Chapter 16✓

405 7 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

  
Nasa gitna kami ngayon habang sumasayaw. Ramdam ko ang kakaibang kaba habang ramdam ko ang pagkahapit ng kanyang kamay na nakapulupot sa akin.

  
Nang tignan ko siya, ay kita ko ang pagkamangha sa kanyang mga mata.

"Ang swerte ko talaga," napapailing niyang sabi.

  
Anong sabi mo tanong ko sa kanya kahit naman narinig ko ito ng maigi. Gusto ko lang talaga siyang kulitin.

 
Ang sabi ko ang swerte ko, pabulong niyang sabi sa akin habang mas inilapit pa niya ng husto ang kanyang katawan sa akin. Habang bakas ang nakakalukong ngiti sa kanyang mukha.

  
Nailang ako sa kanyang ginawa, at naramdaman niya siguro dahil ibinalik niya ang distansya na namamagitan sa aming dalawa.

 
Sorry..., sabi niya.

  
Okay lang sabi ko sa kanya, naisip ko lang na masyadong maraming tao kaya nahihiya ako. Pabalik kung bulong sa kanya.

  
Natawa naman ako sa kanyang naging reaction. Bakas ang gulat dito dahil sa aking sinabi. At unti unti ring sumilay ang nakakalukong ngisi nito.

 
Napalunok siya, talaga so papayag ka kung wala sila dito? kung tayo lang dalawa? Tanong niya bakas parin ang pagkamangha.

  
Iwan ko ba kung inosente siya o mapag panggap lang para ma impress ako. Hindi ko rin naman siya nakikita o naririnig na may naging karelasyon noon pero napaka imposible naman ata 'nun.

  
Hindi rin kasi ako mahilig makialam sa ibang tao at wala talaga akong interes sa kanya kaya't hindi ko alam ang patungkol doon.

  
Pero malaki ang chansa na may naging girlfriend na siya noon. Maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. Hindi lang dahil sa yaman niya, talino pati narin dahil sa kanyang angking kagwapohan.

 
Oo, inaamin kung gwapo siya at bakas 'din ang pagiging malakas dahil sa kanyang pangangatawan. Dahil narin siguro batak siya sa paglalaro ng kahit anong sports. At sadyang malalaki at matatangkad din ang kanyang lahi.

  
Pero hindi iyon ang basihan ko upang magkagusto sa isang tao. Mas importante sa akin ang personalidad at ang pagmamahal nito sa akin.

  
Naalala ko tuloy lahat ng bilin ni tita pati narin ni nanay sa akin.

  
Are you okay? Nagbibiro lang ako baka magalit ka sa akin. Tanong niya sa akin habang ramdam ko ang takot sa kanyang boses dahil narin siguro sa natahimik ako.

   
Ah..., okay lang balik na tayo sabi ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at iginiya na ako papunta sa aming lamesa.

   
Ah, pwedi narin naman tayong umuwi sabi niya sa akin ng mapansin ang katahimikan ko.

   
Ahh..., Oo nga pwedi naba? Baka kasi gusto mo pa dito, at last na natin to hindi naman ako KJ no? Natatawa kung sabi sa kanya.

   
Wala lang talaga akong friends masyado kaya na bo-bored ako. Pero okay lang nadito ka naman. At syaka yung friends mo kanina pa nakatingin dito. Puntahan mo muna baka magalit 'yun.

  
At bakit naman sila magagalit? Kung gusto mo ng umuwi, naiintindihan ko pagod kana siguro.

 
Kita ko ang pagkadismaya sa mukha ng mga babae niyang friends na kanina pa nakatingin sa kanya. Tumawa lang naman ang mga lalake at sinabihan pa siya pa impress daw masyado dahil kaylangan 'yun para sagutin. Na siya namang napagpangiti sa akin.

  


   

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon