May nagbabasa pa ba nito? haha Ngayon lang nakapag-update naging busy kasi sa Finals. Sana magustuhan niyo.
Votes and comments are highly appreciated :)
Lovelove
serenitylei <3
Chapter 20
Lips of an Angel
Sarah’s POV
Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Kanina pa ko pabaling baling sa kama ko. Tinitigan ko na rin ang kisame pero hindi pa rin ako makatulog. Nagbilang na rin ako ng tupa pero wala pa rin. Ang hirap naman nito. Ang pasaway kasi ng isa na yun kanina pa takbo ng takbo sa isip ko,hindi kaya siya napapagod?
Kinuha ko ang cell phone ko sa side table, tiningnan ko ang oras it’s 10 in the evening. Dalawang oras na pala kong nakaganito sa kama ko. Nagbrowse ako ng numbers sa contacts ko na pwedeng bulabugin at this hour.
Frances? Nope. Maaga ‘tong natutulog. Lucy? Still no. She’s busy watching anime and her phone is off. Beryl? Still a no no, probably she’s busy talking with Kiel. Yunie? Na-uh. She’s asleep too. I’m still browsing my contacts when a name catch my attention, Andrei. Tama, siya nalang tatawagan ko tutal naman siya ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog ngayon.
Pinindot ko na yung name niya nagtatalo nalang ang isip ko kung tatawagan ko. Kung tatawagan ko, ano namang sasabihin ko? Pag hindi ko naman tinawagan hindi naman ako makakatulog. Call or not? Call.. Ugh,not. Okay call him!
After a few rings he pick up the call.
(Ash?)
“Did I wake you up?”
(Nope. Hindi nga ako makatulog buti nalang tumawag ka.)
“Ah, bakit parang ang hina ng boses mo?”
(Andito kasi sila Errol. Baka magising pa.)
“Talaga? Bakit diyan sila natulog sa inyo?”
(Namiss daw nilang magsleepover. Ikaw, bakit gising ka pa? Gabi na.)
“Hindi ako makatulog kaya naghanap ako ng mabubulabog.” Sabi ko na natatawa.
(Good choice. It’s my pleasure na naalala mo ko para bulabugin.)
“So, mas gusto mo pa palang bulabugin kita kesa matulog ka?”
(Oo, kung ikaw naman yung dahilan ng pagpupuyat ko bakit hindi.) Malambing pero seryosong sabi niya.Napapangiti tuloy ako buti nalang hindi niya nakikita.
“Bolero ka talaga.”
(I’m serious Ash. Kailan pa ba kita binola?)
“Hmmmm..”
(Hindi ka makasagot kasi alam momg hindi kita binobola.)
“Oo na po.”
(Bakit ka nga pala hindi makatulog?) Alangan namang sabihin kong dahil iniisip kita. Hindi pa naman ako baliw para aminin sayo yun.
(Siguro iniisip mo ko.) Natatawa niyang sabi, how did he know? Manghuhula ba ito?
“H-Hindi a.” Pinipilit kong wag mabulol para hindi niya mahalatang kinakabahan ako.
(Ayos lang naman sakin na isipin mo ko, kasi iniisip din naman kita.)nagulat talaga ko sa huling sinabi niya, parang tumalon yung puso ko sa sobrang kilig. Biruin mo iniisip niya rin pala ko. Pigil na pigil yung pagtili ko syempre nakakahiya kung maririnig niya yun.
(Ash, andyan ka pa ba?)
“Ah, e,oo. Ikaw kasi kung anu-ano sinasabi mo.”
(Totoo naman yung sinasabi ko walang halong biro.)
“Oo na. Kamusta naman yang mga barkada mo bago matulog?” Iniba ko na yung topic baka kasi pag nagpatuloy pa sumabog na ko sa kilig dito. Kwinento niya yung mga kalokohan na ginagawa nilang magkakaibigan bago matulog yung mga yun. Nagbasketball pa daw kasi sila kahit gabi na, nag-xbox at ang panghuli ang panunuod ng horror movies kaso wala pa sa kalahati yung isang movie isa isa ng nakatulog yung mga yun. Nakatulog daw kagad yung apat sa pagod sa mga ginawa nilang kalokohan. Tumagal pa yung pag-uusap namin sa dami naming kwento hindi na nga namin namalayan yung oras.
(Ala-una na pala, kailangan mo ng matulog. May pasok pa tayo mamaya.)
“Oo nga. Ikaw din matulog na. Thank you Seph.”
(Makakatulog talaga ko ng mahimbing nito, ang sarap kasi pakinggan ng boses mo lalo na pag sinsasabi mo yung pangalan ko. Ang lambing kasi parang boses ng Anghel.)
“Humirit ka pa. Sige na nga good night Andrei Joseph.”
(Good night Sarah Ashline. Sleep tight and dream of me.) Binaba niya kagad pagkatapos niyang sabihin yun.
**
“Princess.. come wake up.” Naalimpungatan ako dahil dun.
“Mom?” pagrerecognize ko sa boses ng mommy ko habang inaaninag siya.
“It’s me. Good morning! You should stand up and take a bath, it’s already 6:30 in the morning.”
“6:30? OMG! 7:00 ang pasok ko!”
“I know princess. Go hurry up. Kanina pa nag-aalarm yang alarm clock mo pero hindi ka pa rin gumigising. So I decided to wake you up.”
“Thanks mom.” At nagmamadali na kong pumasok sa bathroom para maligo. 10 minutes lang akong naligo para makakain pa ko, hindi papayag si Mommy at Daddy na hindi ako kumain lalo na kapag nandito sila.
“Good morning everyone!” bati ko sakanila at umupo na sa dining table namin. Kumpleto kami ngayon, sad to say nagmamadali ako cause I’ll be late in school. Kumain lang ako ng 1 slice of bread, hotdog and drink milk.
“I should go now. Im sorry I have to go but I’ll make it up to you later.” Paalam ko at hinalikan na sila isa’t isa.
“Take care Princess.” Rinig kong pahabol ni Daddy bago ko tuluyan makalabas ng bahay.
Pagkadating kong school it’s already 7:08. Kaya tumakbo ko ng super bilis hoping na mauunahan ko yung teacher namin. But sad to say, nandun na siya at nagdidiscuss.
“I’m sorry we’re late.” May nagsalita na kagad sa likod ko bago ko pa yun masabi. And to my surprise it’s him, Andrei Joseph.
“You may now take your seat, Ms.Conrado and Mr. Madrigal. Next time after class nalang kayo magdate para di kayo nalelate sa klase.” Sabi ni Ms. Marcos na nagpaingay sa klase. Here we go again. Umupo nalang kami ng tahimik para di na dumagdag sa issue.
“Saan kayo nagdate?” tanong ni Lucy.
“Naniwala naman kayo kay Miss.” Sagot ko.
“Bakit kasi hindi niyo ko ginising?” tanong ni Seph sa mga lalaki.
“Ang sarap kasi ng tulog mo, hindi ka na namin inistorbo.” Natatawang sagot ni Kiel.
“Madaling araw na kasi magkausap pa, hindi makapaghintay ng umaga? Magkikita din naman.” Mapang-asar na sabi ni Jem na nakapagpablush samin pareho.
“Makinig na nga lang tayo kay Miss.” Pag-iiwas ko ng topic. Tumahimik nalang sila pero alam mo yung mga tingin na may ibig sabihin.
Hay, salamat mamaya pa ang break time. Ngayon lang ako nagpasalamat na mamaya pa ang break time, kasi alam ko pagdating ng break time uusisain nila ko doon sa sinabi ni Jem. Bakit kasi nagising pa si Jem ng mga panahon na yun? Hay. Nakinig nalang ako kay Miss para kahit papaano hindi muna ko mastress.