Chapter 30
Rebound
Sarah's POVUnti-unti kong minulat ang mata ko at nakita ang puting pintura ng kisame, nilibot ko pa ang mga mata ko at puro puti ang nakikita ko.
And realization struck me. Nawalan nga pala ko ng malay at ang huli kong narinig ay ang boses ni Seph na tinatawag ang pangalan ko.
Nilagay ko ang kamay ko sa gilid ko upang tumayo sana ng may nahawakan akong kamay. May tao pala, masyado siguro kong nagspace out kanina kaya hindi ko yun napansin.
Nang tingnan ko ay isang lalaki pala ang nakadukdok sa gilid ng kama.
"Seph?" Gumalaw ang ulo niya na tila nagising sa pagtawag ko. Maya-maya ay nag-angat siya ng mukha.
"Pasensya na akala ko si Seph." Sabi ko ng marealize ko na hindi pala siya si Seph.
"It's alright. By the way, how are you? You passed out earlier. Luckily, I'm on time to catch you."
"I'm quite fine. Thanks for helping me."
"No problem, miss." Sabi niya ng nakangiti.
"Gising ka na pala Sarah. Masyado ka lang stress at nalipasan ka pa ng gutom kaya ka nahimatay. Wag mong pabayaan ang sarili mo." Sabi ni nurse Amy.
"Opo, masyado lang po talagang maraming ginagawa this past few days." Pagdadahilan ko.
"Pwede ka ng umuwi para mas makapagpahinga ka pa." pahabol pa niya.
"Sige po nurse Amy. I have to go. Thanks." pagpapaalam ko.
Tinawagan ko na yung driver namin at nandoon na daw siya sa parking lot kanina pa.
"Thank you .." sabi ko bago tuluyang umalis sa clinic.
"You're welcome! By the way I'm Azerick."
"My bad. I forgot to ask your name. Nice meeting you Azerick." sagot ko at kinamayan siya.
"Same here. Shall we? I heard you were heading to parking lot." tumango ako bilang pagsang-ayon at nagsimula na kaming maglakad paalis.
Hinatid niya lang ako sa tapat ng kotse namin at hinintay na umalis ito bago siya sumakay sa kotse niya.Pagkadating sa bahay ay nakahain na ang pagkain sa mesa kaya kumain na muna ko ng hapunan bago umakyat sa kwarto.
Nakapag-ayos na ko ng sarili ko para matulog ng naalala ko na tingnan yung cellphone ko. May isang message.
From: Seph
Okay ka na? Sorry kung di na kita natulungan kailangan ko na kasing umuwi nag-aya na si Lira.Oo nga pala, si Lira ang priority. Kahit siguro mamamatay na ko siya pa rin ang uunahin niya. Sino nga naman ba ko? Si Sarah lang ako, pamalit niya pag wala si Lira. Muli para na naman akong hindi makahinga sa sakit na nararamdaman ko. Siguro dapat ko ng itulog ito.
**
"Hi Sarah! Are you okay now?" bati sa akin ni Azerick ng makita niya ko kasama ang mga kaibigan ko sa canteen.
"Yeah. I'm fine. Thank you." Sagot ko sa kanya at nagtinginan ang mga kaibigan ko sa akin na tila nagtataka.
"Do you mind if I ask you? What happened yesterday?" hindi na napigilan ni Frances na magtanong.
"Oh? She fainted yesterday due to stressed."
"You fainted and you didn't told us?" Naiinis na sabi ni Beryl ngunit halata ang concern sa kanya. Yumuko nalang ako dahil hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko.
"I remember you. You are there when she fainted too but you walked away." Turo niya kay Seph.
"Ah,yeah. I'm sorry I didn't inform you guys. I'm too preoccupied last night."
"Uh, guys let me introduce you this guy who help me. He's Azerick, an exchanged student." Pag-iiwas ko sa usapan.
"Azerick these are my friends,Frances,Lucy,Beryl,Yunie,Harry,Kiel,Jem,Errol and Seph I mean Andrei." Pakilala ko sa kanila,nakipagkamay naman sila bilang pagtanggap.
"It's really nice to meet you guys. As much as I wanted to join you here but I need to fix my papers so I can have my full schedule."
"There's always be a next time."
"Yeah. Bye for now." At tuluyan na siyang umalis.
Nagpatuloy kami sa pagkain ngunit maya-maya ay nagpaalam yung mga babae na magpupunta sa comfort room bago pumasok ng klase kasama ako. Sinigurado muna nilang walang tao sa comfort room bago ilock ang pinto.
"Sarah, ano bang nangyayari?" tanong sa akin ni Yunie.
"Okay lang ako." Sagot ko na hindi makatingin sa kanila.
"Hanggang kailan mo sasabihin ang salitang 'okay lang ako' kahit hindi naman?" sabi naman ni Beryl.
"Hindi ka na okay. Pati sarili mo napapabayaan mo na ng dahil sa kanya. Hindi na maganda yan. Lalo na yung mismong sarili mo nawawala na." pangaral ni Lucy.
"Hiniling namin na magkalovelife ka pero yung hindi ganito. Huwag mo naman sarilihin yung problema mo, andito kami. Hayaan mo naman kami na damayan ka katulad ng pagdamay mo sa amin." Dagdag pa ni Frances.
"So..S-sorry. " Iyon nalang ang nasabi ko at napaiyak na ng tuluyan. Niyakap naman nila kong apat at doon ko naisip na maswerte pa pala ako kasi may mga tunay akong kaibigan na handa akong damayan.
Matapos ng mahabang yakapan ay humiwalay na din kami sa isa't isa. "Tama na nga ang drama." Sabi ko at nag-ayos na kami para lumabas na sa comfort room upang bumalik na sa klase.
**
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan siya kahit na alam ko na mas masasaktan lang ako sa ginagawa ko. Dati-rati sobrang lapit namin na halos hindi na siya humihiwalay sa akin ngunit ngayon iba na, iba na ang kasama niya, iba na ang nasa tabi niya at eto ko ngayon nasa malayo at tinitingnan lang sila.
Ang bilis talaga ng pangyayari, parang kahapon lang ayos kami pero ngayon para wala kaming pinagsamahan, para lang akong hangin na dinadaan daanan niya.
Ganun ba talaga? Ang bilis niya talagang makalimot, iniwan niya kong nag-iisa sa laban na ito. Bumalik lang si Lira, nawala na lahat ng parang bula yung mga alaalang sabay naming binuo.
Sana pala hindi nalang pinilit pa, wala rin naman palang mangyayari. Nagmukha lang akong tanga na umaasa na parehas kami ng nararamdaman.
Ang sakit kasi hindi man lang niya sinabi, ni hindi man lang niya ko binalaan bigla bigla nalang siyang iiwas na parang walang pakialam at sa isang tao na nakatuon ang paningin niya, sa taong sinaktan at iniwan siya.
"Masakit talagang makita yung mahal mo na masayang may kasama ng iba."
Napalingon ako sa tabi ko na may tao na pala, mag isa lang kasi akong nakaupo kanina dito sa bench sa may open study area.
"Kanina ka pa diyan?!" gulat na tanong ko kay Azerick.
"Not really."
"Teka tama ba ko ng pagkakarinig? You speak and understand Filipino language?"
"Oo naman. I'm still a Filipino." proud niyang sagot pero halata naman na iba ang accent niya. Napatawa tuloy ako sa cute na accent niya.
"Buti nalang napatawa kita kahit na nagmumukha akong tanga for speaking in Filipino." sabi niya na super slang parin kaya mas lalo akong natawa.
"Thank you. Hindi ko gustong pagkatuwaan yung pagsasalita mo but I can't help myself from laughing."
"It's okay. Just for you."