Chapter 15: Realize

224 23 10
                                    

Chapter  15

Realize

Sarah’s POV

Friday, August 17 na ngayon kaya nandito kami sa Music room sa school ni Seph kasi kami yung nakaassign na magbantay ng practice ng members namin tsaka para mamonitor na rin yung ginawang pagbabantay at pagtuturo nung mga kapwa officers namin mula nung Monday which is the first practice day.

“Kaye, may napili na ba na mga kanta?” tanong ko sa isa sa mga members ko sa glee club.

“Meron na Ate Sarah, nung Monday namin pinag-isipan ‘yon. Bale 3 folk songs ‘yon na gagawan natin ng iba’t ibang way ng performance.” Sagot niya.

“Mabuti kung ganun,so may napractice na ba kayo?” tanong naman ni Seph.

“Finamilarize muna po namin yung mga sarili namin sa mga kanta.”

“Ayos ‘yon.” Sagot ni Seph.

“Seph, let’s start.” Sabi ko sakanya.

“Let’s start. Gather in the middle and take your seat.” Announce niya sa members namin.

“Ano ba yung kantang napili niyo?” tanong ko sa kanila.

“O Ilaw,Sa ugoy ng Duyan at Bayan ko.”

“May tatlo tayong kanta, so I will divide you into 3 groups. Sa bawat grupo, using your talents kailangan makabuo kayo ng isang unique presentation. This will serve as our activity and performance as well for the Buwan ng wika.” Paliwanag ko.

“ You can also include us in your group presentation, feel free to ask for our help. This activity aims to test your creativity, talent and skills.” Segunda ni Seph.

“So here's the list for every group. Magtatawag nalang ako ng isang member ng group para kunin sakin ‘tong list at sila na ang bahala magsabi kung saan kayong group; Kaye,Anna and Ely.” Tawag ko sabay abot nung list.

Pagkatapos namin magbigay ng instruction, naupo nalang kaming dalawa sa isang tabi.Kinuha niya rin yung gitara at dahan dahang nagstrum.

“Anong kanta ‘yan?” tanong ko.

“Hulaan mo, Ash.”

“Kantahin mo nga para malaman ko.”

Take time to realize,

That your warmth is crashing down on in.

Take time to realize,

That I am on your side.

Didn't I, didn't I tell you?

But I can't spell it out for you.

No, it's never gonna be that simple.

No, I can't spell it out for you.”

“Sige, ituloy mo lang Seph.”

“If you just realize what I just realized,

Then we'd be perfect for each other,

And we'll never find another.

Just realize what I just realized.

We'd never have to wonder if

We missed out on each other now.”

“Uyyyyy. Si Kuya Andrei narealize na mahal na niya si Ate Sarah. Ayieeeeeeeeee.” Panunukso samin ng mga members namin.

“Oo nga. Lakas dumamoves. Kunwari kinakanta lang pero yun naman talaga yung gusto niyang sabihin.” Sulsol pa nung isa.

“Kayo talaga, ang kukulit niyo. Kung ano ano naiisip.” Sabi ko.

ROMANTIC MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon