Sarah's POV
Ambilis ng oras matatapos na ang month ng July ngayon. Sa halos dalawang buwan na yun ang dami na ng nangyari. 1 month nalang matatapos na ang 1st grading kaya ang daming ginagawa, discuss ng lesson,seatwork,quiz at mga project para sa grading na ito. Kahaggard >.< Buti nalang andyan ang Angels stress reliever ang mga yun e. Pag sila ang kasama mo gagawa talaga sila ng paraan para ang dull mood maging masaya. Kasundo ko rin naman ang mga boyfriends nila kasi mga maloloko din yung mga yun pero mababait naman subalit hindi ko makakasundo yung supladong kaibigan nila. NEVER! as in N-E-V-E-R. suplado na nga antipatiko pa basta I hate his guts. Kaya para maiwasan ang away hindi ko nalang siya kinakausap, pero syempre di naman all the time maiiwasan ko siya dahil iisa lang ang circle of friends namin. Kaya kapag magkakasama kaming magbabarkada lalo na na kapag yung time na yun ay nagkukulitan ang magpapartner naOOP kami >.< tulad ngayon na nandito kami sa tambayan may kanya kanyang mundo ang magcocouple.
" Ang cute cute mo talaga Hon! " sabi ni Kiel kay Beryl habang kinukurot ang pisngi nito.
" Aaahhh. Ikaw din naman hon. " ganti naman ni Beryl na kinukurot din si Kiel sa pisngi.
Lumipat naman tayo..
" Lucy, alam mo para tayong gitara at strings.. Ako yung gitara at ikaw ang strings." sabi ni Jeremy.
" Bakit? " sagot naman ni Lucy.
" Kasi kulang ako pag wala ka. "
At nagtawanan silang dalawa, syempre kinikilig si Lucy. Syempre papatalo ba ang mga WEIRDOS?! haha
"Patingin nga ng kamay mo weird," inabot naman ni Frances yung kamay nya kay Errol.
Pagkaabot niya sa kamay ni Frances sabay sabi ng " Ang liit talaga. "
" Ikaw biik ah! Kamay ko na naman napagtripan mo!" sabi ni Frances habang hinahampas sa balikat si Errol.
" Aray naman weird. Hindi pa kasi ako tapos sa sinasabi ko. " sabi ni Errol habang umiiwas sa paghampas ni Frances.
" E ano ba kasi yung sinasabi mo? '
" Maliit pero cute parang yung may- ari. "
Hay nako.. Ang cheesy talaga nila. And I'm happy for my friends kasi nakikita ko na mahal talaga nila ang isa't isa. Oh? Bakit parang tumahimik? Kaya naman pala e.
" Oh, anong nangyari sainyo?! " sabay pa naming sabi nung asungot.
>.< ako
=_= yung asungot
Tinawanan lang kami nung anim. tsk.
" Bagay talaga kayo! " natatawang sabi ni Beryl.
" Tama. haha Hindi pa kayo nag-uusap sa lagay na yan ha pero parehas kayo ng sinabi." sabi naman ni Jeremy.
"AYIIIEE! " sabay sabay pa nilang sabi.
" Hmp! Wala na naman kayong magawa! Tigilan niyo ko ah. " sabi ko.
"Tsk. Lakas niyo magtrip! Yung mga kapartner niyo na lang intindihin niyo! Huwag kami. " sabi naman nung suplado.
Pero walang pakialam yung anim mas lalo pa silang nagtawanan.
" E bakit ba kasi ang init ng dugo niyo sa isa't isa? " tanong ni Frances.
"Paano ang sungit sungit niya. " sabi ni Mr. Antipatiko.
"Aba't ako pa ngayon? Paano ako hindi magsusungit e napakasuplado niya! You know me guys! I am Friendly! " sabi ko naman.
"Friendly daw. Sa lagay na yan friendly ka pa?! " - Andrei.