Chapter 21✓

351 5 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

 
Mukhang napaniwala ko naman siya kaya tumigil narin siya sa pangungulit sa akin tungkol doon.

 
Malapit na kami sa bahay ng makita ko ang sasakyan ni teddy sa labas nakaparada. Bakas din ang pagtataka sa mukha ni Rafael.

 
May bisita ata kami ngayon sabi ko sa kanya.

Sino? Seryoso niyang tanong sa akin ngayon, habang dahan dahang inihinto ang sasakyan.

  
Si Teddy ata, kababata ko sabi ko sa kanya ng balingan niya ako ng nagtatanong niyang mukha.

   
Lalaki? Tanong ni ulit sa akin.

Oo, obvious naman sa pangalan diba? biro ko sa kanya at natawa rin dahil sa aking sinabi.

  
Nawala ang ngiti sa aking labi ng seryoso siyang nakatingin ngayon sa akin ng may galit na expresyon.

Napalunok ako, ah...,sige bababa na ako salamat sa paghatid sa akin.

  
Bubuksan ko na sana ang pinto ng marinig siya. Ako na, sabi niya lalabas na sana siya ng hawakan ko siya sa kamay. Nagtaka naman siya sa aking ginawa.

Galit kaba sa akin? Nag-aanlinganang kung tanong sa kanya.

Please..., wag kanang magalit sa akin. Mahirap na pag nag-away kami nito ng hindi ko pa nakukuha ang gusto ko sabi ko sa aking sarili.

 
Bakit ba kasi ayaw mong malaman ng mga tao na mag jowa na tayo.
At hindi mo rin sinabi sa nanay at tita mo. Nagtatampo niyang sabi sa akin.

  
Wag kanang magalit at magtampo diyan. Sasabihin ko naman sa kanila pag natapos ko na ang exam, sabi ko sa kanya para matawa siya.

 
Hinalikan ko siya sa pisnge, nakita ko ang pagsilay ng kanyang ngiti at mabilis agad itong nag seryoso ng makita ang pag-ngisi ko.

 
Isa pa sa lips, sabi niya sa akin.

Manyakis rin ang isang to ah, bulong ko sa aking sarili. Dahan dahan kung inilapat ang aking labi sa kanya. Ngunit hinawakan niya ang aking batok upang mas malaliman ang halik.

  
Sa aking gulat ay naitulak ko siya. Sige na sabi ko sa kanya.

Tamis, bulong niya pero hindi nakatakas sa pandinig ko.

  
 
Umikot siya para pagbuksan ako. Bumaba ako sa sasakyan ng marinig ko ang boses ni Teddy.

Gen, sino yan? Seryoso niyang sabi habang palapit sa amin.

 
At ng makalapit na si Teddy sa aming dalawa ni Rafael ay nakita ko ang kaibahan ng kanilang pangangatawan. Mas matanda si Teddy sa amin ng mga limang taon pero mas matangkad at mas malaki ang pangangatawan ni Rafael.

 
Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Rafael bakas dito ang galit dahil sa kay Teddy.

Diba dapat ako ang nagtatanong niyan sayo? mariin na sabi ni Rafael na nagpanganga sa akin.

  
Ah..., Teddy kaklase ko pala si Rafael, Rafael si Teddy kababata ko. Nilakihan ko ang aking mata ng makitang aangal pa sana si Rafael.

  
Nakitaan ko ng galit at pagkairita ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko.

  
Ah sige..., sabi naman ni Teddy.

Sige pauwiin mo na yan mahirap na baka gabihin payan sa daan.

  
Nang tignan ko si Rafael ay nakita ko ang pag kuyom ng kanyang kamao. Mabilis ko siyang nilapitan at tinakpan ang bibig ng makita na sasagot pa sana siya kay Teddy.

  
Sige mauna kana sa loob Teddy may sasabihin lang ako dito sa kaklase ko.

Hinawakan ko sa braso si Rafael habang hinihila siya paikot para makapasok na siya sa kanyang sasakyan.

  

 

  

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon