Chapter 8
Sarah’s POV
“ Ok class, answer page 33. “ sabi ni Ms. Marcos, Physics Teacher namin.
Baka nagtataka kayo 1 week na nga pala ang nakalipas nung nag-aaway kami dahil sa F#. 1 week na puro ganoon ang nangyayari, hindi talaga kami magkasundo. Hmp. Makapagsagot na nga.
Labas ng calculator,ballpen at libro.
Solve.
Solve.
Solve.
Finish!
“ Ok class, exchange books.”
Ayan magchecheck na kami. Pagkatapos magcheck sasabihin na yung score.
“ Avanzo,15
Adriano,18
Bello,12
Braga,10
Conrado,20” Ahaha perfect ako! Favorite subject ko kasi to. ^_^
“Dela Vega,15” haha si Frances naka15.
“ Domingo,13
Garcia,19
Gonzales,14” Magkasunod yung scores nila Fran at Beryl.
“ Lucena,17
Mercado,19” sayang nagkamali pa ng isa si Lucy. Mmmm.. Boys na.
“ Dela Cruz, 12
Flores, 13” baba ni Errol.
“ Ignacio, 14
Leoncio, 14
Lopez,15” Mas mataas pa tong si Kiel kay Errol.
“ Madrigal, 20” Oh, galling ko talaga magturo! Ang tataas na ng grades niya. J
“Nueva,16
Patio,17
Robles,20
Velasco,12” Isa pa tong si Jem ang baba ng score.
"That’s all. Goodbye Class!”
“ Goodbye Miss.”
After ng ilang klase namin dumating na rin ang oras ng break time, saktong sakto kasi gutom na ko. Nag-ayos lang kami sandali at lumabas na.
Finally andito na kami sa cafeteria. Chocolate cake tsaka orange juice yung inorder ko. Well ganun pa rin naman pag andito sa cafeteria. Nagkwekwentuhan sila basta ako kakain ^___^ . Yum Yum Yum! Haha
“ Sarah.” Tawag sakin ni Lucy.
“ Why oh why?” sagot ko,
“ Bakit ang aga mo atang umuuwi? Dati naman sabay sabay tayo” sabi niya na nagtatampo.
Tsk. Patay! Napansin na pala nila yun.
“ Ahh, ehh. Marami kasi kong dapat gawin kaya nauuna na kong umuwi since alam ko namang ayaw niyo pang umuwi ka agad.” Alibi ko.
“ Ahh.” Sagot niya na di pa rin gaanong naniniwala.
“ Bessy namiss ka tuloy namin!” sabi naman ni Frances.
“ Hehe.. Kayo talaga araw-araw naman tayong magkakasama. Naaaga lang ako ng uwi.” Sagot ko.
“ Hmm, Hindi ka na namin nakakasama ng matagal sa mall!” himutok naman ni Beryl.
“ Wala kayong sawa sa mall ano? Taong mall na yata kayo e! hahaha” –ako
“ Hindi naman masyado. Haha “- Beryl