Chapter 2: The transferee

299 32 31
                                    

Chapter 2
The transferee

Sarah's POV

Pagbaba ko andun na si dad,mom,at kuya Ian sa dining table ako nalang pala ang hinihintay nila.

"Oh ayan na pala ang prinsesa natin" si dad.

"Good morning!" I said.

"Good morning princess! Come here and let's eat." sabi ni mom.

"So how's your first day being a 4th year??" tanong naman ni kuya Ian.

"Ok lang naman,as usual may welcome program." I said.

"Napapasin ko lang Ashline hindi mo pa nagagamit yung mga regalo namin sayo, nakastock lang siya sa music room. Won't you attend instruments lesson??" dad ask.

"Dad, you know I hate attending those.. basta balang araw magagamit ko rin po ang mga yun without attending those classes." I answered back.

"Ok, you said so. We better go, be good the two of you ok?"

"Yes dad." sagot namin ni kuya.

"Ok bye!"

As usual sa office na naman sila ni mommy hanggang gabi.Hindi na rin namin tinapos ni kuya Ian ang pagkain ng breakfast, nagpahatid na lang ako sa kanya sa school. Pagdating dun, dumeretso na ko sa room namin, ako na naman ang huli sa amin na magkakaibigan.

"Buti naman dumating ka na Sarah." sabi ni Frances, bestfriend ko.

"Oh, bakit? Hindi pa naman ako late." sagot ko.

"Paano may bago tayong classmate!" sabi ni Lucy.

"Tama at balita ko gwapo!" segunda ni Beryl.

"Classmate? Hindi pa ba siya pumasok kahapon?" tanong ko.

"Hindi yata?? haha kasi welcome program pa lang naman daw." -Frances

"Ah, ganon? Grabe ah, kabago bago ang tamad!" sabi ko.

"Hindi naman.. Malay natin pumasok pala hindi lang natin nakita!" pagtatanggol ni Lucy.

"Oo na! Eh teka nga bakit ba kayo kinikilig?" tanong ko ulit.

"Basta! Sa amin nalang yun!" sagot ni Beryl sabay wink dun sa dalawa.

Naputol ang pag-uusap namin dahil nagbell na meaning magstastart na ang klase. Lahat ay excited lalo na ang mga girls at halatang mga kinikilig.Hay,gaano naman kaya kagwapo yun at nagkakaganito yung mga girls??

At take note pati ang barkada ko! Alam ko nagtataka kayo kung bakit ganun ako makareact na pati ang friends ko?? Kasi naman bihira kami humanga sa isang lalaki kahit na sabihin mong gwapo.

Kilala kasi kami bilang girls na ang boys ang humahabol. In short, sikat kami sa school. Not da mean girls, we're popular but we never use it to embarass people or to do any crazy things. Sabi nga nila napakaswerte mo daw pag isa sa amin ang naging girlfriend mo.

Mabait, maganda, matalino at mayaman. Yan ang description sa amin kaya nga tinawag nila kaming "ANGELS".

At isa pa may mga boyfriend na yung tatlo kaya nagulat ako sa kanila kanina. Tanging ako na lang ang 'single' sa amin. Hindi naman sa pagiging pihikan pero waka pa talaga si 'Mr.Right' e. Hindi pa siya dumadating pero tingin ko malapit na..hehe

Oops nandito na si Ms. Reyes, adviser namin.

"Good morning class!"

"Good morning Ms. Reyes. Its nice to see you!" we say in chorus.

"Ok take your seat. Alam ko na alam niyo na may new clasmate kayo."

Syempre halata naman na excited sila na makilala siya,aaminin ko na naexcite din ako para malaman ko kung bakit ganun sila makareact.

ROMANTIC MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon