Chapter 1: Mysterious one

452 31 29
                                    

Chapter 1
Mysterious one

Sarah's POV

May ginaganap na program dito sa school. Welcome program for 1st years pero wala ako sa mood manood kaya naglibot nalang ako sa campus.

Sa paglilibot ko may narinig akong angelic voice na kumakanta sa saliw ng piano, kaya hinanap ko kung saan nanggagaling yun. Alam nyo naman I'm addicted to music lalo na pag maganda.

Hanggang sa makarating ako sa isang room,pumasok at inenjoy ang pakikinig.

Teka ang dilim naman di ko tuloy makita yung mukha nung lalaki, pero ayos lang naman sa sobrang enjoy ko nga hindi ko na namalayan na pumalakpak ako.

Oops! Wrong move! At narinig 'yon nung lalaki kaya dali dali siyang lumabas, sinundan ko naman pero hindi ko na siya naabutan.

Sayang!

Hay makabalik na nga lang doon sa program at baka hinahanap na nila ako. Hay sino ka ba? Hindi man lang kita nakilala.

"Oh saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap." tanong ni Frances.

"Ah.. diyan lang. Tara manood nalang ulit tayo." sagot ko.

Nalibang din ako sa program dahil kasama ko ang aking mga kaibigan kaya nawala sa isip ko yung misteryosong lalaki. Ngunit pag-uwi ko naalala ko ulit siya, ang galing niyang magpiano at maganda pa boses nya.

Nakakainggit!!

Samantalang ako kahit sobrang hilig ko sa music hindi pa rin ako sanay tumugtog ng kahit anong instruments.

Hay sino kaya siya? Basta kapag nalaman ko kung sino ka, gagawin ko ang lahat maturuan mo lang ako. Promise!



Someone's POV

May program sa school pero wala akong balak magparticipate kaya naisipan kong maglibot. Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa studio. At hindi ko matiis na tumugtog ng piano.

Sinadya kong hindi buksan ang ilaw para walang makakita sakin na tumutugtog ako.

Sana'y ako ang pagbigyan ng puso

Pangako sayo ikaw ang iibigin

Araw gabi ikaw ang nasa isip

Unang tingin ako'y nabighani

Tunay ang nararamdaman sayo

mapagkailanman

Akoy sayo lamang

Ibibigay higit sa kaya

Ako'y sayo lamang

Bigyan mo sana ng pag-asa

Sayong sayo lamang

Tiwala mo ay iingatan

Ako'y sayo lamang

Iyong iyo lamang ako

Iyong iyo lamang ako.

Hindi ko namalayan na sa kalagitnaan ng pagtugtog at pagkanta ko, ay may pumasok nagulat nalang ako nung may pumalakpak ng matapos kong kumanta.

Siopao naman oh! Dali-dali akong lumabas hindi ko na inalam kung sino siya kasi ayokong malaman niya kung sino ako.

Natapos na rin yung program. Hay salamat uwian na!

Teka.. Nakita kaya ako nung babae? Hay wag naman sana! Ikaw naman kasi hindi ka nag-iingat! Nababaliw na ko, kausap ko na naman ang sarili ko. Hmm, pero mukha namang hindi niya ko nakilala patay naman kasi yung mga ilaw kaya imposible na makilala o mamukaan niya ko.

Pero pano pag naaninaw nya ung mukha ko?! Nako patay! Ang hirap talaga iwanan yung dating mga gawain na nakakapagpasaya sayo pero ngayon nagpapalungkot narin sayo.

ROMANTIC MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon