Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko, panibagong araw na naman ngunit ganoon pa rin ang pangyayari araw - araw.
Gigising ako para pumasok sa trabaho bilang COO sa kumpanyang pagmamay-ari namin. Dahil sa trabaho halos wala na kong time para sa sarili ko ni hindi na nga ako gumigimik kasama ang barkada na may mga trabaho din naman.
1 message received.
From: Errol
TOL! See you later.
Weird talaga ng isang ito. Wala naman akong naaalala na usapan na magkikita kami ngayon. At dahil tamad akong magtext, tinawagan ko nalang siya mas convenient pa.
"Hoy Errol! Anong see you later ka diyan? Wala tayong usapan."
"Maganda na yung biglaan kang aayain. Tatanggi ka na naman kasi." Natatawang sagot niya.
"May ano ba?"
"Wala naman, hangout lang mula kasi ng grumadweyt tayo hindi ka na namin nakasama gumimik puro ka trabaho!"
"Sira! Matino na kasi ko kaya focus ako sa trabaho di tulad niyo."
"Hoy sa ating lima ako pinakamatino sa inyo highschool palang tayo."
"Anim na taon na ang nakalipas tol noon lang 'yon ako na pinakamatino sa atin mula ng magcollege tayo."
"Speaking of, anim na taon ka ng ganyan kaya baka pwede kahit ngayon lang sumama ka naman sa amin. No girls allowed sa lakad kaya masaya ito!"
"Puro talaga kayo kalokohan malamang si Jem may pakana niyan. Oo na pupunta ko." Naiiling kong sabi.
"Ayos! Basta tol hintayin ka namin sa TRANCE bandang alas - otso ng gabi."
"Sige tol. Mamaya nalang." Paalam ko dahil nandito na ko sa opisina.
Pagdating ko sa opisina ay marami na namang folder sa lamesa ko na dapat ireview at pirmahan, wala kasi si papa kaya ako ang sumasalo ng gawain ng CEO.
"Do I have any meetings today?" tanong ko sa secretary ko.
"No sir."
"Good. Cancel any appointment that you will receive for today or re-schedule it some other day."
"Yes sir. It's that all?"
"Yes you may go now."
"Okay sir." At bumalik na siya sa pwesto niya sa labas ng opisina ko.
Alas-otso na pala ng matapos ko ang mga paperworks ko,sakto sa usapan buti nalang at may dala kong damit sa kotse ko kaya nagpalit muna ko bago dumeretso doon.
Mahirap ng pumunta sa Trance ng naka three-piece suit lalo lang ako makakantyawan ng mga iyon. Ngayon na nga lang ulit ako gigimik kaya dapat kahit papaano nakaporma naman ako ng ayon sa lugar.
Pagdating ko sa Trance ay nandoon na silang apat.
"ANDREI!" sabay sabay nilang sabi ng makita kong papalapit kaya nagtinginan ang lahat sa gawi namin. Napapailing nalang ako sa ginawa nila para paring mga bata.
"Long time no see tol. Finally hindi mo kami inindyan." Bungad sa akin ni Kiel.
"Kinunsensya kasi ko ni Errol." Natatawa kong sagot.
"Ikaw lang pala dapat Errol ang mag-aya dito para sumama e." kantyaw ni Harry.
"Takot sa akin yan kaya pumunta." Panloloko ni Errol.
"Uto! Anong takot baka kamo nagmakaawa ka." Pang-aasar ni Jem.
Napuno ng tawanan ang lamesa. Eto ang namiss ko sa mga ito. Yung kalokohan at kasiyahan.