Chapter 37: Tama na

102 2 0
                                    

Chapter 37
Tama na
Sarah's POV

Sobrang bilis talaga ng oras, December na ngayon pero wala pa ring pagbabago naghihintay pa rin ako at umaasa. Kahit na alam ko na dapat na kong sumuko sa kanya mula nung dumating si Lira.

"Hey, tulala? Anong iniisip mo?" tanong sa akin ni Frances.

"Ha? W-wala." sagot ko.

"Hay nako. Hindi ano kundi sino. Pero obvious naman na kung sino iniisip niyan." sabi ni Lucy.

"Sarah, matagal na talaga kitang gustong iuntog. Ano pa bang hinihintay mo? Ako ang nasasaktan para sa iyo." segunda ni Yunie.

"Pinapaasa ka nalang niya, naaalala ka lang niya kapag may kailangan siya sa iyo pero kapag may lakad kayo madalas pang indyanin ka niya kaysa sa natutuloy. Alam kong masakit pero yun ang totoo." litanya ni Beryl.

**
"Sarah, tara uwi na tayo tapos na yung practice. Nakaalis na rin sila Fran." aya ni Yunie.

"Sige mauna na kayo Yunie."

"Bakit? May gagawin ka pa ba?" tanong niya.

"Ah, wala naman. Hihintayin ko kasi si Seph. May lakad kasi kami."

"Ha? Di ba hindi naman pumasok si Andrei ngayon." nagtataka niyang sabi.

"Oo.. pero may usapan kasi kami hindi naman noon makakalimutan 'yon."

"Sure ka? Itext o kaya tawagan mo na para malaman mo kung tuloy kayo."

"Naitext ko na naman kanina. Sige na okay lang ako,hihintayin ko lang naman siya ng sandali kasi panigurado nandito na 'yon mamaya."

"Okay sige. Mag-ingat ka a. Mauna na ko nasa parking lot na kasi si Harry alam mo naman 'yon." paalam ni Yunie.

"Sige ingat din kayo." At naiwan na kong mag-isa sa music room.

Sampung minuto ay hindi pa rin siya dumadating kaya tinext ko na ulit siya at para hindi ako mainip sa kakahintay sa kanya ay naggitara muna ko.

Dahil naenjoy ko ang pagkanta at paggigitara ay hindi ko na namalayan ang oras. Alas-singko na pala at malapit ng magsara ang school kaya nagpasya na kong tawagan siya.

Pero hindi niya sinasagot ang tawag ko, apat na beses ko pang inulit ulit ang pagtawag at sa panghuli ay hindi ko na siya macontact. Patay na ang cellphone niya.

Pero dahil may tiwala ako sa kanya ay nagpasya pa kong maghintay pa. Baka kasi natraffic lang siya tapos nalowbat na siya sa pagtawag ko kaya patay na ang cellphone niya.

O kaya baka nga naaksidente na 'yun pero wag naman po sana. Mas maganda na yung una kong naisip na walang masamang nangyari, natraffic at lowbat lang siya. Good vibes lang Sarah.

Pero naabutan na ko ng pagsasara ng school wala pa ring Andrei Joseph na dumating.

**

"Sarah!" tawag sa akin ni Frances.

Tama naman silang lahat. Akala ko okay na kami nung nakiusap siyang ayusin na namin ang friendship namin pero akala ko lang pala 'yun. Madalas na nga akong pagsalitaan ng kung ano-ano ni Lira, mas lalo pang napapamukha sa akin ng mga ginagawa ni Andrei.

"Nakikinig ka ba sa amin? Naiintindihan mo naman siguro di ba yung gusto naming sabihin?" tanong ni Beryl.

"Please don't settle for less. Remember your worth." sabi ulit ni Frances.

ROMANTIC MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon