhang masama ay ngumiti ako. Oo ang swerte nyo po singit ng bading. Biglaang pumasok ang kasamang team nang nag-aayos sa akin ngayon. At natigil ang pagngiti nila dahil sa mga sinabi.

  
Ang alam ko kasi pag masyadong professional ay seryoso ito at hindi nakikipag-usap kung hindi konektado sa kanilang gagawin.

  
Nang matapos na akong ayusan ay iginiya na ako ng babae na kasama sa nagdesinyo sa aking isusuot na wedding gown. Simple at elegante ang desinyo nito. Personal kung pinili ang gown na hindi mabigat at madaling isuot.

  
Hindi ito ang typical na gown na nakikita kung isinusuot sa mga pelikula at sa mga litrato na nakikita ko sa mga nababasa. Mahaba ang belo upang maituon dito ang drama ng buong look iyon ang gusto ng designer na tanyag sa buong mundo na personal na kinuha ni Rafael.

 
  
Dahil wala akong interes at ayaw kung maikasal sa kay Rafael. Ay lahat ng isinabi niya ay pumayag na lamang ako. At ng makita ang buong detalye ay maganda rin naman at komportable kung maisusuot. At yun' ang importante sa akin.

  
Isa't isang isinuot sa akin ang mga alahas na gustong ipasuot ni Rafael sa akin. Mukhang mamahalin ang mga bato na sa tingin ko ay mga dyamante. Makikinang at may tamang bigat rin ang mga ito.

 

   
"Okay sir,' we're almost done. Rinig kung sabi nung babae sa sino mang kausap sa cellphone.


  
Malaki at totoo ang magagandang bulaklak na gagamitin kung bouquet sa kasal. Dala dala ko ito habang nakasunod naman sa amin ang mga nagbabantay na guard ni Rafael. Nasa gitna ako ng buong team na nag-ayos sa akin. Hawak ng iba ang mahabang belo at ang mismong gown na mahaba ang train sa likurang parte.

  
Sa tingin ba nya tatakas ako sa kasal? Lalong lalo na nakasama nya sina nanay at tita sa simbahan na pagdadausan ng kasal. Papakasalan kita Rafael at pagbabayaran mo sa huli ang lahat ng masama mong ginawa sa akin.

  
Nasa loob ako ngayon ng mahabang sasakyan na hindi ko alam kung para saan. Ako lang naman mag-isa ang sasakay. Dahil may mga sasakyan rin ang nasa unahan at likuran. May isa akong kasama sa loob at iyon ay ang babae kanina na nag-aayos sa akin. Nakangiti ito ng makita ang pag tingin ko sa kanya.

  
Excited ma'am? Tanong nito habang nakangiti.






PS: Sobrang tagal kung nakapag-update busy lang sa thesis....sorry😅

Pati tuloy ako nakalimutan na ang plot ng mismong story😅

 

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon