Chapter 54✓

356 6 1
                                    

                     •DELIGENCIA•

  
Nasa harapan na kami ng mesa at ng titingin sana kay Rafael, ay naagaw ng atensyon ko ang pagkuha niya sa aking kamay.

  
Magaan niya itong hinahawakan at paminsan minsan ay hinihimas nya na mas lalong nagpatibok ng puso ko.

  
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Sa nagdaang araw ay palagi ko siyang naiisip. At kanina naman ay patungkol doon sa kanyang halik na batid ko ay nagustuhan ko. At ngayon ay ang paghawak niya sa akin kamay sa magaan na pakiramdam.

  
  
Si Gen nga pala ang nag-luto ng ulam ngayon, tukoy ni tita sa ulam na nakahain. Kinalas ko ang kamay ko kay Rafael at naglagay ng ulam sa isang bowl para sa kanya. Napatitig siya sa akin at napansin ko iyon.

  
Naglagay narin ako sa isang bowl para sa akin. Mabilis naman na nagdasal si nanay upang makakain na kami. Nag umpisa ng kumain sina nanay at pansin ko rin ang pagkain ni Rafael at ang madalas niyang pagtingin sa akin.

 
Hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman sa mga simpleng tungo niya sa akin.

 
Mas lalong naging kabado ang aking pakiramdam ng mas inilapit niya ang kanyang upuan sa akin. Inilapit niya ng bahagya ang kanyang mukha at may ibinulong sa akin.

 
"I love you" and "I miss you" sa mahinang boses. Ang sarap mo palang magluto, you should start cooking our breakfast soon. At ng mas lalo akong maging ganado sa pagkain. Nakangisi niyang sabi.

   
 
Napansin ko rin ang tahimik na sina nanay at tita na halatang paminsan-minsang nakatitig sa amin ni Rafael.
Tumikhim ako para mawala ang kakaibang ilang na nararamdaman.

 

Umayos naman sa pag-upo si Rafael at itinuloy na ang pagkain. Alam kung masarap naman kahit papaano ang niluto kung agahan. Bukod sa maraming beses na akong nag-luto ng kaparehong agahan at pasok naman sa panglasa nina nanay at tita.

  
Pero parang kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Rafael patungkol sa niluto ko. Baka kasi hindi talaga siya nasarapan sa pagkain at nagpanggap lang.

   
  
Kanina na kami tapos sa agahan. Si Rafael na mismo ang nagdala sa mga gamit na dala ko sa pagpunta dito. Kinuha ito ng isa sa mga tauhan niya at ipinasok na sa loob ng sasakyan.

  
Bumalik siya pagkatapos, at sabay kaming nagpa-alam kina nanay. Mahigpit ko silang niyakap na dalawa ni tita. Masaya ako dahil nakasama ko sila kahit paano. Hindi man kanun katagal pero nakatulong parin upang maibsan ang pag-aalala ko sa kanila.

  
  
Nasa loob na kami ng sasakyan habang pabalik na sa bahay ni Rafael. Na tinitirhan naming dalawa. Pero sabi niya minsan sa akin na sa amin daw iyon kasi kasal na kaming dalawa. At naisipan niya ring magpagawa ng bago na mas malaki para sa pamilya naming bubuohin sa magdadaang panahon.

  
Alam din naman niya na hindi pa ako handa sa pagiging ina. Dahil mag-aaral muna kaming dalawa upang makapag-tapos. Ngunit minsan naisip ko rin ang maliliit at masasayang bata sa harap ng harden nasa mismong harap ng bahay.

   
Mabilis na huminto ang sasakyan dahil sa sunod sunod na pagputok. Mahigpit akong niyakap ni Rafael sa takot na ako ay tamaan ng bala.





  

  

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon