Chapter 16: Counting Stars

215 26 9
                                    

 

Chapter  16

Counting Stars

Sarah’s POV

“Magmula ngayon hindi na kita hahayaang mag-isa.”

 

“Magmula ngayon hindi na kita hahayaang mag-isa.”

 

“Magmula ngayon hindi na kita hahayaang mag-isa.”

 

“Magmula ngayon hindi na kita hahayaang mag-isa.”

 

“Magmula ngayon hindi na kita hahayaang mag-isa.”

Paulit- ulit pa rin ‘yang tumatakbo sa isip ko. Imagine, it’s been 5 days since he stated it to me, but I just can’t over it.Well, you can’t blame me. He’s freaking serious about that. I thought it’s just another pick-up line, but it’s not. He really does it. Lagi siyang nandyan sa tabi ko literal man o hindi. Napansin nga kagad yun ng barkada kaya iniissue nila na ‘kami’ na which is not true. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya at ginagawa niya ito. Yes, nakakatulong sa akin na laging siyang nandyan pero there’s a part of me na hindi maiwasan na magtaka. I know he is being caring at all but I think it’s too much. Nagmumukha na siyang protective boyfriend when in fact we’re just friends. Ayokong mag-assume na gusto niya ko kaya niya ginagawa ito, I should remind myself na huwag akong masyadong maattach sa kanya kahit na ganun siya sa akin mahirap na, ako lang din naman ang masasaktan.

“Sarah.”

“SARAH!”

“Ay! Ano ba yun?” gulat kong sabi.

“Tulala ka na naman kasi. Bakit ba?” tanong ni Frances.

“Ha? A, e wala.”

“Bakit nga?”

“A, ano iniisip ko lang yung performance natin. Next week na kasi yun.”

“Sus, yun lang pala. Kaya natin yun.” Sabi ni Lucy.

“Oo nga. Napaparanoid lang siguro ko.”

“Mukha nga. Akala ko kasi si Andrei yung iniisip mo.” Pang-aasar ni Beryl.

“Hindi a. Kayo talaga.” Tanggi ko.

Tumahimik na kami kasi baka mahuli kami ni Ms.Reyes na nagdadaldalan, mapapagalitan kami nun panigurado.Last subject na naman kaya konting tiis nalang makakauwi na rin kami.Ewan ko ba kung bakit nanlalata ako ngayon, wala namang masyadong ginawa.

“Sarah.”

“Yes, Ms. Reyes?”

“Kindly go to my office and get the checked papers.”

“Okay po.” Tumayo na ko para pumunta sa office.

“Ms.Reyes, can I help her?” tanong ni Seph.

“You're such a gentleman. Okay you may.” Aba’t pinayagan ni Miss.  Nagsisimula na naman siya, parang sa office lang naman ako pupunta sasamahan pa ko. Baliw talaga. Iniwanan ko na siya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

“Hey. Not too fast.” Habol niya sakin. Malalaki ang hakbang niya kaya naabutan niya kagad ako.

“Why?”

“Bakit ka ba nagmamadali?” Nginitian ko lang siya at nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. Sa kabilang building pa yung office ni Miss Reyes kaya medyo malayo.Hindi kami nag-uusap kasi nga nanlalata ako pero hindi naman awkward yumg katahimikan, eto yung katahimikan na comportable. Yung hindi kailangang nag usap para masabing okay kami.

Medyo natagalan kami sa pagbalik sa room dahil nautusan pa kami ng isang teacher, kaya pagbalik namin sa room naging tampulan na naman kami ng tukso, pati si Miss Reyes ay nakisali. Kaloka.

After ibigay yung checked papers  ay pinauwi na rin kami dahil oras na ng uwian. Buti nalang Wednesday ngayon kaya sila Beryl at Kiel ang bahala muna sa Music Club.

“Ash, hindi kita mahahatid ngayon pauwi may pinapagawa pa kasi sakin dito sa school si Sir Aldaba.”

“Okay lang Seph. Nothing to worry, may driver naman ako.”

“Sige.Ingat ka nalang, magpahinga ka ha.” Bilin niya.

“Opo.” Napansin pala niya na nanlalata ako.

Pagdating ko sa bahay, umakyat kagad ako ng kwarto,nagpalit ng damit at sinimulan gawin yung mga assignments. Mabilis ko naman iyon natapos kaya napagpasyahan ko na matulog dahil nga nanlalata ako.

***

 8 pm na ko nagising. As expected gutom na ko anong oras naman kasi ko nagising hindi pa ko nakakain ng dinner. Kaya bumaba ako para kumain, andoon pa rin naman si Manang sa kusina kaya napaghanda niya ko. Wala na naman sila Mommy at Daddy dahil may out of town business.

“Manang. Si Kuya Ian po?”

“Nagpaalam sakin kanina na gagawa sila ng thesis kaya magoovernight sila sa kaibigsn niya. Hindi na nakapagpaalam sayo kasi tulog ka.”

“Ganun po ba? Sige po ako ng bahala dito magpahinga ka na po.”

“Sigurado ka ba hija?”

“Yes Manang.” Kaya iniwan na ko ni manang, pinagpatuloy ko naman yung pagkain ko. Ayos na naman kasi ako hindi na ko nanlalata nakatulong yung pagtulog ko.

Pagkatapos kong kumain nanuod muna ko ng tv sa sala pampalipas oras dahil kakakain ko palang. Palipat lipat ako ng channel kasi wala akong magustuhan na panuorin buti nalang natyempuhan ng ilipat ko ulit The Vampire Diaries ang palabas kaya napirmi rin ako sa kakalipat. Ang gwapo talaga ni Damon mygash! Kung ganyan ba makakasama mo e ayos lang sakin magpuyat gabi gabi.

After an hour natapos na rin yung episode ngayon ng vampire diaries kaya pinatay ko na yung tv at umakyat sa kwarto ko. Humiga na ko pero hindi ko pa rin ramdam yung antok. Kakakain ko lang pero parang nagkecrave ako. Nag gm nalang ako na craving for CHILLZ. Wala naming nagreply malamang tulog na yung mga ‘yun kaya nagpagulong gulong ako sa kama ng may magawa ako kasi nga hindi pa ako inaantok. Nakailang ikot na ko sa kama ko ng nagbeep ito na sign na may nagtext.

I’m outside.i’ll wait for you.

‘Yan yung nakalagay sa text ni Andrei. Ano kayang ginagawa niya sa labas e gabi na. Kaya para malaman ko nilabas ko siya. Nakasandal siya sa motor niya ng puntahan ko siya sa labas.

“Seph, anong ginagawa mo dito?”

“Sabi mo nagkecrave ka sa Chillz kaya binilhan kita.”  Aniya tsaka inabot yung plastic na may laman ng Chillz.

“Grabe ka gabi na bumili ka pa talaga nito.”

“Pambawi hindi kita nahatid kanina.”

“Ikaw talaga, ayos lang yun hindi naman kita driver para gawin yun.”

“Pero yun ang gusto ko.”

“Bakit nga pala gising ka pa?”

“I can’t sleep this past few days. I don’t know why.”

“Thinking of someone?”

“Hmm. Maybe.”

“It’s normal if it is.”

 “That’s good. What are you doing?”

“Counting stars.”

“Why?”

“Para makatulog ako.”

“Totoo?”
“Oo naman. Try mo effective.” Kaya ginaya niya ko. Pareho kaming nakatingin sa langit at binibilang ang mga bituin.

“Sana bituin nalang ako, para natititigan mo rin ako.” Bulong niya. May panibago na naman gugulo sa isip ko. Ano bang ginagawa mo sakin Andrei?

ROMANTIC MELODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon