Chapter 25: Kamakailan Lang

133 13 2
                                    

Chapter 25
Kamakailan Lang

Sarah's POV

Magkatabi kami ngayon sa klase,english ang subject namin ngayon at nagdidiscuss si Miss. Sa unahang row kami nakaupo pero sa may bandang bintana kaya hindi masyadong pansin na panay ang kulit sakin nitong isa. Yung tipong kakalabitin ako sa braso o kaya pag sa iba ko nakatingin kakalabitin niya ko sa kabilang shoulder ko tapos magpapanggap na hindi siya ang gumawa noon kahit na halata naman na siya.

"Ash.." tawag niya sakin.

"Oh?" sagot ko na nakatingin kay Miss at nakikinig alam kong nangugulit lang 'to.

"Ash kasi."

"Bakit ba?" sagot ko na hindi pa rin siya linilingon kasi nga nagcoconcentrate ako sa dinidiscuss.

"Bakit ayaw mo kong tingnan?"

"Shh. Nakikinig ako kay Miss wag kang magulo."

"Hindi naman kita ginugulo a. Eto talagang si Ash,joker."

"Tsk.Ewan ko sayo."

Pagkatapos nun ay tumahimik na siya akala ko tapos na siyang mangulit pero mali ako, hindi pa pala.

Yung buhok ko naman yung pinagtripan niya. Nakalugay kasi ko kaya madali lang para sa kanyang paglaruan ito. Nilalaro niya yung buhok ko at minsan hinihila pa. Nadidistract talaga ko kaya gumaganti ko trinatry kong guluhin rin yung buhok niya na hindi mahahalata ni Miss. Kaso lang pinipigilan ako ni Seph na guluhin yung buhok niyang ayaw na ayaw niyang nagugulo kahit mukhang messy naman ang hair style niya.

Tuluyan na kong di nakinig kay Miss dahil distracted na ko tapos nabobored na ko sa tinuturo niya, buti nalang talaga makulit 'tong katabi ko kundi nakatulog na ko. Inaantok rin ang isang 'to kaya nangungulit, mabait pa din naman kami ayaw naming makatulog sa klase kaya nagkukurutan at naghahampasan kami.

Tawa lang kami ng tawa na patago para di mapansin ni Miss ang kalokohan na ginagawa namin.

But then something struck me. Days are really fast approaching. I totally forgot about our 3 months deal. 'Cause I really do enjoy every time I'm with him.

Ang bilis talaga ng oras, parang kahapon kakasimula palang ng deal namin halos mag-away kami sa pagtuturo pero ngayon sobrang close na namin at may last 1 month nalang kami sa deal na 'to. Masayang malungkot ako dahil matatapos na yung deal namin. Ewan ko ba kung bakit ako nalulungkot, ang dami kasing what if's ang pumasok sa isip ko. What if after nun balik na naman kami sa dati. What if pag natapos na ang deal hindi na namin magagawa 'to, hindi na kami makakapagkulitan. Ewan ko ba kung bakit ako natatakot though alam kong sa 2 months span na yun naging close talaga kami at nakapagstablish na ng friendship.

Para kasing ang bilis ng lahat na ang dami na naming nagawa sa two months na yun. Parang kamakailan lang, hindi namin kilala ang isa't isa. Kamakailan lang ay bigla kaming kumapit sa isa't isa ng walang iniisip. Kamakailan lang, nakakulong pa siya sa past niya na naging dahilan kung bakit kami nagkawall pero nabasag din namin yun. Kamakailan lang parang lahat ay bumabagal kapag magkasama kami tipong kaming dalawa lang yung nandoon, yung saya na naramdaman namin kapag magkasama kami ay iba. Kaya natatakot ako na baka kung gaano kami kabilis dumating sa puntong 'yun, ganun din kabilis mawala. 'Yung tipong kamakailan lang lagi siyang nandiyan sa tabi ko pero baka sa isang kisap mata ko lang bigla nalang siyang mawala ng parang bula.

"Hey." He then snap his fingers in front of me.

"Huh?"

"Bigla ka nalang natulala."

"Ah,wala lang yun."

"Sigurado ka? Sabihin mo na, kahit alam ko na naman."

"Ang alin? Alam mo na? How?" nabibigla kong tanong, nasabi ko ba ng malakas yung iniisip ko?

"Na gwapo ko. Oo naman alam na alam ko yun. Ako may-ari ng mukhang 'to kaya alam ko talaga." Natatawa niyang sabi. Nakahinga ko ng maluwag dun. Akala ko talaga alam niya na yung mga gumugulo sakin. Pero atleast kahit na kalokohan pinagsasabi niya nawawala yung mga negative thinking ko.

Paranoid na talaga ko, dapat hindi ko iniisip 'yung mga ganung bagay. Dapat sulitin ko yung last month na natitira samin at dapat magtiwala ako sa kanya.

"Sarah at Andrei pinapatawag daw kayo sa Music Room." sabi samin ni Miss.

Hinila ako patayo ni Seph sa upuan, hyper talaga nito ngayon at lumabas na kami ng classroom papuntang Music Room.

Pagdating namin doon ay nandoon na si Ms. Lee.

"Good morning po." Sabay na bati namin ni Seph.

"Good morning din. Please take a seat."

Umupo naman kami at nagsimula na siya.

"What are your plans for the month of October?"

"We plan to have a concert for a cause." sagot ni Seph.

"Meron po kasi kaming nakitang foundation that really needs help. We want to give back what we have by having a concert. Lahat po ng kikitain sa concert ay mapupunta dun sa foundation ng mga batang may cancer." paliwanag ko.

"That's a bright idea. Okay I trust you both in this. Start preparing now for the concert, a month of preparation. 'Cause it will happpen by the last week of October."

"Yes,Ms. Lee." sabay naming sabi.

"You may go now." Nagpaalam na kami sa kanya at pumasok na ulit sa classroom.

Buti nalang after class ay may meeting talaga kami kaya di na kami kailangan magpapatawag ng emergency meeting.

After school class ay dumeretso kami kagad sa Music room at tulad ng inaasahan ay nandoon na ang mga members namin. Dahil nga isa lang naman ang layunin ng Glee Club at Music Club nagdecide nalang kami noon pa na magjoin force to have one club. Ang hirap kasi paghiwalay pa, same field lang naman kami kaya panigurado mag-aagawan yan sa mga events na pwedeng gawin.

Simulan na namin yung meeting dahil kumpleto na naman kami. Katulad lang din ng dati ay sinabi muna namin ang event tsaka kami nagbrainstorming sa mga gagawin para sa event na iyon.

After an hour ay naayos na namin ang plano para doon kaya dinismiss na rin ang meeting.

"Tara uwi na tayo." Aya ni Seph.

"Ano pa nga ba. Paniguradong hindi na naman ako susunduin ni manong dahil sinabi mong sasabay ako sayo."

"Kuha mo. Kaya tara na iuuwi na kita." At hinila na naman niya ko paalis.

ROMANTIC MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon