Chapter 27
When I'm with You
Sarah's POVMaaga akong gumising ngayon kasi inaya kong gumala si Seph for the whole day. It's a special day for him. It's his birthday. Kaya I'm planning to spent this day with him, ngayon araw ako ang nakatoka sa lahat para wala na siyang intindihin. It's my way of giving back to him, ayaw niya kasi ng mga surprises and big parties kaya I don't organize one bukod sa intimate dinner mamaya with family and super close friends na si Tita Cristy ang nagbalak.
After kasi namin manuod ng movies ay umakyat na kaming girls sa kwarto ko at yung boys doon sa guest room. Syempre hindi muna kami natulog dahil lagi kaming ganito tuwing magkakasama, magkwekwentuhan hanggang makatulog.
"3 days to go birthday na ni Seph. Still I don't have a plan." sabi ko.
"Isurprise mo!" sabi ni Yunie.
"Ayaw niya sa ganun." Nagtanguan sila dahil naalala nga nila yun.
"Party! Katulad nung ginawa niya para sa iyo." suhestyon naman ni Beryl.
"Ayaw niya sa mga party lalo na kung malaki."
"Problema nga iyan." sabi ni Lucy.
"Ano ba kasi yung mga hilig niyang gawin bukod sa pagtugtog?" tanong ni Frances.
"Gusto niya rin yung mga adventure."
"Yun naman pala. Problem solve." sabi ni Yunie.
"Oo nga. Magmountain climbing tapos magcamping tayo."
"Hindi kami pwede ni Errol sa araw na iyon. School duties kaya nga sa dinner nalang kami makakapunta." sabi ni Frances.
"Kami naman ni Kiel nakapangako sa ate niya na susunduin namin sa airport kaya hindi namin kayo masasamahan."pagtanggi din ni Beryl.
"Bibisitahin kasi namin ni Jem si lola. Nagtatampo na kasi." paliwanag naman ni Lucy.
"E ikaw Yunie?"
"Hindi kasi ko papayagin ni Mommy, walang tao sa bahay walang makakasama si bunso."
"Hay. So kami lang talagang dalawa?"
"Oo. Kaya mo na yun. Pero tutulungan ka namin ayusin yung mga kakailanganin niyo para makabawi naman kami."Kaya all set na ang lahat kahit kaming dalawa lang ang magmamountain climbing kasi nga tinulungan ako ng mga kaibigan namin. Nailagay ko na rin lahat ng gamit sa sasakyan kaso si Seph nga lang ang magdadrive para daw di na mapagod si Manong,hindi pa kasi ko sanay kaya gustuhin ko mang magrelax nalang siya di naman ako pwedeng magdrive.
Madilim pa sa paligid ng umalis kami sa amin dahil madaling araw palang para pagdating namin sa Mt. Maculot sa Batangas ay maaga pa at madami pa kaming magawa. 7 am ay nakarating na kami doon, nagpahinga muna at inihanda muna namin yung sarili namin para sa pag-akyat.
Mga 7:30 ay nagsimula na kaming umakyat papunta sa 1st destination namin ang rockies. Nakarating kami sa campsite ng 8:20 tapos it took 10 minutes para makaakyat talaga sa rockies kung saan makikita ang Taal volcano at lake. Syempre nagpicture kami kasama ang napakagandang view, ang relaxing ng feeling.
Pagkatapos namin magpahinga ng isang oras at mag-ikot sa campsite ay ready to go na ulit kami para naman sa summit talaga, forested area ito pero may trail naman na susundan kaya hindi kami maliligaw. Nakaalalay naman si Seph sakin habang umaakyat kami sa bundok, hindi ako pinapabayaan. Kapag mabagal ako ay binabagalan niya rin para lagi kaming sabay sa pag-akyat.
"Nag-eenjoy ka ba?" tanong ko.
"Oo naman kasama kita e." nakangiti niyang sagot.
"Nako. Bolero." Inirapan ko siya.
"Hindi kaya. Seryoso ko."
"Oo nalang." Natatawa kong sagot at ipinagpatuloy na namin ang pag-akyat at inabot kami ng isang oras sa pag-akyat sa taas ng summit.
Pagkarating namin sa taas ay naglatag ka agad ako ng tela na uupuan namin at inilabas ang mga pagkain,lunch time na rin kasi. Siya naman ay hinayaan ko lang tumingin sa scenic view, makikita na kasi dito ang rockies na pinuntahan namin kanina,Taal volcano at ang breath-taking na Crater Lake.