Chapter 32: Far away

151 10 3
                                    

Salamat sa patuloy na pagsuporta sa story na ito.

Read,vote,comment! Thanks pampagoodvibes sa akin haha..

Enjoy reading Melodies :)

Love,
Serenitylei

Chapter 32
Far away
Sarah's POV

Nagising ako sa ingay at paghampas ng unan sa mukha ko. Unti-unti ay minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang aking mga kaibigan.

"H-mm. What are you doing here at this time of hour?" bangag kong tanong sa kanila.

"Ginigising ka namin." sagot ni Lucy.

"Bakit? Alam niyo ba kung anong oras palang? Ang dilim pa kaya."

"Madilim talaga dito sa kwarto mo dahil sa kapal ng kurtina mo. Umaga na kaya." sabi ni Yunie.

Tumingin ako sa orasan na nasa bedside table. "3 am palang kaya." pupungas-pungas kong sagot.

"Umaga na at late na tayo!" sabi naman ni Beryl at hinihila ko patayo sa kama ko.

"Late? Wala kayang pasok." nakanguso kong sagot.

"Late na tayo sa lakad natin kaya bilis mag-ayos ka na." sabi ni Frances habang tinutulak ako papasok ng banyo.

After 30 minutes ay ready to go na ko. Ang usually na 1 hour preparation ko ay napabilis dahil minamadali nila ko at naayos na nila ang gamit na dadalin ko. Miski nga damit na susuotin ko ay sila na rin ang namili para mabilis akong matapos.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Maglalayas ba tayo?" nagtataka kong tanong dahil sa mga bag na dala namin na puro damit at personal things.

"Hmm,sort of." Natatawang sabi ni Beryl.

"Seriously ano nga?" pangungulit ko.

"Basta. Sakto andyan na sila." ani ni Lucy ng marinig ang pagbusina ng sasakyan sa tapat ng bahay namin.

"Wait. Hindi pa ko nakakapagpaalam kila mommy." pigil ko sa pag-alis namin.

"Napagpaalam ka na namin kila tita at pumayag na sila so don't worry." sabi naman ni Frances.

"So planado niyo na pala talaga to? Hay. Mauna na nga kayo sa labas magpapaalam lang ako kay manang " pagtataboy ko sa kanila.

Nagderederetso na naman sila palabas ng bahay namin at ako naman ay pumunta sa kusina. Paniguradong gising na si manang kanina pa dahil sa mga iyon.

Tama nga ako ng hinila at nakita ko siyang may inaayos na pagkain sa kusina.

"Manang.." pagkuha ko ng pansin niya.

"Sarah, tapos ka na palang mag-ayos. Paalis na ba kayo?" tanong niya.

"Opo. Magpapaalam lang po sana ko na aalis na kami. Kayo na pong bahala dito, kapag hinanap po ako ni kuya  Ian pakisabi nalang po." bilin ko.

"Sige hija. Mag-iingat kayo a. Eto nga pala pinaggawa ko kayo ng mga sandwich ng may makain kayo sa byahe."

"Salamat po." Kinuha ko yung tupperware na may laman ng mga sandwich at nilagay sa paper bag.

"Aze!" Gulat kong sabi. Palabas na sana ko ng bigla siyang sumulpot sa kusina.

"Hey. Ready to go?" tanong niya.

"Yep. Kasama ka pala bakit di ko alam?"

"Yeah. I was shocked too." tatawang sabi niya at kinuha ang bag kong dala.

ROMANTIC MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon