Chapter 35: Who are you now

68 0 0
                                    

Chapter 35
Who are you now
Sarah's POV

Busy ako sa pagbabasa ng libro habang naghihintay sa pagdating ng next subject teacher namin ng may humablot bigla nito.

"Hey! I'm reading it!" sabi ko sa kumuha at napag-alaman kong si Andrei pala.

"Ano ba kasi itong binabasa mo?" tanong niya.

"A novel entitled "The One". Can you give it back to me now Andrei? "

"What?" sabi niya na tila hindi naintindihan ang sinabi ko.

"Ang sabi ko po ibalik mo na yung libro ko."

"Hindi yan. Anong tawag mo sa akin?" sabi niya na parang naaasar.

"Andrei. Anong mali dun?" nagtataka kong tanong.

"Akala ko ba okay na tayo?"

"Oo nga. Ano bang problema mo?" naguguluhan ko pa ring tanong.

"Bakit ganun tawag mo sa akin?"

"Kasi 'yon ang pangalan mo?"

"Oo nga pero hindi 'yon ang tawag mo sakin."

"Arte naman nito parang 'yon lang. So akin na iyang libro ko Seph. Ok na ba?"

"Okay na." masaya niyang sabi.

"Parang bata 'to." pang-aasar ko.

"Naglalambing lang naman."

"Ang arte mo sumbong kita kay Lira." pang-aasar ko pa.

"Sumbong mo wala naman akong ginagawa." pagpapatay malisya niya.

"Oo na. Ano ba kasing kailangan mo?"

"Magpapaturo sana ko." sabi niya at umupo na sa tabi ko.

"Ayon naman pala. Ang dami pang sinabi magpapaturo lang pala."

"Turuan mo na ko please."

"Saan ba?"

"Sa math yung lesson last meeting nalilito pa kasi talaga doon."

"Sige." At sinimulan ko na siyang turuan about sa lesson na yun. Hindi dumating ang teacher namin dahil nagkaemergency sa bahay nila kaya nagamit namin ni Seph ang buong oras ng third period.

After namin kumain noong recess time ay nagpunta muna kaming mga babae sa comfort room. Nauna akong lumabas sa cubicle samantalang nasa loob pa sila Frances kaya nag-aayos na ko ng konti habang hinihintay ko sila ng biglang pumasok sa comfort room si Lira.

Nginitian ko siya at bumalik na ako sa pag-aayos. "Nawala lang ako ng ilang araw may linta na ka agad na nakakapit." sabi niya.

Isinawalang bahala ko nalang siya at hindi pinansin ang sinabi niya. "Ang dami kasing ahas dito at isa ka na doon." matalas niyang sabi habang nanlilisik ang mata.

Napatingin na ko sa sakanya sa sinabi niyang 'yun. Ako na talaga ang pinapatamaan niya.

"Sa pagkakaalam ko tao pa rin naman ako hanggang ngayon at never naging ahas. So anong sinasabi mo?" pagbabalik ko sa sinabi niya.

"Huwag ka ng magmaang-maangan. Aminin mo na nilalandi mo si Andrei habang wala ako ng ilang araw." naaasar na sabi niya.

"Masyado ka namang judgmental, nilalandi ka agad? Hindi ba pwedeng magkaibigan kami kaya normal lang na close kami?" pambabara ko sa kanya.

"Hindi naman kayo ganyan dati." pagpupumilit niya sa fact na nilalandi ko si Andrei.

"Anong alam mo tungkol sa amin? Wala naman di ba? Kaya huwag kang magsalita na parang may alam ka. Matagal na kaming close bago ka pa dumating kaya siguro wala namang kaso kung maging close ulit kami." paglilinaw ko kahit na alam kong hindi rin naman siya makikinig sa akin dahil sarado na ang isip niya.

ROMANTIC MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon