Chapter 22: Especially for you

170 14 11
                                    

Dedicated sayo kasi sabi mo favorite mo 'tong story ko. <3

Chapter 22

Especially for you

Sarah's POV

Ilang araw na ang lumipas pero ramdam ko parin ang epekto ng ginawa ni Seph. Nagdidiwang kasi ang SarDrei Pillows dahil sa nangyari, parang iyon ang naging hudyat nila ng pagiging official daw namin. Yung mga lalaki naman na nanliligaw sakin dati ay tuluyan ng nawala. Dati kasi kahit napapansin na nila yung pagiging malapit ni Seph sakin ay may mga nanliligaw pa rin pero dahil sa ginawa ni Seph parang bula sila na nawala lahat, minarkahan na daw kasi ko ni Seph.

Naguguluhan ako sa kanila, hindi naman inamin ni Seph na gusto o mahal niya ko parang sinabi lang naman niya na lucky charm niya ko pero ang kumakalat na balita kami na daw ni Seph dahil yung pagharana at pagsabi niya ng lucky charm ay daan daw para ipaalam sa lahat na kami na.

Nakakabaliw ang mga kumakalat na balita kaya mas pinili ko nalang na wag nang magsalita nakakasawang magpaliwanag kung hindi ka naman nila papaniwalaan. Pati nga yung mga baliw kong kaibigan ay nakikisang-ayon sa issue na ginawa ng mga schoolmates namin.

Hindi pa rin namin napaguusapan ni Seph ang nangyari,parang parehas kaming hindi pa handang iopen yung topic kasi parang di naman big deal samin, big deal lang siya sa mga nakapalibot samin. Pero aaminin ko pati ako naguguluhan sa ginawa niya, ayaw kong magconclude kaya hihintayin ko yung explanation niya.

Tumunog ang cellphone ko sign na may nagtext. Tiningnan ko at galing kay Seph ang text.

From: Seph

Paturo naman. Unit test na natin. :(

Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan buti nalang pinaalala niya.

To: Seph

Sure. :)

From: Seph

I'll fetch you in a few minutes. Dito nalang tayo sa bahay mag-aral gusto kang makita ni Mommy.

To: Seph

Sige. Namiss ko na rin si tita.

From: Seph

Si mommy lang? Nevermind. I'm going now.

Tsk. Eto na naman siya hindi ko tuloy alam iisipin ko. Bahala na si batman.

To: Seph

Okay. Take care.

In a few minutes nandito na 'yon lalo na kapag gamit niya yung motor niya. Hindi ko na naman kailangan mag-ayos kasi sa kanila lang naman kaya okay na 'tong pambahay ko. Kinuha ko nalang yung mga notes ko na kailangan namin at bumaba na sa sala para pagdating niya makakaalis na kami ka agad.

Maya-maya may narinig akong humintong motor, panigurado siya na 'yon kaya lumabas na ko nakapagpaalam na naman ako kay manang kung sakaling may maghanap sakin.

Magdodoorbell pa sana siya ng buksan ko na yung gate.

"Bilis lumabas a. Hindi pa nga ko nakakapagdoorbell." sabi niya.

"Tara na nga, namimiss ko na si tita." aya ko sa kanya.

May binubulong pa siya bago sumakay. Nababaliw na ba 'to?

"May sinasabi ka ba? Bulong ka ng bulong diyan."

"Ha? Wala tara alis na tayo." Hindi nalang ako nagsalita at sumakay na sa motor, something is strange with him.

Pagdating namin sa kanila ay sinalubong kagad kami ni tita.

"Sarah! I'm glad you're here. I miss you." bati kagad ni tita sakin sabay yakap ni hindi niya nga pinansin si Seph.

ROMANTIC MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon