Chapter 3: Bonding with the barkada

357 43 39
                                    

Sarah's POV

Maagang nag-uwian dahil orientation lang kaya nag aya sila sa amin.

Nagulat nga ako't hindi nila kasama ang mga bf nila e.. paano nagbonding din daw yung magkakaibigan.

Nang nasa bahay na kami napagkwentuhan namin si Andrei.

"Gwapo talaga ni Andrei noh?!" sabi ni Beryl.

"Oo nga e, hindi ko akalain na sobrang gwapo niya sa personal.." segunda naman ni Lucy.

"Sinabi mo pa! Teka anong masasabi mo Sarah?" tanong ni Frances.

Hmm, at sabay sabay silang tumingin sa akin at hinintay akong sumagot. Kilala ko ang mga tingin na yun may binabalak na naman itong tatlo na ito.

"Well, sabi niyo nga gwapo, tama gwapo nga!" sagot ko.

"And??" sabay-sabay na naman sila.

"And? ano pa ba?? Eh wala naman dapat mapansin sakanya!" ilag kong sagot.

Hay ayokong maalala yung supladong yun!

Nakatingin pa rin sila sa kin at hinihintay yung sagot ko.

"Sarah! Sure ka bang tao ka??" tanong ni Beryl.

"Obviously yes. why?" takang sagot ko.

"Eh kasi naman, hindi ka man lang ba nagkagusto sa kanya??" tanong naman ni Lucy.

"Honestly?? No!!" i answered back.

"Why?" tanong nila.

"Kasi gwapo nga suplado naman!" asar kong sagot!

"Paano mo naman na sabing suplado e nakausap at nakasama mo na ba?"

"Oo,kilala nyo naman ako hindi ako kagad nagjujudge. 

Ganito kasi yun, di ba katabi ko siya,pagkalapit niya binati ko siya pero hindi niya ko pinansin."sabi ko.

"Eh baka naman hindi ka narinig.." pagtatanggol ni Frances.

"Hindi, alam ko narinig niya ko kasi nakatingin siya sakin."

"Hmm, sabi mo nga kinausap sila Errol. Baka hindi ka na niya nasagot kasi naexcite dun sa mga kaibigan niya." sabi naman ni Beryl.

"Hay nako tigilan nyo na nga ako! Alam ko yang mga iniisip nyo!"

"Hay,Sarah Ashline Conrado, concern lang kami sayo." paliwanag ni Frances.

"Tama. Ikaw na lang kaya walang lovelife sa atin." si Beryl naman.

"And besides gusto lang namin na maging masaya ka!" sumunod naman si Lucy.

"Alam ko naman yun pero syempre gusto ko na kagaya niyo kusa kayong niligawan ng mga bf niyo, hindi dahil nilakad ko kayo ng bonggang bongga ok?! Tsaka kung siya naman si Mr. Right malalaman ko yun at ako pa hihingi ng tulong sa inyo hahaha pero mukang hindi siya." mahaba kong paliwanag.

"Sabagay."

Salamat at naintindihan nila ako.

Para huwag ng humaba pa yung usapan inaya ko nalang silang mag movie marathon.

Andrei's POV

Maaga ang uwian pero hindi muna ko umuwi, tumambay muna kaming magkakaibigan.

Doon sa park malapit sa school. Dating gawi, magdadala ng gitara at makakain at doon magjajamming.

Napansin nang barkada sa gitna ng pagjajamming nila,kumakain lang ako, at nakikitawa sa kalokohan nila, hindi ako kumakanta o kaya naggitara.

"Tol, ikaw naman maggitara mas magaling ka dyan eh." alok ni Errol.

"Huwag na tol, kayo na lang, ok lang." tanggi ko naman.

"Nga pala musta na kayo ni Lira?" tanong ni Kiel.

"Wala na kami ." malungkot kong sagot.

"Huwag kang mag-alala tol, marami pa diyang iba." payo naman ni Jeremy.

"Pero tol, hindi yun ganung kadali, eh mahal ko nang sobra, kaya nga hindi na ko makatugtog." madamdamin kong sagot.

"Tsk. iiwan mo ang music dahil sa kanya?" takang tanong ni Errol.

"Oo, kasi sa tuwing tumutugtog ako naaalala ko siya lahat ng sa amin, kaya mga tol pakiusap ko sa inyo na wala sanang makaalam na tumutugtog ako.. dahil hindi ko na alam kung kaya ko pang tumugtog ng tulad ng dati." paliwanag ko.

"Naiintindihan namin tol!" sabi ni Kiel.

"Sana lang may makapagbalik sayo nun dahil alam ko mahirap para sayo iwan ang music."

Sana nga.. sana.

Nakauwi na ako sa bahay ang tahimik, mag-isa na naman ako. Buti pa nang kasama ko ang barkada masaya, nakakalimutan ko ang..

naalala ko na naman si Lira. 

Eto na naman ako siya na naman ang nasa isip ko. Tama si Mommy dapat kalimutan ko na siya. Hindi dapat masira ang buhay ko dahil sa kanya.

Ngunit paano??

Parang hindi ko yata kaya, nasanay na ang aking mundo na umikot sa kanya.

Hay sana may isang anghel ang dumating upang ayusin ang nagulo kong mundo. Pinikit ko ang aking mga mata, sa pagpikit ko nakita ko ang isang babae napakaganda niya para siyang anghel pero masungit.

Teka parang,, tsk kaya naman pala siya yung classmate ko, ano ngang pangalan niya??

"Sir Andrei!" sigaw ni manang.

Naputol tuloy ang pagmumuni ko. Binuksan ko ang pinto.

"Bakit po?"

"Si Maam Cristy po." sabay abot sa telepono.

"Salamat manang."

*phone convo*

"Hello Ma?"

"Andrei, bakit hindi ko macontact yung phone mo?"

"Nalowbat po kasi yung phone ko, hindi ko pa po nacharge."

"Ah,ganun ba? Oo nga pala napatawag ako kasi gagabihin kami ng dad mo kaya mauna ka nang kumain."

"Opo."

"Andrei, kumain ka ng mabuti ah."

"Opo. Take care mom."

*end of phone convo*

Hay si Mommy talaga.. Hindi na ko bata, pero hindi ko naman siya masisi nagaalala lang yun.

Makakain na nga kahit wala akong gana.

Pagkatapos umakyat na ko, naglinis at natulog.

ROMANTIC MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon