Chapter 33
Beside You
Sarah's POVAng nangyari ng gabi na 'yun sa beach ay pinili na naming kalimutan. Hindi maiiwasan maging awkward noong kinabukasan pero nawala rin naman iyon unti unti pagkalipas ng ilang araw.
"Sarah, bakit hindi ka yata pinupuntahan ni Aze?" tanong ni Lucy.
"Baka busy lang o kaya absent." sagot ko.
"Himala yata 'yon di ka sigurado. Hindi nagpaalam?" pang-aasar ni Beryl.
"Hindi, kasi hindi naman kailangan. Para kayong mga sira. " paliwanag ko.
"Tara na sa canteen." aya ni Yunie.
Nagsisunuran naman kami sa kanya sa paglabas ng room at sabay-sabay pumunta ng canteen.Pagdating namin sa table ay nakabili na sila ng pagkain at kami nalang ang hinihintay kaya umupo na kami at nagsimulang kumain.
"Like the old times." basag ni Fran sa kanya- kanyang pag-uusap. Biglang tumahimik at nagkatinginan sila, muli ay nagtawanan dahil sa ginawa nila.
"Oo nga. Mas masaya kapag wala yung gumulo ng barkada natin. I'm just stating a fact don't take it seriously Andrei." sabi ni Beryl.
"Tama ka Beryl. Huwag niyo na sila munang isipin at dapat magenjoy muna tayo. Breathe from all the stress they brought." pagsang-ayon ni Lucy.
Muli parang bumalik ang kakaibang sigla ng barkada, yung pure goodvibes lang at walang tension na namamagitan.
* *
Pagkatapos ng napakahabang oras na naglagi kami sa classroom upang makinig sa lesson,magsagot ng seatworks at gumawa ng activity ay dumating din ang oras ng uwian.
Palabas na kami sa aming classroom ng mapagusapan kung kanino ako sasabay pauwi dahil nagkaemergency sa pamilya ng driver namin kaya walang maghahatid sa akin pauwi.
"Bes sa akin ka nalang sumabay." paganyaya ni Fran.
"Nako bes wag na out of the way hassle masyado para sa inyo ni Errol." tanggi ko. Hindi naman ako pwedeng sumabay kay Lucy at Jem dahil maiiwan pa sila dito sa school dahil sila ang bantay ng music club ngayon. Si Yunie ay kanina pa nakauwi dahil may family dinner sila at si Harry umuwi din ng maaga dahil may inuutos pa ang daddy niya.
"Sa amin ka nalang ni Kiel sumabay Sarah Ashline magkalapit subdivision naman tayo." prisinta ni Beryl totoo naman 'yun at tinawag niya na ko sa buong pangalan ko kaya kailangan kong umoo.
"Oo sige kila Beryl na ko sasabay." sagot ko. At nasolve na ang problema sa paghahatid sa akin pauwi kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Ako nalang maghahatid kay Ash para hindi hassle sa lahat." biglang sabi ni Andrei ng malapit na kami sa parking lot.
"Nako huwag na nakaoo na ako kay Beryl." tanggi ko.
"Di ba Kiel may lakad kayo ngayon ni Beryl?" sabi ni Andrei.
"Ay. Oo nga pala. Mom called earlier she wants to see Yam." sagot ni Kiel na tila iniisip kung bakit niya nakalimutan ang bagay na 'yon.
"Pasensya na. Babawi nalang ako GBF (girl bestfriend) sa ibang araw. Kilala mo naman si mommy." apologetic niyang sabi.
"Ayos lang BBF(boy bestfriend). Umalis na nga kayo kanina pa pala kayo hinihintay ni tita."
"Sarah pasensya na a. Eto kasi bakit kinalimutan sabihin sa akin nakakahiya tuloy na hindi ka namin maihahatid." paghinging pasensya sa akin ni Beryl habang kinukurot sa tagiliran si Kiel.
"Sige na. Alis na. Ihahatid naman ako nitong si Andrei."
"Hoy Andrei Joseph Madrigal pakiingatan 'yang si Sarah Ashline Conrado. Pakibalik ng buo at huwag mong saktan I mean hayaang masaktan kundi malilintikan ka sa akin bukas." banta ni Beryl.
"Tara na nga Yam kung ano ano pang sinasabi mo." hila ni Kiel kay Beryl papasok ng kotse.
"Madrigal, bestfriend ko yang ihahatid mo kaya mag-ingat kayo. Ayokong malaman na umiyak yan dahil sa iyo malilintikan ka sa akin." banta din ni Fran.
"Para namang first time ihahatid ni Andrei yang si Sarah. Sige 'tol una na kami." paalam ni Errol.
"Tara na po mahal na prinsesa." sabi ni Andrei ng pinagbukas niya ko ng pintuan ng passenger seat.
"Mahal na prinsesa ka dyan. Iba yata 'yon."
"Ikaw 'yon. Kita mo namang kung paano ako pagbantaan ng dalawang 'yon."
"Hindi na kasi sila sanay na nakikita tayong magkasama. Lalo na etong paghatid mo."
"Yeah." tipid na sagot niya. Gusto ko pa sana siyang makausap dahil namimiss ko na siya pero hindi ko rin maiwasang maawkward dahil ngayon nalang ulit kami nagkasama ng kaming dalawa lang. Tumingin nalang tuloy ako sa bintana at nagkaroon na ng awkward silence hanggang sa makarating kami sa bahay namin.
"Salamat sa paghatid." sabi ko at tuluyan ng bumaba sa kotse niya.
"You're always welcome." nakangiti niyang sagot habang papasok na sa kotse at tuluyan ng umalis.
I miss that boyish smile.
* *
"Manang, nandyan na po ba si Manong?" tanong ko kay manang pagkatapos ko kumain ng almusal bago pumasok.
"Nako Sarah wala pa baka bukas pa makauwi."
"Sige po. Magcocommute nalang po ako."
"Mukhang hindi na kailangan may sundo ka nga pala kanina pa naghihintay."
"Hindi naman po ako nagpasundo kila Fran. Sino po ba ang nandyan?" nagtatakang tanong ko.
"Puntahan mo na sa labas, ayaw kasing pumasok."
"Sige po. Mauna na kami." pagpapaalam ko.
Paglabas ko ay si Andrei ang nakita ko na nakasandal sa motor niya.
"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko.
"Sinusundo ka alam ko kasing baka hanggang ngayon wala ka pang driver." sagot niya at inabot sa akin ang pulang helmet na madalas na ginagamit ko kapag inihahatid at sundo niya ko, motor kasi ang gamit niya at hindi kotse. Gumagamit lang siya ng kotse kapag malayo talaga ang pupuntahan namin o kaya may mga dala kaming madaming gamit.
"Bakit nakamotor ka yata ngayon?" tanong ko pagkasakay ko.
"Eto naman talaga ginagamit ko pwera nalang kapag si Lira ang kasama ko hindi kasi siya sanay sa motor." Okay Lira na naman. Bakit pa kasi ko nagtanong ayan tuloy. Tumango nalang ako bilang sagot sa sinabi niya.
Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag nagmomotor tumatama kasi sa iyo yung hangin na nakakapagparelax sa akin.
"Namiss ko 'to." hindi ko namalayan na naisatinig ko pala 'yon.
"Ako din." sagot niya.
"Ha?"
"Namiss kita. Namiss kitang kasama." pabulong pero sapat lang upang marinig at maintindihan ko ang sinabi niya.
Hindi ko malaman ang isasagot ko kaya napapikit ako buti nalang pagdilat ko nasa parking lot na kami.
"Salamat sa pagsundo." sabi ko at ibinalik na ang helmet sa kanya.
"Walang anuman. Tara na baka mahuli pa tayo sa klase." sagot niya, nagulat ako ng hinawakan niya ko sa kamay at hinila paalis sa parking lot.
Pagdating namin sa classroom, nagulat sila ng makita kaming magkasama ngunit ang mga kaibigan lang namin ang may lakas ng loob na magtanong.
"Bakit kayo magkasama?" tanong ni Lucy.
"Sinundo ko siya wala pa kasi yung driver niya, bilin pa naman ni Fran at Beryl na ingatan ko siya." paliwanag niya.
"Okay. Alibi accepted." pang-asar na sabi ni Lucy.
~
A/N: Pwedeng favor? I'll update the next chapter kapag may 5 votes tsaka 2 comments na ang chapter na ito. Inspirasyon lang. Salamat :)
Love,
Serenitylei