Chapter 31
Hintay
Sarah's POVSabado ngayon kaya nandito lang ako sa bahay, maghapong nakahiga sa kama. Nang maghapon ay napagdesisyonan ko ng lumabas ng kwarto ko at maghanap ng magagawa sa ibaba.
Papunta na sana ko sa movie room ng dumapo ang tingin ko sa isang pinto. Ang tagal ko na rin palang hindi nakakapunta ulit sa music room mula ng araw na natapos ang deal.
Nagdadalawang isip ako kung tutuloy na ba ko sa movie room o pupunta muna ko sa music room pero tila may sariling isip ang paa ko at naglakad ako palapit sa pintuan ng music room at nabuksan ko na ang pinto na ito.
Everything feels nostalgic when I enter the room. From the intruments up to the four corners of this room, everything reminds me of us.
Sa bawat madaanan ng kamay ko na instrument ay bumabalik sa akin ang masasayang nangyari.Lumapit ako sa piano at tila nagkusa ang kamay ko na tumugtog.
Nasa kalagitnaan na kami ng concert at naririnig ko na ang tunog ng piano samantalang nandito lang ako sa likod ng stage habang ang babaeng pumalit sa pwesto ko ay nasa stage at tinutugtog ang pyesang pinili ko na ngayon ay nakalaan na sa kanya.
Natuloy pa rin ang malaking pagbabago na napagusapan nung huling meeting, ano nga bang magagawa namin sa desisyon ng presidente? Wala, wala kaming magagawa lalo na at desidido siya.
Lahat ng pinaghirapan ko ay iba ang nakinabang. Sobrang liit ng tingin ko sa sarili ko sa nangyayari para kasing wala akong pakinabang dahil sa isang iglap nawala sa akin ang lahat.
Hindi ko na kayang makinig at manood kaya napagdesisyonan ko ng umalis tutal naman ay parang wala namang silbi ang presensiya ko dito at hindi na ko kailangan.
Natapos ko na ang pagtugtog sa kantang 'A thousand miles' na siyang dapat kong ipeperform sa araw na yun, isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking nga labi habang patuloy sa pagpatak ang luha ko.
"Sarah.." Isang tawag ang nagpabalik sa akin mula sa malalim na pag-iisip. Pasimple kong pinahid ang luha ko bago humarap.
"Mommy."
"Napadaan ako dito because I miss my little girl." sabi ni mommy at yinakap ako.
"Oh. I miss you too mom." sabi ko at yumakap pabalik.
"How are you? Wait, where's Andrei?"
"I'm fine mom. Andrei's not here."
"Why? What happened?"
"The deal was over. He won't comeback mom."
"He could still come here, he's your friend."
"Yeah. Just a friend. But it seems like I'm a stranger."
"I'm here Sarah. I'm willing to listen." Doon na ko napaiyak at yumakap sa mommy ko.
"She's back mom. His first love came back. And because of that I'm out of the picture."
"I saw how Andrei cares for you so I'm pretty sure he wouldn't do something that might hurt you."
"It's what I thought too but it wasn't. He acted such a jerk for leaving me hanging. It hurts me so much."
"He's a total jerk for doing that to my daughter. But hurting is normal when you fall in love, don't curse him for doing that. Just try to understand him and forgive him because having grudge to someone won't make you happy. So forgive them so you can find your real happiness."
"Thank you mom."
"Your always welcome. And remember that I love you, your family loves you."
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni mommy ay iniwan niya muna ulit akong mag-isa sa music room upang makapag-isip. Napag-isip isip ko na kahit na anong gawin kong pag-iwas pilit ko pa rin siyang hinahanap.
Hindi kasi ganun kadali ang alisin siya sa sistema ko. Kahit na sinaktan niya ko hindi ko pa rin siya magawang kalimutan at iwan. Umaasa pa rin kasi ko na maaalala niya ko, na maiisip niya na mahal din niya ko ngunit sa bawat paglipas ng araw nagiging imposible ito.
Ang hirap kumapit kung siya nakabitaw na. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang isalbang mag-isa ito pero may isang bagay na pumipigil sakin hanggat hindi niya sinasabi na hindi na niya ko kailangan may konting pag-asa pa akong nakikita para sa amin. Maghihintay pa rin ako.
-----
Nandito ako sa State Side restaurant kasama si Azerick. He's craving sa kinasanayan niyang food at ako ang nakita niya noong time na 'yon kaya ako ang hinila niya para samahan siyang kumain.
Nagustuhan ko naman ang food nila, very american nga ang style lalo na ang ambiance ng restaurant.
"How long will you stay here in the Philippines?" tanong ko kay Aze to keep the conversation going.
"I'll finish the 3rd grading period before I go back in States."
"That's good."
"Yeah, I have more time to bond with you."
"Ash.." I stiffened when I hear his voice saying that. It's been a long time.
"Andrei Joseph." alanganing bati ko sakanya.
"Kayong dalawa lang?" tanong niya not minding Aze.
"Ah,oo." naiilang kong sagot.
"Do you mind if I join you?" sasagot na sana ko ng hindi dahil naaawkward ako at gusto ko na siyang iwasan but the question is not for me he's asking Aze but he's looking at me.
"Sure dude." sagot ni Aze na kinabigla ko.
Umupo siya sa tabi ko at tinawag ang waiter para umorder.
"1 cheese burger, 1 carbonara, 1 nachos and 1 rootbeer."
"Is that all sir?"
"Yes please."
Pagkatapos niyang umorder ay bumaling na siya sa amin. Kinakausap niya kami pero I just continue eating ngunit nananadya yata siya at puro tungkol sa akin ang pinag-uusapan nila.
Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya. Alam kong dapat kong ikatuwa yung nangyayari ngayon pero naguguluhan ako sa kanya. Dapat ko bang itake ang sign na ito na hintayin ko lang siya at baka babalik na siya sa akin?
Dumating na ang order niya. "Eto na yung carbonara." sabi niya sa akin na kinagulat ko na naman.
"No,I'm ok." tanggi ko.
"I insist, I know you like it after lasagna."
"Really? You don't tell me so I should order one for you." Parang nadissappoint na sabi ni Aze. Ewan ko ba kung anong plano nitong si Andrei.
"Yeah, she likes pasta. Hindi naman niya sinabi sa akin 'yon. I just figure it out. Actually it's her speacialty."
"Wow. Maybe you can cook for me sometime, Sarah." Excited na sabi ni Aze.
"Sure Aze. I'm glad to do it." Bukal sa loob na sabi ko.
"I have to go." sabi ni Andrei sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ng may nagtext sa kanya. I guess it's Lira again.