Chapter 10: Instant nurse

245 29 23
                                    

Sarah’s POV

Grabe ang saya ng araw ko ngayon, kamiss pala ang barkada! Hmm, siguro huwag muna kami magkaroon ng session, baka mahuli pa kami e. Matext na nga.

To: Suplado

Wag muna tayo magsession baka mahuli tayo. Next week nalang. Ok?

-end-

From: Suplado

Sige

-end-

Hay! Suplado talaga. Sige lang nireply wala pang period. Hmp! Makatulog na nga, may pasok pa bukas.

Kinabukasan..

Today is Thursday! Ang ganda ng weather. Nakikita ko si Mr. Sunshine. Haha ewan ko ba kung bakit parang ang saya ng araw ko ngayon. Same routines bago pumasok, ligo,kain and viola ariba to school! Haha ang kulet ko na naman.

“ GOOD MORNING!” full energy kong bati pagkadating ko dito sa school.

“ Good morning Sarah! Mukhang masaya ka ngayon.” Lucy teased me.

“ Haha… Hindi malungkot nga ako, sobrang lungkot.” Bara ko sakanya.

“ Hindi ka na naman nakainom ng gamot noh? Haha..”

“ Hehe oo nga e.”  Oh guys wag magtaka, wala akong sakit na malala. Ganyan lang talaga kami magbiruan.

“ Sinasabi ko na nga ba, teka asan na yung dalawang bruha?”

“ Haha ewan ko. Obvious ba na kadadating ko lang?” pambabara ko ulit. Nahahawa na ko kay Vice Ganda.

“ Hay ewan ko sayo! Hindi ka matinong kausap!”

“ Haha, joke lang. Ito naman, peace na tayo!” Asan nga kaya yung dalawang yun?

“ AHHHHHHH..” tili ng dalawang babae.

“ Speaking of.” Sabay na sabi namin ni Lucy. Paano yung dalawa tumili. Tili palang nila kilala na namin.

“Anyare?” tanong ko.

“ Wala, trip lang namin. ” sabi ni Beryl.

“ Grabe ha? Lakas ng trip niyo. Mga hindi talaga nakainom ng gamot! ” Lucy says.

“ HAHAHA..” tawanan kaming apat. Baliw na naman po kami.

*Kring. Kring. Kring*

Bell na. Time for our classes na! Same routines. Discuss, lecture, quiz, seatwork, wala man lang exciting na nangyari. Time check! 2:00 pm! Wooohooh! Uwian na!

*Kring. Kring. Kring*

Oh di ba? Haha

“ Uy, tambay muna tayo sa bench!” aya ni Fran.

Ayan, tambay mode nga kami sa aming tambayan. Syempre together with the boys. Kulitan na naman kami, para talaga kaming mga bata. Haha Magmaiba taya daw ba at ang parusa lalagyan ng polbo sa mukha. Kakaros lang.

“ Maiba taya!” Lahat kami puti maliban lang kay Andrei. Haha lagot siya, pito kami. Nag-uunahan silang maglagay, mayroon sa pisngi,noo,mata,baba at ako nalang ang hindi pa nakakapagpalagay. Hmm, saan ba maganda? Haha mukhang wala na ngang space. Sige no choice sa ilong nalang. Ayan, nalagyan ko na.

“ Ayiiee.” Sabi nila. Mga baliw talaga ‘to, parang yun lang e.

“ Hmp! Kayo talaga! Parang mga ewan. ” sabi ko naman. Nagpatuloy ang laro, syempre di mawawala ang tuksuhan. Haha Hanggang sa lahat kami mayroon nang polbo sa mukha kaya tumigil na kami. Maya-maya, may pumapatak, umuulan kaya takbuhan ang lahat sa building para sumilong, pero may naisip ako!

ROMANTIC MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon