Chapter 12
Sarah’s POV
Sabado na ngayon, wala namang masyadong nangyari kahapon after ng meeting. Andito ako sa kwarto at nagbabasa sa laptop ng wattpad story. Hehe
*tok*
*tok*
“Come in.” sabi ko. Si Mommy pala.
“Princess, andiyan na si Andrei sa baba.”
Yeah. Kilala ng family ko si Andrei since dito nga kami sa bahay nagtuturuan. Pero syempre wala silang alam sa deal.
“Okay po. Bababa na po ako.”
“Sige, mauna na ako sayo. May meeting pa kong pupuntahan. Be good princess. I love you.”
“ Yes mom, I will. Take care and I love you too.”
Hmm. Siguro nagtataka kayo kung bakit andito si Andrei? Well magsession ulit kasi kami, 4 days na rin naman ang nakalipas nung muntik na kaming mahuli at saka kailangan na niya kong turuan dahil nga sa Music Club.
Si mommy naman kararating lang nila ni daddy kagabi from their out of town business
Bumaba na ko at pumunta ng Music room, malamang andito yun wala kasi sa sala e.
“ Andrei, tara na start na tayo.”
“Sige. Plucking naman na ituturo ko sayo, marunong ka na magstrumming e.”
“Haha,sige.”
Kinuha niya yung gitara ko at tinuruan na ko syempre yung basic muna ng plucking para magets ko. Nakakatuwa nga e, hindi na kami nagbabangayan ngayon kasi hindi na kami nagpapagalingan.
Mas masaya pala yung ganito, maloko rin pala itong si Andrei. Puro tawanan tuloy kami. After an hour, nagbreak muna kami nagmeryenda lang. Pagkatapos magmeryenda, tinuruan niya ko ulit.
“Oh, gawin mo nga yung intro ng Magbalik.”
Kinuha ko yung gitara sa kanya at ginawa yung intro kaso nung matatapos na nagkamali pa ko. >.<
Kaya tinuruan niya ko ng technique kasi medyo hirap pa ko, inaayos niya yung pagkakalagay ng kamay ko.
“BES!” Nagulat kami ni Andrei dahil biglang bumukas yung pinto.
“At Andrei pala! Hahaha” nang-aasar na sabi ni Frances.
“Kayo ha? Ano ‘yan? Sabi na nga ba hahaha.”- Beryl