Happy 4k Melodies! Stay tune the ending is near. Keep reading,voting and leave your comments!
Love
SerenityLei
Chapter 34
All Too Well
Sarah's POV
Uwian na namin at dahil wala pa rin akong driver ay si Seph pa din ang maghahatid sa akin pag-uwi.
"Let's go?" tanong niya.
"Hmm. Pwede bang dumaan na muna tayo sa music room?"
"Okay sige."
"Thanks. May ibibilin lang ako sa kanila." Club hours na kasi ngayon.
"Hi guys!" bati ko sa members namin na nasa music room kaya lahat sila ay napalingon sa amin.
"Wala ka yatang buntot ngayon kuya Andrei?" nagtatakang tanong ni Kaye dahil nasanay na sila na laging kasama ni Andrei si Lira. Nung una nga ay nagalit sila kay Andrei dahil doon hanggang sa sinabihan ko nalang sila kasi nahihirapan si Andrei dahil sa karamihan nga ng members ay boto sa amin kaya nagulat sa balitang may Lira pala siya. Hindi sumagot si Andrei bagkus ngumiti lang siya bilang sagot.
"OMG! SarDrei is back!" tili ni Anna.
"Nako ayan na naman kayo. Nagpunta lang ako dito para ibilin na umuwi kayo ng maaga dahil balita ko ginagawa niyo na itong tambayan." Naiiling na sabi ko.
"Hay sayang akala ko happy na ulit ang mga Sardrei Pillows." Himutok nila kaya tinawanan ko nalang sila.
"Yung bilin ko a sige aalis na kami." Paalam ko.
"Bye ingat sa date niyo!" pahabol na pang-aasar nila.
"Ang kukulit talaga nila." sabi ni Andrei habang naglalakad na kami paalis.
"Ganoon talaga mga 'yon pasensya na alam mo namang supporters natin sila." naiilang na sabi ko.
"Naiintindihan ko naman, namimiss ko na nga kakulitan ng mga 'yon." Nginitian ko nalang siya at hindi na ko sumagot hindi ko na kasi alam kung anong dapat kong sabihin.
"Nga pala.. Busy ka ba?" tanong niya.
"Hindi naman."
"Pasyal naman tayo ang boring kasi sa bahay."
"Sige tutal wala naman ng pasok bukas."
Iniuwi na muna niya ko sa bahay namin upang makapagpalit ako ng damit at makapag-ayos. Ganoon din naman ang ginawa niya at sinundo nalang niya ko ulit sa amin para sa lakad namin.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang patuloy lang siya sa pagdadrive ng motor.
"Tulad ng dati."
"Ang layo ng sagot mo. Kahit kailan ka talaga Madrigal." Natatawang sabi ko dahil gaya nga ng sabi niya tulad ng dati, ganyang ganyan kami dati.
"Hindi ka pa ba sanay?"
"Sanay na sanay na."
"Good. Akala ko nakalimutan mo na, handa naman akong ipaalala." Napangiti nalang ako sa sinabi niya buti nalang huminto na siya sa pagdadrive, ibig sabihin ay nandito na kami sa pupuntahan namin.
"Safe Haven's!" gulat na banggit ko sa pangalan ng coffee shop ng mapagtanto ko na dito niya pala ko dinala sa paborito naming coffee shop. Mula kasi noong natapos ang deal hindi na ko nakabalik pa dito.
"Tara na, namiss ko na ang kape dito." Aya niya sa akin.
Pagpasok namin ay ganoon parin ang ambiance ng coffee shop katulad pa rin ng unang pagpunta namin dito.