Chapter 21: Steady my Heart

173 15 11
                                    

Intramurals week na ngayon,dahil hindi naman ako sporty kaya wala akong sinalihan na game. Tanging si Beryl lang ang sumali samin, magaling kasi siyang magvolleyball. Kaya kaming apat na natira naging hands on nalang sa pagtulong sa pagoorganize ng Intrams at last day na nga bukas nito bukas.

"Sarah,kamusta yung mga booths para sa last day?" tanong ni Frances, siya ang Student Council President kaya siya ang leader namin sa pagoorganize ng events. Pinasali kasi namin yung mga officers na sporty kaya kami muna substitute nila.

"Kumpleto na, nagpasa na yung mga clubs." sagot ko.

"Lucy,kamusta yung mga kailangan natin?" tanong ko.

"Ok na naman yung mga kailangan sa mga events." sagot niya.

"Girls,tutal umaayon naman sa plano yung mga gawain for today baka pwede muna tayong magrelax?" sabi ni Yunie.

"Oo nga. Let's take a break. Naayos na naman natin yung plano for this day." segunda ni Frances.

"What's your plan?" tanong ko.

"May game sila Jem, let's watch." suhestiyon ni Lucy.

"Right. Let's support them."

At lahat naman kami nag-agree. Habang papunta kami sa gym kung saan gaganapin yung basketball game nakasalubong namin si Beryl.

"Giiiiirls! I miss you." salubong niya samin sabay yakap.

"We miss you too." sabi ko.

"Sorry if we didn't watch your game." Paumahin ni Frances.

"It's ok. I know you're all busy organizing this event. I still have a game later, so please don't miss it." aniya.

"We will don't miss it again. Ikaw pa malakas ka samin." tugon ni Lucy.

"Saan nga pala kayo pupunta?" tanong niya.

"May game ang Knights. Kaya manunuod tayo!" excited na sabi ni Yunie.

"OMG! Let's go girls!" aya ni Beryl. At dahil super supportive girlfriends ang mga kaibigan ko, may dala silang bottle of water,towel at banner. I don't know where they get it but it seems they are prepared. Oo nga pala, hindi lang sila pati rin ako. Kinunsyensya kasi nila ko about kay Andrei kaya pati ako may dalang ganun,at ready na rin yung banner parang plinano talaga nila 'to. Ano pa nga bang magagawa ko?

Pagdating namin sa gym, hindi na kami nahirapan maghanap ng pwesto.Nireserve na yata kami ng upuan ng mga Knights, wala kasing nakaupo sa 2nd row na bleachers sa likod ng upuan ng mga players.

Last quarter na pala ang naabutan namin, tagilid ang Knights 25-20 ang score in favor of Villains.Buti nalang sa kanila ngayon ang bola na kay Jem ang bola, drinidrible niya ang bola.

"Go babe!" sigaw ni Lucy sabay taas ng banner dahil sa ginawa ni Lucy madali nalang nalagpasan ni Jem ang mga kalaban na kaninang nahihirapan siyang lagpasan.Pinasa niya kay Errol na malapit sa ring at shinoot niya.

"That's my weird!" sigaw ni Frances. 25-22 na ang score tatlo nalang ang lamang ng kalaban may 2 minutes pang natitira kaya kayang kaya nila 'yan.

Pero dahil sa nangyari mas naghigpit ng bantay ang mga kalaban kaya na kakaisang minuto na wala pa ring nakakashoot. Kundi kasi nirerebound,sinusupalpal o kaya naaagaw ang bola.

Na kay Dylan ang bola ngayon, "Hoy,Dy! Ipasa mo!" biglang sigaw ni Yunie na ginawa naman ni Dylan,pinasa niya kay Kiel.

"Ishoot mo na Yam!" si Beryl naman ang sumigaw saktong nashoot naman ni Kiel ang bola. 25-24 na ang score isa nalang ang laman ng kalaban.Tumawag muna ng time-out ang kalaban.

ROMANTIC MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon