Chapter 26: Stay with me

119 12 1
                                    

Chapter 26
Stay with me
Sarah's POV

Nandito kami sa music room ng school. Sinisimulan na namin yung plano para sa concert. Kami ni Seph ang punong abala sa pagprapractice sa kanila para sa performance, si Lucy at Jem ang bahala sa mga props, si Beryl at Frances sa wardrobe,si Errol at Kiel sa stage na gagamitin at si Yunie at Dylan naman sa posters and invitation.

Pinaghatihatian na namin ang mga gagawin para mapabilis at maging maayos ang plano. Mahirap na malito kami sa gagawin hanggang sa makalimutan na namin na may kulang pa pala at may kailangan pang gawin.

"Glee! Formation!" sabi ko sa mga members ko. "Kaye, incharge ka sa warm up." Pumunta naman sa harap si Kaye at sinimulan na ang warm up routines namin.

Si Seph naman ay prinapractice ang mga guitarist sa isang tabi.Pagkatapos ng warm up ay finamiliarize ko muna sila sa kanta dahil hindi lahat ay may alam noon.

"Ok let's start." At kumumpas ako hudyat na simula na ng kanta. Una dalawang line ay ang alto at bass ang kakanta tapos ang dalawang huli ay ang soprano at tenor at magsasabay sabay lahat sa chorus. Pagkatapos ng ilang ulit na pagkanta ay pinagpahinga ko na sila, tama na muna yun sa ngayon.

Napansin kong tapos na rin praktisin ni Seph ang mga guitarist. Yun lang naman ang nakaschedule gawin ngayon kaya malamang ay maguwian na rin kami.

Nilapitan ako ni Seph pagkatapos magbilin sa nga guitarist. "Okay na?" tanong niya.

"Oo. Tapos na kami."

"Good. Let's call it a day." Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

"Okay guys. Pwede na kayong umuwi. See you tomorrow." sabi niya sa mga members.

"Bye ate Sarah!Bye kuya Andrei!" paalam nila sa amin.

Kami nalang magkakaibigan ang natira dito sa music room.

"Namimiss ko na kayo." sabi ni Beryl.

"Oo nga di na tayo nakakapagbonding." sagot ko.

"Magbonding tayo ngayon. Maaga pa naman. O kaya magsleepover nalang din tayo para masaya." suhestyon ni Frances.

"Oo nga. Namimiss ko na yung ganun." sabi ni Jem.

"Sama kami a." sabi naman ni Errol.

"Yep. The more the merrier." sagot ni Lucy.

"Magmovie marathon tayo!" excited na sabi ni Yunie.

"Tama. Marami na kong hindi napapanuod na movies." sabi naman ni Dylan.

"Saan tayo?" tanong ni Kiel.

"Kila Ash nalang. Marami siyang bagong movies ngayon." biglang sabi ni Seph. Sumang-ayon naman ang lahat kaya sa amin kami pumunta. As usual wala na namang tao sa bahay bukod samin ni manang, busy lagi sila kuya,mommy at daddy.

Pagdating sa amin ay pumasok ka agad sila sa movie room. Sanay na naman si manang samin, napagpaalam ko na din naman kila mommy na dito sila matutulog kaninang nasa kotse kami.

Umakyat muna ko sa kwarto at nagbihis maya-maya ay umakyat na rin ang mga girls sa kwarto ko at nagbihis. May mga damit na kasi kami sa bahay ng isa't isa para kung maisipan namin bigla na magsleep over ay hindi na kami mahahassle umuwi at magdala pa ng damit.

Pagkababa namin sa movie room ay nandoon na ang boys at nakapagpalit na rin ng damit.

Kanina pa pala sila nakapili ng papanuorin bago umakyat sa kwarto ko kaya pwepwesto nalang kami ng upo at magstart ng manuod.

Mas pinili ni Fran,Errol,Beryl at Kiel na maupo sa carpet kesa sa sofa. Mas feel daw nila ang panunuod doon. Nakapwesto naman sa sofa sila Dylan,Yunie,Lucy at Jem na may dala dala ng pagkain. Ang space nalang na natitira ay sa tabi ni Seph na nasa kabilang sofa nakaupo kaya doon nalang ako pumwesto.

Horror pala ang napili nila palibhasa hindi naman sila matatakutin, ako lang talaga ang matatakutin sa mga ito. Amityville yung title ng movie.

Kumuha ka agad ako ng unan na pwede kong yakapin at ipangtakip sa mukha ko. Ganito ko lagi pag nanunuod ng horror movie.

Simula palang naman kaya nakakanuod pa ko ng ayos kahit papaano. Yung story ay umiikot sa isang pamilya na lumipat sa isang bahay na kung saan marami ang pinatay doon.

Pagdating sa gitna ng movie ay puro sigaw ang maririnig sa amin dahil may paranormal activities na nangyayari. Halos mapipi na yung unan sa sobrang higpit ng yakap at hawak ko sa unan. Tapos doon ko tinatago yung mukha ko para hindi ko makita yung pinapanuod namin. Kapag pakiramdam ko ay wala na ay unti unti akong sisilip para makanuod ulit. Pero hindi ko na kinaya yung sunod na nangyari kaya tili ako ng tili at hindi ko malaman kung paano ako magtatago sa unan. Maya-maya ay may naramdaman ako na may humawak sa kamay ko at may humahaplos sa ulo ko na parang pinapakalma ako.

"Shh. Nandito lang ako wag kang matakot." bulong niya at parang magic ay kumalma na ako at nakapanood na ulit ng medyo maayos. Natatakot pa rin ako kaya tinatakpan ko pa rin yung mata ko pero hindi na katulad kanina, kasi atleast alam kong may kasama ko.

Natapos ang movie na nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Hindi ko naman matanggal dahil nahihiya ako kaya hinayaan ko nalang. Ganun pa rin ang pwesto namin ng magsalang ulit sila ng bagong movie. RomCom naman yung papanuorin namin kaya ayos na ko pero hindi pa rin niya binibitawan yung kamay ko at inintertwined pa niya ito kaya mas lalong humigpit ang hawak niya.

Buti nalang nasa tv yung atensyon niya kaya hindi niya makikita ang pamumula ng pisngi ko dahil sa ginawa niya. Busy din ang mga kaibigan namin sa panunuod kaya walang nakapansin nun.

Sa kalagitnaan ng panunuod namin ay nakaramdam ako na maiihi na ko kaya tumayo ako at bumitiw sa hawak niya pero hindi ako makaalis kasi mas hinigpitan pa niya ang kapit. Tiningnan ko siya at

"Stay with me." bulong niya,nabigla ako doon na ikinapula na naman ng mukha ko.

"I will never leave you. Pwera nalang kung mararamdaman ko na hindi mo na ko kailangan." nakangiting sabi ko.

"I will never let you feel that. I pro--"

"Hep. Wag kang magpromise just do it. Ok?" putol ko sa sinasabi niya.

"Yes po."

"But for now let me go, I'm going to pee. I'll be back for a minute." Tsaka palang niya binitawan ang kamay ko. Abot hanggang tenga ang ngiti ko. Atleast alam ko na hindi lang ako ang takot sa amin na maiwan. Kahit papaano ay mapapanatag ako na hindi dapat ako matakot.

A/N: Sorry lame update pero sana magustuhan nyo pa rin. :)

ROMANTIC MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon