A/N: Happy 1k reads :) Nakakatuwa naman. Votes and comments are highly appreciated:) Keep supporting this story, LoveLove <3
Chapter 19
Falling Slowly
Sarah’s POV
May session kami ni Seph ngayon kasi hindi na kami busy dahil tapos na ang buwan ng wika pero malamang next week busy na ulit dahil Intramurals week na. Marunong na kong maggitara kaya ang pagtutuunan ko naman ng pansin ay ang piano. Sa music room ko kami ngayon magprapractice kaya doon ko nalang siya hihintayin. Habang naghihintay trinay ko na yung tinuro niya sa akin na basic which is kung anong keys yun. Pagkatapos kong gawin yung naalala kong tinuro niya sa akin nagpipindot na lang ako ng ramdon keys trying to make a melody.
Nalilibang ako sa pagtipa ng keys sa piano ng may biglang nagtakip ng kamay sa mata ko. “Sino ‘to?” tanong ko ngunit walang sumagot kaya kinapa ko na yung kamay ng nagtakip sakin, kamay ng lalaki kaya malamang siya ito naaamoy ko na rin yung pabango niya kaya siguradong sigurado ako na siya nga ‘yun. “Andrei Joseph Madrigal pakitanggal na yung kamay mo.” Sabi ko habang tinatapik na paalis yung kamay niya.
“Paano mo nalaman na ako ‘yun?”tanong niya.
“Obvious naman kasi may usapan kaya tayo ngayon kaya malamang ikaw ‘yun.” Natatawa kong sagot sa kanya.
“Tsk. Oo na po. Ano ba yung tinutugtog mo kanina?”
“Hindi ko alam, pinaglalaruan ko lang yung keys.”
“Kaya pala ganun yung tunog.” Natatawa niyang sabi.
“Ang sama nito, ganun ba kasama sa pandinig?”
“A,e hindi naman.” May pag-aalinlangan niyang sagot.
“Yung totoo Seph?Ayoko ng napipilitan.”sabi ko sabay hampas sa braso niya.
“Hindi naman talaga, binibiro lang kita.” Sabi niya ng nakangiti. “Ang sarap mo kasing asarin.” Dagdag niya pa habang kinukurot ang pisngi ko.
“Aray naman. May pisngi ka naman bakit yung akin pinagtritripan mo.” Reklamo ko.
“ Cute mo kasi.”
“Hindi ako bata o hayop para maging cute. I’m pretty kaya.”
“Oo nga, hindi ka cute pero hindi ka rin pretty..” Aba’t inaasar talaga ko ng lalaking ‘to.
“You’re gorgeous.” Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya at feeling ko nagblablush na rin ako. Kahit kailan talaga ‘tong lalaki na ito alam na alam kung paano ko pasayahin. Paano ako hindi mahuhulog? Itatanggi ko pa bang I’m falling slowly for him?
“Bakit ka namumula? Nagblablush ka ba?”
“Ha? Ako namumula? Hindi a baka nacocolorblind ka na. Tara na nga magstart na tayo ng matuto na ko.” Paglilihis ko ng usapan.
“Sige.”
Inexercise na muna namin yung kamay at daliri namin para hindi mabigla.”Alam mo naman siguro yung for the first time ng The Script, madali lang naman yun key A ang gagamitin natin.”
Bawat pagtipa niya ng keys ay tinatanong niya ko kung anong chords yun, apat lang naman na chords yung pinaulit ulit niya which is yung A,E,F#m at D.Sinimulan niya ng tugtugin ng deretso and I find it easy sana kapag ako na yung tumugtog ay makuha ko kagad.
♫She's all layed up in bed with a broken heart
While I'm drinking Jack all alone in my local bar♫