Happy 2k reads Melodies! Maraming salamat sa suporta lalo na dun sa mga walang sawang nagvovote at nagcocomment. Haha
Lovelove
Serenitylei
Chapter 24
Passenger Seat
Sarah's POV
Kanina pa ko tinuturuan ni Seph na magdrums kaya ngayon kumakain muna kami ng meryenda.
"Nagustuhan mo ba yung regalo ko?" tanong niya, kanina ko palang kasi binuksan yung sa kanya kahit na ilang araw na ang nakakalipas pagkatapos ng kaarawan ko.
"Oo. Ang cute nga e. Ang sarap yakapin." Sagot ko, isang malaking teddy bear kasi ang binigay niya sakin. Muntik na nga akong matangkaran buti nalang hindi kundi baka hindi ko na yun mabuhat.
"Buti naman nagustuhan mo, ikaw kasi unang pumasok sa isip ko nung nakita yun saktong naghahanap ako ng regalo para sayo."
"Nakatadhana na talaga na mapunta sakin si Melody."
"Melody? Sino 'yun?"
"Yung teddy bear na binigay mo,siya si Melody."
"Bakit Melody pinangalan mo? Hindi naman siya kamukha ni Melody."
"Yun ang gusto ko tsaka connected pa sa music."
"Hmm. Sabagay bagay naman."
"Hanga ka na no? Ang galing kong mag-isip ng pangalan." pagmamalaki ko.
"Oo na." sabi niya at kinurot ang ilong ko.
"Masakit 'yun a." reklamo ko.
"Parang 'yun lang,Ash hindi naman masakit."
"Paganti ako!"
"Ayoko." sabi niya habang iniiwas yung mukha niya at pinipigilan yung kamay ko na kurutin siya.
"ANDREI!"Naaasar na sigaw ko. Hindi kasi ko makaganti.
"Ang liit kasi ng braso mo kaya di mo ko maabot." Pang-aasar niya pa.
"Bwisit ka." Tsaka binalingan yung pagkain.
"Ash." tawag niya sakin pero hindi ko pinansin.
"Ash. Uy Ash! Ashline." pangungulit niya.
Linapitan niya ko tsaka ginulo yung buhok ko. "Sorry na pusa." sabi niya.
"Oo na aso." sagot ko.
"Ang gwapo kong aso."
"Ehem." paubo kong sabi.
"Gwapo naman talaga ko." pagpipilit niya.
"Inom kang kape ng nerbyusin ka." pang-aasar ko pa.
"Eto namang pusa na to ayaw pang sumang-ayon." nakapout na sabi niya.
Tinawanan ko nalang siya at kinuha na yung drum stick at nagsimulang pumalo sa drums. Trinatry kong gawin yung tinuro niya kanina kaya wala siyang magawa kundi panuorin ako.
"May tanong ako." sabi niya pagkatapos kong gawin yung routine na tinuro niya.
"Ano?"
"May mga gusto ka bang gawin na hindi mo pa nagagawa?"
"Hmm. Madami. Bakit?"
"Wala lang para kasing nagawa mo na lahat."
"Akala mo lang 'yun. Gusto ko kasing mag-adventure. Try something new, yung mga extreme."
"Bakit naman?"
"Mukha kasing masaya." sagot ko habang mahinang pumapalo sa drums.
"Kakaiba ka talaga." nakangiting sabi niya habang umiiling.