Chapter 28
Walking in the rain
Sarah's POVSobrang bilis lumipas ng araw, nakalipas na ang isang linggo mula ng kaarawan ni Seph. Ngayon nga ay isang mahalagang araw na naman. Ngayon na ang ika-tatlong buwan namin ni Seph at ngayong araw matatapos ang deal namin. Gaya ng nakasanayan ay pupunta siya sa bahay para turuan ako, pero dahil huling araw na nga ito ng deal namin ay gusto ko ito icelebrate kahit papaano.
Kaya maaga palang ay naghanda na ako. Gusto ko kasing magluto ng kakainin namin mamaya kaya pagkatapos kong mag-tanghalian ay pumunta akong kusina at kumuha ng ingredients ng lulutuin ko.
Marunong naman akong magluto kahit papaano at yung specialty kong carbonara ang lulutuin ko ngayon.
Pagkatapos ng isang oras ay tapos ko ng lutuin yung pasta at sauce ng carbonara kaya pumunta kong music room at nag-iwan ng note doon para kay Seph na pumunta siya ng poolside ng bahay namin. Pagkalagay ko noon ay pumunta na ko sa may poolside at inayos ang lamesa na gagamitin namin mamaya sa pagkain at inayusan ko rin ng konti ang poolside. Nang makuntento na ko sa ayos ay umakyat na ko sa kwarto ko para makaligo na at makapagayos ng sarili.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na ko sa poolside dahil mamaya-maya lang ay darating na si Seph. Saktong ala-una kasi ng hapon kung dumating yun.
Pero halos isang oras na ang lumipas ay hindi pa rin siya dumarating. Titingnan ko sana kung nagtext siya ngunit naiwan ko pala ang cellphone ko sa kwarto kaya nagpasya kong umakyat sa kwarto upang makuha ang cellphone ko.
Ngunit ng tingnan ko ang cellphone ko ay wala naman siyang text. Kinabahan na ko dahil hindi naman siya ganito. Kaya bumaba ako sa music room upang tingnan doon dahil baka kanina pa siya nandoon at pinagtritripan niya lang ako.
Subalit ng tingnan ko doon ay wala namang tao sa music room at nandoon pa rin sa dating ayos yung note na iniwan ko. Kaya tinawagan ko na siya ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Lalo akong kinabahan kaya napagpasyahan ko ng puntahan siya sa bahay.
Nagpahatid na ko sa driver namin para mapadali ang pagpunta ko sa kanila. Pagkadating ko doon ay sinalubong ako ni Manang Lory.
"Oh,hija napadaan ka?" tanong ni Manang.
"Andyan po ba si Seph?" tanong ko.
"Ay,oo nasa kwarto niya. Puntahan mo nalang." Nakahinga ko ng maluwag dahil wala naman palang masamang nangyari sa kanya pero bakit kaya hindi siya pumunta? Nakakaasar baka nagtulog na naman siya.
"Sige po. Akyat na ko." sagot ko at pinuntahan siya sa kwarto. Kakatok na sana ko sa pinto niya ng makita ko na bukas, may konting uwang kasi kaya dahan dahan kong nilakihan ang uwang ng pinto upang makita ang ginagawa niya.
Tatawagin ko na sana siya ng makita kong may kayakap siyang babae. Nagulat talaga ko parang napako na ko sa kinakatayuan ko.
Hindi nila ko kita dahil hindi naman ganoon kalaki ang uwang ng pinto. Pinagmasdan ko ang mukha ng babae at parang pamilyar siya. Pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita at napahawak ako sa bibig ko upang pigilan ang pagkabigla.
Siya kasi yung babae sa picture na nakalagay dati sa music room, ang ex-girlfriend ni Andrei. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Namiss kita Lira." sabi ni Andrei, na nagkumpirma sa hinala ko.Bumalik na siya.
"Namiss din kita, Drei." sagot ni Lira.
Parang sumikip yung dibdib ko sa narinig at unti-unti ay may pumapatak ng luha sa pisngi ko. Hindi ko na kaya pang makita pa at marinig ang sasabihin nila kaya nagtatakbo na ako sa labas habang umiiyak.